Fourteen. (H.C.T.L.)

4 1 0
                                    

Biglang kumabog ang dibdib ko. Nakayakap? Nung nakaraang gabi? Nakita niya ba kami ni Lefzon nung nakaraang gabi? Pero walang ibang ibig sabihin yun!

Nakatingin ngayon lahat ng kaklase ko sa akin. At kita ko sa mukha nila na interesado silang marinig ang lalabas sa bibig ko.

"Wala akong kayakap nung nakaraang gabi." sagot ko.

"Flynn nakita kita. Sa may Council Hub. Nasa labas ka at nakayakap sa iyo yung president ng student council." wika ni Blanco.

Naiilang na ako. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Si Lefzon yun di ba?" wika ng isa kong kaklase.

"Baka nagkamali ka lang ng tingin Blanco. Nasa loob ng Council Hub ang mga applicants." pagtatanggol ni Juneray.

"Nakauniform ng Business Administration at nakauniform ng Pharmacy. Si Flynn lang naman ang estudyante sa college natin ang naglakas loob na sumali dito." paliwanag ni Blanco.

Tahimik ang buong classroom. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Baka ang nakita mo yung araw na may sinabi sa akin si Lefzon. Nakabulong lang siya dahil may pinapasabi siya sa akin at hindi siya nakapasok sa loob ng Council Hub nun." nalilito kong paliwanag.

"Ganun ba. Pero sa itsura niyo kasi nung gabing yun parang ang tagal niyong hindi nagkita." wika ni Blanco. Naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Flynn baka close kayo ni Lefzon. Try mo na din siyang yayain na sumama sa party mamaya." wika ni Aira.

Ako? Yayayain ko si Lefzon? Malabo. Wala siyang kakilala sa college namin at hindi kami ganun kaclose.

"Hindi kami close ni Lefzon." sagot ko.

"Hindi daw close." pang-aasar ni Blanco.

"Subukan mo lang Flynn. Ang gwapo din ni Lefzon. President pa ng student council. Baka sakaling mas maging interesado ang lahat na pumunta mamaya." biro ng isa kong kaklase.

Natawa ako. Ibig sabihin pakiramdam nila magiging patay ang party ni Aira? Tumingin ako kay Juneray. Nakangiti siya sa akin.

"May dapat ba akong malaman?" tanong niya.

"Wala." matipid kong sagot.

"Alam kong kayo ang nakita ni Blanco kaya wag ka nang magsinungaling." wika ni Juneray.

"Wala nga akong dapat ikwento. Kung ano ang narinig mo sa akin yun ang totoo." sagot ko.

Pinakitaan ako ni Juneray nang ngiting naghihinala. Natawa na lang ako. Natahimik na lang kami ng biglang dumating si Ms. Magda. Agad na umupo si Aira sa upuan niya at tumahimik kaming lahat.

∞∞∞

Naghihintay ako sa 7-eleven. Wala pa din si Juneray at hindi ko alam kung anong oras ba siya darating. 8:00 PM daw ang party. 8:05 PM na at nandito pa din ako at naghihintay. Ang mga kaklase ko pa man din bihirang malate.

Biglang tumunog ang phone ko. Nagtext si Juneray.

Juneray: Nandito ako sa labas.

Agad akong napatingin sa labas. Wala siya. Minabuti kong lumabas na. Pagtingin ko dito, nakita ko ang isang sasakyan. Biglang bumukas ang bintana nito. Nakita ko si Juneray na nakangiti sa akin.

"Marunong kang magdrive?!" gulat na wika ko sa kaniya.

"Oo. Sakay ka na." alok niya.

Agad akong sumakay sa unahan. Tumingin ako sa loob ng sasakyan. Medyo malaki ito.

Double RainbowWhere stories live. Discover now