Twenty One. (T.L.)

9 1 0
                                    

Nanlaki ang mata ko. Nakatingin na din lahat ng tao sa kanilang dalawa. Napigilan ni Lefzon ang sarili niya pero konting tulak na lang masusuntok na niya si Bryan.

"Hindi mo ko pwedeng saktan." nakangiting wika ni Bryan. "President ka ng Student Council di ba?"

Binitawan ni Lefzon si Bryan. Kinuha niya ang bag ko at ang bag niya.

"Tara na." pag-aaya niya sa akin.

"Aalis na kaagad kayo?" tanong ni Bryan.

Hindi na ako nakapagsalita. Agad na lang akong sumunod kay Lefzon. Lumabas kami sa kainan at agad na dumeretso sa motor niya. Agad niyang inabot sa akin ang helmet na isa.

"Sakay na." wika niya. Agad naman kong sumakay sa likuran ng motor niya.

∞∞∞

Nasa labas ako ng dorm. Nakahiga ako sa bench sa tapat nito at nakatingin ako sa langit. Ang ganda ng gabi. Biglang may umupo sa hinihigaan kong bench. Napatingin ako dito.

"Ang lalim ng iniisip mo." wika ni Lucas.

"Akala ko ba nag-aaral ka? Kaya nga lumabas ako ng dorm para hindi kita maistorbo." wika ko.

"Lumabas ka nga ng kwarto naiwan naman si David. Mabibingi na yata ako sa lakas ng tunog ng cellphone niya sa dami ng katext niya." sagot ni Lucas. Tumawa ako.

Minabuti kong umupo na.

"Nakita ko kayo ni Lefzon." bigla niyang wika. Tumingin ako kay Lucas. "Nakasakay ka sa motor niya."

Ngumiti ako.

"Gusto mo siya talaga?" tanong ni Lucas. Tumingin ako kay Lucas. Bakit niya naisipang tanungin ako tungkol dito?

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko.

"Iba kasi ang ngiti mo kapag nakakasama mo siya." sagot ni Lucas. Hindi ko ipagkakaila. Iba din ang pakiramdam ko kapag ngumingiti ako kapag kasama ko si Lefzon.

"Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?" tanong ni Lucas.

"Hindi ko din alam ang sagot diyan." wika ko.

"Imposible." wika niya.

"Oo nga." sagot ko.

"Edi baguhin natin ang tanong ko." wika niya. "Ano bang nagugustuhan mo sa kaniya?"

Tumingala ako. Tumingin ako sa langit. Ano nga ba ang nagugustuhan ko kay Lefzon? Lahat yata ng bagay na ginagawa niya nagugustuhan ko.

"Yung seryoso niyang mukha. Gustong gusto kong tingnan ang seryoso niyang mukha. Pakiramdam ko nakatingin ako sa langit kapag nakikita ko ang seryoso niyang mukha. Kung ganung mukha lang din naman ang makikita ko araw-araw, wala na akong mahihiling pa." wika ko.

"Talagang seryoso niyang mukha ang gusto mo?" tanong ni Lucas.

"Bakit ba parang gusto mo biglang magtanong tungkol diyan?" tanong ko.

"Kaibigan mo ako. May karapatan naman siguro akong magtanong tungkol diyan." nakangiting wika ni Lucas.

Tumahimik ako. Ang bilis kong matandaan ang seryoso niyang mukha.

"Ano pa? Imposibleng yun lang ang nagustuhan mo sa kaniya." wika ni Lucas.

"Yung ayos ng buhok niya." sagot ko. "Gustong gusto ko ang pagkakabagsak ng buhok niya. Lalo na kapag hinahangin ito, pakiramdam ko may kumukurot sa puso ko. Lalo akong nahuhulog sa kaniya." sagot ko.

Ngumiti si Lucas. "Maganda naman talaga buhok niya." wika niya.

"May gusto ka din ba kay Lefzon?" natatawang tanong ko. Tiningnan ako ni Lucas ng masama.

Double RainbowWhere stories live. Discover now