Thirty Four.

4 1 0
                                    

Lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Saan naman galing ang mga ito? Hindi ko kayang gumastos para sa ganitong uri ng kampanya.

"Sinong may gawa nito?" tanong ko kay Juneray.

"Mukhang alam ko na." sagot niya. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa likuran ko. Pagtingin ko dito, nakita ko si Aira.

"Flynn!" sigaw niya. Agad siyang tumakbo papalapit sa amin. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya.

"Ikaw ang may gawa nito?" tanong ko.

"Oo. Mabilisan nga lang lahat yan." sagot niya. "At isa pa, may suot ding bracelet ang mga taga College of Pharmacy as a way of supporting you."

Agad niyang inangat ang kanan niyang kamay at nakita kong may nakasuot sa kamay niyang kulay pula na bracelet at may nakalagay na pangalan ko. Gulat na gulat ako.

Tumingin ako sa ibang estudyante na nasa paligid ko at nakita kong may suot din silang mga bracelet na may pangalan ko. Anong nangyayari?

"Nagustuhan mo ba Flynn?" tanong ni Aira.

Hindi kaagad ako makasagot. Paano nangyari ng biglaan ang lahat ng ito? "Wala akong pambayad dito Aira." wika ko.

"Hindi mo na kailangang magbayad. Si Daddy na mismo ang nagsponsor ng mga campaign materials mo. Mabuti na lang may kakilala si Daddy na gumagawa ng mga ganitong bagay." nakangiting wika ni Aira.

"Pero Aira sobra sobra ito. Hindi mo ito kailangang gawin. Sapat na sa akin na nandiyan kayong lahat para sumuporta." wika ko.

"Okay lang Flynn. Padating na din ang iba mong campaign materials at ipapamigay na namin ito." wika niya. "Kaya ikaw Juneray sumama ka sa amin mamaya! Ikaw ang secretary ko pero wala kang naitutulong sa akin!"

"Sorry na. Ano bang pwede kong gawin?" tanong niya.

"Mamaya darating ang mga t-shirts ipamigay mo sa ibang Colleges para naman makilala din si Flynn dun." wika ni Aira.

"T-shirts?" pagtataka ko.

"Oo. Nagpaprint na din kami at mamaya daw idedeliver dito. Inapproved naman na ng Student Affairs Office ang tungkol dito kaya wag mo nang problemahin." paliwanag ni Aira.

Hindi na ako makapagsalita sa mga naririnig ko. Totoo ba ito? Nahihiya na din ako. Baka magmukha na akong tanga dahil paniguradong ako lang ang may mga ganitong ginagawa. Ang alam ko, ang ibang candidates ay nagpapagawa lang ng poster pero itong sa akin, halos talunin ko na ang politikong tumatakbo sa pagkamayor.

"Aira sobra sobra na ito. Hindi kita mababayaran." wika ko.

"Huwag ka na makulit. Hindi mo kailangang bayaran lahat ng ginagawa namin. Tulong na lang ito para sa kabaitan mo sa akin." wika niya.

Natahimik ako. Ang seryoso niya bigla. Mabait ba ako sa kaniya? Halos wala akong ibang inisip sa kaniya kundi ang pag-isipan siya na kaya lang siya lumalapit sa akin ay dahil kay David. Kung totoong tulong niya ito dahil sa kabaitan ko sa kaniya, ang samang tao ko pala.

"Uuna na ako sa inyo. Makikipagmeeting pa ako sa campaign staff ko. Nadiskubre ko kasing may mangangampanya din mamaya sa College natin galing sa ibang course." wika ni Aira.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. Hindi ko din alam kung paano ko siya papasalamatan. Tumingin ako kay Juneray at kita ko din sa mukha niya ang gulat sa mga nangyari.

"Ang swerte mo kay Aira." wika ni Juneray.

"Alam ko." sagot ko.

∞∞∞

Double RainbowWhere stories live. Discover now