Twenty Five. (I.K.P.)

7 1 0
                                    

Tumingin ako kay Lefzon. Nakatingin siya kay Blanco.

"Ihahatid ko na siya." wika ni Lefzon.

"Ako na lang ang maghahatid sa kaniya." wika ni Blanco.

"Hawak ko na ang bag niya." wika ni Lefzon.

"Ako na lang uuwi mag-isa." wika ko. Naguguluhan ako sa kanilang dalawa.

Tiningnan ko si Lefzon. Nakatingin pa din siya kay Blanco. Tiningnan ko din si Blanco, seryoso din siyang nakatingin kay Lefzon. Nang kukunin ko na ang bag ko kay Lefzon, agad niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ako sa pagkuha dito.

"Ako na maghahatid sa iyo. Ako ang unang nagsabi sa iyo kaya ako ang maghahatid sa iyo." wika ni Lefzon sa akin.

Wala na akong nagawa. Agad na naglakad si Lefzon paalis. Sinundan ko naman siya. Tumingin ako kay Blanco at nakatingin lang siya sa aming dalawa. Sinubukan kong ngumiti sa kaniya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

"Flynn." biglang tawag ni Blanco. Humarap ako sa kaniya. "Susunduin kita bukas ng umaga."

Agad na tumalikod si Blanco. Bakit pa? Ayoko na ngang magsabay sabay at mas gusto kong deretso na lang ang lahat papunta kina Aira bukas.

Wala na akong nagawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Lefzon.

"Bakit ka niya susunduin?" tanong ni Lefzon.

"Gagawa kami ng project namin." sagot ko.

"Kayong dalawa lang?" tanong ni Lefzon.

"Grupo kami." sagot ko.

"Bakit ka pa daw niya susunduin?" tanong ni Lefzon.

Kung alam lang niya na umamin sa akin si Blanco. Pero hindi ko masabi sa kaniya. Nahihiya din akong ipaalam sa iba.

"May gusto ba sa iyo yun?" tanong bigla ni Lefzon. Agad din akong napatingin sa kaniya.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Sagutin mo na lang tanong ko." wika niya.

"Hindi mo naman na business ang tungkol dito." sagot ko.

"Hindi mo ko sinasagot ng direkta. Ibig sabihin may gusto nga sa iyo yun." wika ni Lefzon.

Hindi na ako nakapagsalita. Sana nga lang. Sana nga lang ikaw na lang ang may gusto sa akin Lefzon. Kung alam mo lang na mas gugustuhin kong ikaw ang nangungulit sa akin kaysa kay Blanco.

Pero hindi. Hindi kasi ganun ang takbo ng mundo natin.

∞∞∞

Nakaupo ako sa higaan ko. Iniisip ko pa din ang pagsundo sa akin ni Blanco. Binuksan ko ang phone ko at minabuti kong itext si Blanco.

Ako: Blanco, wag mo na akong sunduin. Magkita na lang tayo kina Aira.

At sana okay lang sa kaniya.

Blanco: Okay lang sa akin. Mas mapapadali ang biyahe mo kung dadaanan na lang kita diyan.

Dadaanan? Wala naman akong maalala na may gagamitin kaming sasakyan papunta kina Aira kaya paano mapapadali ang biyahe namin?

Ako: Kaya ko nang magcommute mula dito sa dorm. Para hindi ka na din mahirapan.

Sana pumayag na siya.

Blanco: Hihiramin ko sasakyan ni Papa. Dadaanan kita.

Ang kulit. Mukhang hindi ko siya mapipigilan.

Double RainbowWhere stories live. Discover now