Thirty Eight.

4 1 0
                                    

Ngumiti siya sa akin. Tumingin muna ako kay Lefzon at seryoso niyang tinitingnan si Blanco.

"May kailangan ka ba?" tanong ni Lefzon.

"Flynn pwede ka bang makausap?" tanong niya.

"Anong kailangan mo sa kaniya?!" tanong ni Lefzon.

Hindi pa din pinapansin ni Blanco si Lefzon. Nakatingin lang siya sa akin. Tumingin ako kay Lefzon na tila tinatanong ko siya kung okay lang ba na magkausap kami. Pero hindi ko gusto ang itsura ng mata ni Lefzon.

"Flynn, saglit lang. Please?" tanong ni Blanco.

Tumingin ako kay Lefzon. "Sandali lang. Babalik din ako sa iyo." wika ko sa kaniya.

"Alam ko naman na sa akin ka din babalik." wika ni Lefzon. Napatingin ako kay Blanco at alam kong naasar siya sa sinabi ni Lefzon.

Minabuti kong tumayo. Biglang bumaba sa hagdan si Blanco. Bakit kami aalis dito sa roof top? Saan ba kami mag-uusap?

Dumating kami sa garden nina Aira. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Congrats Flynn!" bati niya.

"Salamat." sagot ko.

Bigla niyang inabot ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko ito at nagtataka ako kung bakit niya ito inaabot sa akin.

"Pwede ka bang maisayaw?" tanong niya.

Hindi ko maiabot ang kamay ko sa kaniya. Maisip ko pa lang si Lefzon alam kong hinding hindi niya magugustuhan na makita kaming nagsasayaw dahil kahit siya ay tinanggihan ko.

"Blanco, akala ko ba nagkausap na tayo?" tanong ko. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Blanco. Ibinaba niya ang kamay niya at yumuko.

"Sorry." wika niya.

"Blanco, ang sabi mo sa akin magiging okay ka din. Pero paano ka magiging okay kung ginagawa mo pa din ito sa akin?" tanong ko.

"Sorry Flynn. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Pinipilit kong kalimutan ka pero sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ikaw lang ang nag-iisang tao na pinag aminan ko na gusto ko pero...." wika niya.

Nasasaktan din ako sa ginagawa ni Blanco. Hindi niya deserve ang ganitong uri ng sitwasyon. Kung kaya ko lang mawala sa paningin niya gagawin ko pero magkaklase kami kaya malabong hindi kami magkita sa araw-araw na buhay namin sa school.

"Pero ikaw talaga ang sinisigaw ng puso ko. Gusto talaga kita Flynn." wika niya.

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang reaksyon na dapat kong ipakita sa kaniya.

"Blanco, masaya ako na may isang tulad mo na umamin sa akin." wika ko. Huminga ako nang malalim. Natatakot akong sabihin ito sa kaniya pero kailangan kong maging direkta sa kaniya. "Pero si Lefzon ang gusto ko."

Napatingin sa akin si Blanco. At alam kong hindi niya gusto ang narinig niya. Pero sa tingin ko kailangan niya itong marinig para maintindihan niya na hanggang magkaibigan lang kami.

"Naiintindihan ko. Pasensiya ka na." wika niya.

"Sorry Blanco." wika ko. Bigla siyang huminga ng malalim.

"Sasabihin ko na din sa iyo Flynn. Kahit na anong mangyari, nandito lang ako para suportahan ka. Basta, kapag kinailangan mo ako, handa naman akong saluhin ka." wika niya.

"Salamat." wika ko.

Nagngitian kaming dalawa.

∞∞∞

Double RainbowWhere stories live. Discover now