Eight. (G.C.)

11 1 0
                                    

Oo nga naman. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa akin. Si Flynn na kaibigan ni David. Pero hindi naman siya galing sa school namin? Bakit niya ako kilala?

"Kilala mo si Flynn?" tanong ni Bryan.

"Yes babe. Flynn is one of the contenders last school year sa Pharmacy Inter School Quiz Bee." paliwanag ni Michelle.

Oo nga pala. Kasali ako dun last school year. Pero bakit pa din niya ako kilala?

"He won second place pero everyone knows na mas bright siya sa mga kalaban niya. Akala namin siya na ang mananalo. Pero he's really smart." dugtong ni Michelle.

Napangiti ako. Nakakatuwa na may nakakakilala sa akin dahil dun.

"I forgot." wika ni Bryan. "Flynn, she's a pharmacy student too."

Kaya pala. Tumingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat kay Michelle. Wala sa itsura niya na pharmacy student siya. Karaniwan kasi sa course namin haggard lagi ang istura.

"It's so nice to meet you again Flynn. I'll come to you later, let's talk a bit." nakangiting pagyayaya ni Michelle.

"Sure." sagot ko.

Ang sarap isipin na may nakakakilala sa akin na si Flynn na magaling. Hindi sa pagmamayabang pero alam kong magaling ako. At dapat lagi kong isipin na magaling ako dahil yun yung point na nagpapalakas ng loob ko.

Tumingin ako kay David at Lucas. Nakangiti sila.

"Kaibigan ko yan." wika ni David.

"Kaibigan ko din yan." wika ni Lucas. Bigla silang natawang lahat.

Tumingin ako kay Lefzon. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman niyang inalis ang tingin niya. Dapat ba akong kiligin? Bigla niyang kinuha ang beer sa harap niya at uminom.

"Umiinom ka?" pagtataka ko.

Agad na binaba ni Lefzon ang hawak niyang beer at ngumiti sa akin.

"Ngayon lang. Makalimot lang kahit saglit sa school." sagot niya.

Ngumiti ako. Pero wala sa itsura ni Lefzon na umiinom siya. Sa school namin perfect ang tingin ng lahat sa kaniya. Matalino. Gwapo. Mabait na estudyante at higit sa lahat focus sa pag-aaral. Hindi mo iisipin na nag-iinom ang isang katulad niya.

"Ikaw pharma nag-iinom ka ba?" tanong niya.

"Hindi yan umiinom Zon. Malabong mapainom mo yan." sagot ni David.

"Ganun ba. Dapat pala nakatabi ka lang sa akin para maiiwas kita sa malalakas uminom." sagot ni Lefzon.

Narinig kong natawa si David. Alam ko kung ano bang ibig sabihin ni Lefzon. Malakas kasi uminom si David at paniguradong ang gusto niyang iparating ay ang maiiwas ako dito dahil palagi akong nakadikit dito.

"Guys sumayaw tayo." pagyayaya ni Joyce.

Agad namang nagtayuan ang ilan sa kanila. Naiwan kami nina David at Lefzon.

"Hindi kayo sasama?" tanong ni Lucas.

"Dito lang ako." sagot ko. Tumingin ako kay Lefzon. Nakatingin lang siya sa mga sumasayaw na tao sa gitna. "Hindi ka sasama?"

Tumingin siya sa akin. Ang gwapo.

"Sasamahan na lang kita dito." sagot niya.

"Ako din dito na lang ako." sagot din ni David. Asungot talaga itong si David. Ito na nga lang ulit ang pagkakataon para masolo ko si Lefzon umepal pa.

Double RainbowWhere stories live. Discover now