Thirty Six. (E.G.)

4 1 0
                                    

Nakaupo kaming tatlo nina Abby at Jemille sa tent sa likod ng stage. Nagtayo ang Council ng tatlong tent para sa lahat ng magpeperform at officers. At dahil magkakasama naman kami nina Abby at Jemille na magpeperform, nagsama sama na lang muna kami habang naghihintay.

Madilim na ang langit. Ramdam ko sa kamay ko ang tensyon lalo na nang makita ko kung gaano kadami ang umattend ngayong taon sa Jingle Night. Kahit ang mga officers ay nagtataka kung paano dumami ang tao ngayon. Sabi ni Athena, wala pa sa kalahati ng mga tao ngayon ang umattend last year. Rinig din namin ang ingay nang mga estudyante sa audience habang naghihintay sila. Sa loob ng kalahating oras, mag-uumpisa na kaming lahat.

Tumingin ako sa buong paligid. Karamihan sa mga officers ay sobrang abala habang kaming mga applicants ay tahimik dahil nakakaramdam na kami ng nerbiyos. Biglang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko dito, si Lefzon.

"Nilalamig ang kamay mo." wika niya.

"Sino ba naman ang hindi kakabahan ngayon. Napakadaming tao sa labas." wika ko.

"Magpasalamat ka kay David. Isa siya sa nagbenta ng mga ticket ngayon. Siya din ang may pinakamaraming nabenta." nakangiting wika ni Lefzon.

"Baliw yun. Hindi ko din alam kung anong sinabi niya sa mga estudyante at napapayag niyang bumili ang mga ito ng ticket." sagot ko.

Bigla siyang tumahimik. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"May problema ba?" tanong ko.

"Ang ganda mo ngayon." wika niya. Agad ko siyang sinipa. Napaatras naman siya habang tumatawa.

"Sinong maganda ang sinasabi mo?!" naaasar kong sagot.

"Sorry na. Edi ang gwapo mo." wika niya. Sa ngiti niya pa lang, talo na ako.

"Mamaya kapag nasa stage ka na tingnan mo lang ako. Nasa harapan lang naman ako para panuorin ka." wika niya.

"Alam mo naman na kung anong mangyayari mamaya nagkukunwari ka pa." wika ko.

"Kahit na. Pakiramdam ko kasi palaging first time kapag nakikita kita." wika niya. Kinilig ako.

"Love birds tigilan niyo na yan!" sigaw sa likuran namin. Pagtingin namin dito, si Joyce. "Zon lumabas ka na kasi pagkatapos ng opening act ikaw ang papalit sa akin sa pag-aassist sa mga magpeperform sa gilid ng stage."

Ngumiti dito si Lefzon. Muli siyang humarap sa akin. "Kita na lang tayo mamaya." wika niya.

Minabuti na din naming tatlo na tumayo at magpunta sa gilid ng stage. Pagdating namin dito, agad kong napansin na napakadilim ng paligid. Patay pa ang lahat ng lights sa stage. Pero ang mga estudyante naman ay nagliliwanag dahil nakabukas ang ilaw ng mga phone nila.

"Lalo yata akong kinabahan." wika ni Jemille.

"Pare-parehas lang tayong kinakabahan." wika ko.

"Kanina bago ako lumabas sa building namin, walang ibang sinabi ang mga taga college ko kundi good luck. Pati mga professors ko nagsabi sa akin na pupunta sila. Hindi ako makapaniwala na ganito pala talaga kadami ang aattend sa Jingle Night." paliwanag ni Jemille.

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa dami ng tao. Kanina din sa klase ko, nagsabi silang lahat na pupunta sila. At si Aira ang pasimuno kung bakit karamihan sa college ko ay makakapunta.

At dahil din kay Aira, mas tensiyonado ako ngayon. Wala siyang ibang sinabi sa akin kanina kundi iperfect ko ang performance namin mamaya. Manager na manager ang dating niya dahil siya ang pinakabusy sa amin imbis na ako ang nagpapakastress sa mga nangyayari.

Double RainbowWhere stories live. Discover now