Thirty Nine.

6 1 0
                                    

Tumigil ang motor niya sa lugar namin. Mataas ang sikat ng araw pero malakas ang hangin kaya hindi namin maramdaman ang init ng paligid. Kulay ginto ang palayan at kulay asul ang langit. Tahimik ngayon dito.

"Dito ba tayo kakain?" tanong ko.

Tumango siya sa akin bilang sagot. Binuksan niya ang compartment ng motor niya at may kinuha siyang plastic bag dito.

"Nagluto ka?" tanong ko.

"Oo. Para sa iyo pinilit kong magluto." wika niya.

"Baka mamaya hindi naman masarap yan." wika ko.

"Kung sa akin lang din naman galing ang pagkain, panigurado na kakainin mo ito kahit na hindi masarap." mayabang niyang wika.

"Kapag hindi yan masarap, hindi ko yan kakainin." pang-aasar ko. Tumawa lang siya.

Tumingin ako sa paligid. Katulad ng dati, malakas ang hangin dito. Tumingin ako sa langit. Agad akong may napansin dito.

"Zon!" tawag ko sa kaniya.

"Ano yun?" tanong niya.

"Tingnan mo yung nasa langit!" wika ko. Agad naman siyang tumingin dito.

"Rainbow?" tanong niya.

"Oo!" wika ko.

"Maganda naman. Pero palagi naman tayong nakakakita ng rainbow." wika niya.

"Ano ka ba Zon! Tingnan mong mabuti!" pagpupumilit ko sa kaniya. Lumapit siya sa pwesto ko at tumingin siya ng mabuti sa langit. Tiningnan ko siya nang nakangiti. "Nakita mo?"

Bigla siyang ngumiti. "Double rainbow." wika niya.

"Ang ganda di ba?" tanong ko.

"Oo." nakangiting sagot niya.

"First time kong makakita ng ganiyan! Ang ganda pala talaga!" wika ko.

Bigla siyang natahimik. Tiningnan ko siyang mabuti. Nakatingin lang siya dito at nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti na din ako sa ngiti niya.

"Anong nasa isip mo?" tanong ko. Bigla siyang humarap sa akin at ngumiti.

"Double rainbow. First time ko lang din makakita niyan. Pakiramdam ko pati langit nakikisama sa atin." wika niya.

Ngumiti ako sa kaniya. Tinitigan ko ang langit. Pati daw ang langit nakikisama sa amin. Sabi nila, ang rainbow daw ang sumisimbolo sa mga tulad namin. At ngayon, may dalawang tulad namin ang nakatitig sa dalawang simbolong nakaangat sa langit. Siguro nga. Siguro nga pati ang langit ay nakikisama sa amin.

"Anong oras ba matatapos ang klase mo?" tanong niya.

"Hapon na. Pagkatapos nun dederetso ako sa dorm kasi sasama sa akin si Juneray para gumawa kami ng report namin." sagot ko.

"Ibig sabihin hindi kita makakasama mamaya?" tanong niya.

"May pupuntahan ba tayo?" tanong ko.

"Wala naman." sagot niya. "Gusto ko lang makasama ka."

"Magkasama na nga tayo ngayon. Baka mamaya magsawa ka kaagad sa akin dahil palagi mo akong nakikita at nakakasama." wika ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napalayo ako ng konti.

"Hinding hindi ako magsasawa sa iyo." wika niya. At bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Kinilig ako.

"Ikaw anong oras matatapos klase mo?" tanong ko.

Double RainbowWhere stories live. Discover now