Forty Four. (Save As Draft)

8 1 0
                                    

Nakaupo kami sa mga upuang nasa harap ni Joyce. Nakatayo siya at nakatingin sa phone niya. Bigla niyang inabot ito sa amin.

"Tingnan niyo yan." wika niya.

Agad kong kinuha ang phone niya. Pagtingin ko sa video, nanginig ako.

May nakakuha ng video sa pagtatalo nina David at Lefzon. At halos nakunan nito ang lahat hanggang sa suntukang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kinabahan ako.

Tumingin ako kay Joyce. Nakatingin siya ng seryoso sa akin.

"Anong nangyari diyan?" tanong niya.

Hindi ako makapagsalita. Tumingin lang ulit ako sa video. Sa anggulo ng kuha nito, nasa taas ng building ang taong kumuha nito. Pero paano nila nalaman na nandun kami? At paanong napunta ito sa kamay ni Czarina?

"Sa views niyan, madami na din ang nakakakita. Malaking issue yan dito sa school. Si Mr. University at si Mr. President ng Student Council na nag-aaway, paniguradong pag-uusapan ng lahat yan." paliwanag ni Joyce.

"Pero paano napunta kay Czarina yan?" tanong ni Jasper.

"Hindi ko din alam. Maldita ang babaeng yun. Kasiraan ng ibang tao ang palaging gustong makita. Pero irereport ko yan mamaya sa Guidance Office para mapilitan siyang idelete ang video." wika ni Joyce. "Flynn, ano ba kasing nangyari diyan?"

Hindi ako makapagsalita. Anong gagawin ko?

"Walang mangyayari sa atin kung hindi ka magsasalita. Dahil ba ito sa picture niyo ni David?" tanong ni Joyce.

Tumingin lang ako kay Joyce. Alam kong hindi na din maipinta ang mukha ko ngayon lalo na't ramdam kong sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Minabuti ni Joyce na lumapit sa akin at umupo siya sa tabi ko.

"Flynn, kailangan mo kaming kausapin. Kailangan nating umisip ng paraan tungkol sa video na yan. Masususpend si David at Lefzon kapag hindi natin naayos ang gusot na ito." mahinahong wika ni Joyce.

"Malabong maayos ito Joyce." sagot ko. Nagtinginan silang dalawa ni Jasper.

"Ganito na lang. Isipin mo hindi kami taga Student Council. Isipin mo na lang na kaibigan din kami nina David at Lefzon na kailangang malaman kung ano bang nangyari." wika ni Joyce.

"Hindi ko lang kasi alam kung ako ba ang may karapatan na magsalita tungkol sa issue nilang dalawa. Mas maganda kung sa kanila mismo manggagaling ang mga dapat niyong malaman." paliwanag ko.

"Flynn, gusto mo bang masuspend ang best friend mo at ang boyfriend mo?" tanong ni Joyce.

"Joyce, hinding hindi maayos ang gulong ito. Masususpend pa din sila kahit na anong gawin mo." wika ko.

"Kaya nga kami nandito para magawan natin ng paraan. Baka sakaling pwede nilang mapag-usapan ang nangyari. Alam ko naman na may tiwala sa iyo si Lefzon kaya kung selos lang din naman ang pinagtatalunan nila, bakit hindi nila pag-usapan ng maayos?" tanong ni Joyce.

Naramdaman ko na lang na uminit ang katawan ko. Tiwala? Selos? Hindi yan ang issue dito!

"Ang tatay ni David kinakasama na ang mama ni Lefzon!" sigaw ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Kita ko sa mukha nila na nagulat sila sa narinig nila. Biglang tumahimik ang paligid. Hindi na din sila nakapagsalita.

"Sorry. Hindi dapat ako ang nagsabi sa inyo niyan." wika ko. Agad akong tumayo at tumakbo ako palabas ng Council Hub.

∞∞∞

Double RainbowWhere stories live. Discover now