Forty Two.

4 1 0
                                    

Nakaupo kaming dalawa ni Lefzon sa isang bench sa West Garden. Nakatingin lang ako sa kaniya. Ilang araw din ang lumipas at nahihirapan kaming magkita dahil kay David. Hindi ako magsisinungaling na napapansin kong napapadalas ang pagtahimik ni Lefzon kapag nagkakaroon kami ng pagkakataon na magkita. Katulad ngayon.

"May klase ka pa ba mamaya?" tanong ko sa kaniya.

"Meron." matipid niyang sagot.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa." sagot niya.

Huminga ako ng malalim. Ito na din ang araw na magpapaalam ako sa kaniya na uuwi ako sa Laguna dahil nagpapasama sa akin si David para sa birthday ni Tricia. Pero hindi ko magawang makapagsalita tungkol dito.

"Galit ka ba?" tanong ko.

Bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso. Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

"Hindi ako nagagalit sa iyo. Nagagalit ako sa sitwasyong nangyayari sa ating dalawa." sagot niya.

"Galit ka sa akin. Huwag ka nang magsinungaling." wika ko.

"Flynn." malakas niyang wika. "Sa tuwing gagawa tayo ng lakad palagi ka na lang yayayain ni David. Iniintindi ko naman yun pero nakakapagod din pala. Gusto kitang makasama."

"Ako din naman gusto kitang makasama." sagot ko.

"Pero kung gusto nating dalawa bakit hindi tayo magkasama?!" sigaw niya. Nagulat ako sa pagsigaw niya. Ito ang unang beses na tinaasan niya ako ng boses. Natahimik ako. "Sorry."

"Sorry din." sagot ko.

"Ngayon huhulaan ko, may lakad na naman kayo tama ba?" wika niya.

"Wala kaming lakad ngayong araw." wika ko. "Kaya nga nakipagkita ako sa iyo. Kasi gusto kitang makasama."

"Bukas weekend naman. Baka sakaling bukas makakagawa na tayo ng lakad." wika niya.

Hindi kaagad ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip ng magandang paraan ng pagpapaalam sa kaniya na uuwi ako sa Laguna. Kung magsisinungaling naman ako, para ko na ding sinira ang relasyon naming dalawa.

"Uuwi ako bukas sa Laguna." wika ko.

"Ha? Bakit ka uuwi? Tsaka bakit ngayon ka lang nagpaalam sa akin?" wika niya.

"Hindi kasi kaagad ako makapagpaalam sa iyo." sagot ko.

"Hindi ka makapagpaalam? Magsasabi ka lang naman sa akin na uuwi ka. Kung gusto mo sasamahan pa kita. Handa naman akong samahan ka sa inyo." paliwanag niya.

"Hindi pwede." wika ko.

"Bakit hindi pwede?" tanong niya. Hindi ako makapagsalita. "Alam ko na. Kasama mo ba sina David at Lucas sa pag-uwi?"

Hindi ako umiimik. Hindi ko din siya matingnan sa mukha. Natatakot ako.

"Hindi ka makasagot. Kasama mo nga sila. Sige okay lang. Magpapaubaya na lang ulit ako. Kailangan kong intindihin yung sitwasyon. Ganiyan naman ang nangyayari sa atin." galit na wika ni Lefzon.

"Zon sorry. Nauna na kasing nagsabi sa akin si David. Birthday ng kapatid niya at kami lang ni Lucas ang maaasahan niya." paliwanag ko.

"At ako ano naman ang maaasahan ko sa iyo?" seryoso niyang tanong.

"Zon." wika ko. Nararamdaman ko nang may namumuo nang luha sa mga mata ko. Ito ang unang beses na nag-aaway kami.

"Tara na. Walang patutunguhan itong pagkikita natin." galit niyang wika. Agad siyang tumayo at naglakad. Agad ko din naman siyang hinabol.

Double RainbowWhere stories live. Discover now