Seventeen. (T.B.N.D.K.W.S.)

8 1 0
                                    

(Korean Web Series)

Tinuturuan ko si Juneray sa Pharmacy Calculations. Isa't kalahating oras na din kami dito sa library. Nahihirapan siyang magconvert at magcompute ng mga sample problems na nakikita namin sa libro.

"Subukan mo ulit." wika ko. Binigyan ko siya ng konting oras para magcompute ulit. Napansin ko din na paulit ulit siyang tumitingin sa relo niya.

"May lakad ka ba?" tanong ko.

"Ha?" pagtataka niya.

"Kanina ka pa kasi tumitingin sa relo mo." wika ko.

"Hindi naman. Natatagalan lang ako sa pagsasagot ko." wika ni Juneray.

"Baka napapagod ka na din. May susunod pa tayong klase. Wag mong pagurin ang utak mo. Ituloy na lang ulit natin bukas." wika ko.

Huminga ng malalim si Juneray. Niligpit niya ang gamit niya at minabuti na naming lumabas.

Habang naglalakad kami, narinig kong tumunog na naman ang cellphone ko. Nabad trip na ako. Tumigil ako sa paglalakad at binuksan ko ang bag ko. Pagkabukas ko nito, kinuha ko ang phone ko at bumungad sa akin ang limang message sa hindi kilalang number.

"Sino ba yan?" tanong ni Juneray.

"Wala. Nangungulit lang." sagot ko.

Minabuti kong iblock ulit ang number. Pangsampung number na ito na naiblock ko. Hindi ko kilala kung sino ito. Pero sigurado akong ito ang nangungulit sa akin nung isang araw pa. Nag-iisip na din akong magpalit ng number kaso iniisip ko yung hassle nang pagtetext sa lahat na nagbago ako ng number.

"May pinagbigyan ka ba ng number ko?" tanong ko.

"Ako? Wala naman akong pinagbibigyan ng number mo." sagot ni Juneray. "Bakit, may nagtetext sa iyo na hindi mo kilala?"

"Nung isang gabi pa ito nangungulit." sagot ko.

"Anong sinasabi?" tanong niya.

"Hindi mo na gugustuhin pang malaman." sagot ko.

"Bakit, ano ba sinabi?" pangungulit ni Juneray.

"Hindi ko na maipapakita sa iyo. Naidelete ko na lahat ng mga nareceived ko." paliwanag ko.

Tumawa lang si Juneray. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Papunta na kami sa room namin ng bigla naming makasalubong si Blanco sa entrance ng building namin.

"Flynn!" bati nito.

Tumingin ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin. Kasama ko din si Juneray pero sa akin lang siya nakatingin.

"Bakit?" tanong ko.

"Free ka ba mamaya?" tanong niya. Ako ba tinatanong niya?

"May screening ako pagkatapos ng klase natin." sagot ko.

"Pero maaga matatapos klase natin mamaya." sagot niya. "Pwede bang bago ang screening mayaya sumama ka muna sa akin?"

Tumingin ako kay Juneray. Kita ko din sa mukha niya na nagtataka na siya. Ano bang problema nitong si Blanco at naisipan niya akong yayain?

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"May alam akong kainan diyan malapit lang dito sa school. Subukan natin." pagyayaya niya.

Ako ba talaga ang niyayaya nitong si Blanco? Nagtataka na ako sa kaniya.

"Sino sino ba kasama natin?" tanong ko. Kung sina Von lang din naman ang makakasama namin, wag na lang. Ayoko.

Double RainbowWhere stories live. Discover now