Kabanata 1
Ehdrey's Point of View
Nang muli kong masilayan ang mga ngiti ngayon ni Zyren kusa nalang akong napatitig sa kanya.
Inihinto ko ang pagluluto ko nang makita siyang nasa sala at nanunuod ng palabas sa tv habang tumatawa.
Isang taon na ang lumipas simula nang mawala ang ibang bahagi ng alaala niya, alaala ng nakaraan kung saan minsan kinababahala ko ng husto, minsan kinababalot ko ng takot na baka isang araw, kapag naalala niya nalang bigla ang lahat ipagtabuyan niya ako, kasuklaman niya ako.
Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan ngayon hanggang sa bigla nalang din pumasok sa isipan ko si Sophia, na isang taon na rin simula nang hindi na siya sa amin magpakita. Para nalang siyang bulang bigla nalang naglaho na kahit maging si Crystal pa na best friend niya, hindi nalalaman kung saan ang kinaroroonan niya kasama ang pamilya niya.
Hanggang sa sumagi na rin sa isipan ko si Darren, na simula nang hiwalayan siya ni Sophia, ibinuhos na niya ang oras at pera niya sa mga bagay na walang kabuluhan.
Aaminin kong minsan, sa tuwing naaalala ko ang nakaraan naming apat nasasaktan pa rin ako. Lalo na kung paano ni Sophia noon prinotektahan si Zyren laban sa akin at kung paano siya rito nagkagusto.
Minsan, naiisip ko rin naman na kasalanan ko itong lahat, kasalanan ko kung bakit naghiwalay sina Darren at Sophia. Kasalanan ko rin kung bakit nagkaroon ng amnesia ang aking asawa.
Nang bigla ko nalang maramdaman ang pagpalupot ng mga braso ni Zyren sa tiyan ko nang lumapit siya sa akin. Bumalik ako sa pagkatao ko."Babe..." malambing niyang pagkakasabi kaya napangiti ako. "puwede ba'ng magtanong?" pero napawi rin 'yon nang ito ang marinig ko mula sa kanya. Bigla nalang akong naging balisa.
"A-Ano 'yon, Babe?" Halos araw-araw kung may itatanong man siya sa akin, kinakabahan ako, baka kasi mamaya isang araw bumabalik na pala unti-unti ang alaala niya nang hindi ko namamalayan.
"'Yong wedding ring ko? Bakit hindi ko pala 'yon suot?"
"H-Ha?"
"Napansin ko kasing wala sa daliri ko 'yon matagal na. Nasaan 'yon?"
"Ah, n-nasa kuwarto natin, Babe. Sandali, kukuhain ko."Nagmadali akong pumunta sa kuwarto namin. Binuksan ko ang aparador kung saan doon ko iyon huling nilagay.
Napatitig nalang ako rito nang makuha ko ito nang bigla nalang bumalik sa alaala ko na si Sophia ang dahilan noon kung bakit 'yon natanggal sa daliri ni Zyren dahil siya ang naghubad no'n. Nagtalo pa nga sila noon ni Darren dahilan kung bakit nalaglag ang bata sa sinapupunan ko ng mga oras na 'yon.
"B-Babe, ito na." Mabilis ko iyong binigay sa kanya na agad din naman niyang sinuot."Nung nasa hospital ka kasi noon, pinagbawal 'yan sa 'yo ng doctor na suotin mo kaya hinubad ko na muna at tinabi ko. Pasensiya na kung hindi ko na naalala," pagsisinungaling ko.
"Okay lang, Babe. Nagtaka lang naman ako." Nginitian niya ako.
"Ah, k-kain na tayo?" anyaya ko kaya sabay kaming naupo. Nang bigla nalang siyang napahawak sa ulo niya. "Babe?" Napatitig lang ako sa kanya. "Babe, okay ka lang ba?" pag-aalala ko.Zyren's Point of View
Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang bigla ko nalang maramdaman na kumirot ang ulo ko.
Isang babae...
"Babe?" rinig kong tawag sa akin ni Ehdrey. "Babe, okay ka lang ba?" pag-aalala niya pero hindi ko siya magawang pansinin.
Sinubukan kong labanan kung ano man ang nararamdaman ko ngayon pero kusa ko nalang nasabunutan ang buhok ko nang mas tumindi pa lalo ang kirot ng ulo ko.
"Aaah!" Hindi ko na naiwasan na hindi mamilipit sa sakit dahilan para matumba nalang ako bigla sa sahig.Natapon ko ang lahat ng mga niluto ni Ehdrey para sa akin.
"Babe?!" rinig kong bulalas niya.
Isang babae...
"Babe! It hurts!" alingawngaw ko.Halos iuntog ko na ang ulo ko sa sahig at hindi ko na maimulat ang mga mata ko.
"N-Nasakit na naman ba ang ulo mo? S-Sandali, kukuhain ko ang gamot mo!" Dali-daling siyang tumakbo palayo sa akin.
"Aaah!" Kusa nalang tumulo ang mga luha ko sa sobrang sakit.
Isang babae ang madalas na nagpapakita sa isipan ko dahilan kung bakit sumasakit ng ganito ang ulo ko.
"F*!" Halos manghina ako habang gumagapang papunta sa sala.Pero bakit? Bakit ganito nalang ako sa tuwing nagpapakita siya sa isipan ko?
Pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Kinakapos na ako ng hininga."Babe!" muli kong bulalas. Ano mang sandali sa tingin ko mamamatay na ako. "Aaah! S*!"
"Babe! I-Ito na. Inumin mo na 'to. Inumin mo na 'to!"
Nanginginig kong ininom ang ibinigay sa aking gamot ni Ehdrey na pangpakalma hanggang sa ilang minuto bago ito tumalab, pinagpahinga na niya ako ngayon dito sa kuwarto namin. Kaonti lang ang nakain kong hapunan.
Mag-isa lang ako ngayon na nakaupo at nakasandal sa head board ng kama. Iniisip kong mabuti kung sino ba 'yong babae na palagi nalang nagpapakita sa isip ko.Pinikit ko ang mga mata ko. "Who is she?" sambit ko sa hangin.
"Babe?"Nang imulat ko ang mga mata ko binungad no'n si Ehdrey. Papalapit siya sa akin ngayon.
"Wala na ba'ng masakit sa 'yo? Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.
Tumango ako at bahagya ko siyang nginitian. Tumabi siya sa akin. "Don't worry about me, Babe. Okay na ang pakiramdam ko ngayon. Magpahinga ka na."
Ngumiti rin siya at niyakap niya ako. "Good night, Babe. I love you."
"I love you too." Hinalikan ko siya sa noo niya.Nang makita kong nakatulog na agad siya muli na naman akong napaisip.
Lagi ko nalang kasing tinatanong ang sarili ko kung sino ba 'yong babae na nakatira sa isipan ko. Palagi nalang kasi siyang nagpapakita.
Pilit ko ngayong inaaninag sa isipan ko kung ano ang itsura niya pero bigo talaga ako. Hindi ko siya makilala."She's not Ehdrey..." Napabuntong hininga ako kasabay nang pagmulat ng mga mata ko. "Then, who is she?" tanong ko sa sarili ko.
(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...