Twenty Nine.

5 1 0
                                    

Agad na naghiyawan ang lahat. Tinanggal ni Lefzon ang blindfold niya at tumingin sa akin.

"Tama ba ang kinuha ko?" nakangiti niyang tanong.

Natulala ako. Hindi ako makapagsalita. Paano siya nagkaroon ng bulaklak? Tumingin ako sa paligid ko at nakatingin silang lahat sa akin. Nahiya ako.

"May nanalo na." biglang wika ni Athena. Nagsigawan silang lahat.

"Mali ka ng kinuha Lefzon." wika ni Joyce. "Next item tayo. Balik na sa mga pwesto niyo."

Agad na nagbalikan ang lahat sa mga pwesto nila. Tumingin ako kay Lefzon at nakatingin pa din siya sa akin habang inaabot ang bulaklak. Kinuha ko na lang ito. Yumuko ako.

At ngumiti ako.

∞∞∞

Bumalik kami sa mga kwarto namin matapos ang ilang activities na pinagawa sa amin nina Joyce. Pinagpahinga nila kami panandalian at pagkatapos kakain na kami ng lunch. Pagdating ko sa kwarto, nakita ko si Lefzon na nakahiga sa higaan. Nakapikit siya. Bakit siya natutulog ng ganitong oras?

Pumasok na lang ako para magpalit ng damit ko. Agad akong dumeretso sa cabinet ko at kumuha ako ng pamalit ko. Muli akong tumingin kay Lefzon. Tulog pa din siya. Minabuti kong tingnan ang schedule namin para malaman ko kung anong oras kami dapat makipagkita sa lahat para kumain. 20 minutes na lang ang natitira. Bakit nakahiga pa siya?

"Hindi ka ba tatayo diyan?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Kinuha ko ang mga damit ko at nagtungo ako sa CR para magpalit. Pagkatapos kong magpalit, muli akong tumingin sa kaniya. Tulog pa din siya. Minabuti ko nang lumapit sa kaniya para gisingin siya.

Hinawakan ko siya sa braso. "Lefzon." wika ko.

Agad kong napansin na sobrang init niya! Hinawakan ko siya sa noo at napansin ko pa din na sobrang init niya talaga. Agad akong humanap ng telepono para tumawag sa desk clerk at magtanong ng clinic. Pero walang telepono ang kwarto namin! Agad akong lumabas at nagtungo ako sa kwarto ni Jasper. Kumatok ako dito.

"Jasper!" tawag ko sa kaniya. Agad na bumukas ang pintuan ng kwarto niya.

"Bakit Flynn?" tanong niya.

"May clinic ba ang resort na ito? Wala man lang telephone ang kwarto namin para makatawag ako sa receptionist!" wika ko.

"Ano bang nangyari?" pagtataka niya.

"Sobrang taas ng lagnat ni Lefzon!" wika ko.

"Meron naman dito. Pero wag ka nang tumawag. Pinakita naman sa amin kanina ng mga staff ang facilities nitong resort." sagot ni Jasper.

Agad siyang lumabas ng kwarto niya. Una ko kaagad naisip ang kwarto namin. Bakit wala kaming telephone? Pero sa kwarto nina Jasper meron?

Pagpasok niya sa kwarto namin, agad niyang hinawakan sa noo si Lefzon.

"Lefzon." wika ni Jasper. Sinubukang imulat ni Lefzon ang mata niya pero pumikit din siya kaagad. "Sandali, ako na tatawag ng nurse."

Lumapit ako kay Lefzon. Ano bang nangyari sa kaniya? Kanina lang kasali siya sa mga activities namin ngayon naman sobrang taas ng lagnat niya. Agad kong kinuha ang kumot na nakatiklop sa may ulo niya at kinumutan ko siya.

"Ano bang nangyayari sa iyo." wika ko.

Maya-maya lang ay bumalik na si Jasper. May kasama siyang nurse.

"Wala po bang doctor dito?" tanong ko sa nurse habang tinitingnan niya ang mata ni Lefzon.

"Mamaya pa po ang dating ng resident doctor namin dito. At ilang oras lang po ang tinatagal niya dahil hindi naman po siya full time sa resort na ito." sagot ng nurse.

Double RainbowWhere stories live. Discover now