(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story
-Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...
"Ma'am Sophie, good morning po," bati ng mga impliyado ko sa akin.
"Good morning," kaya sinasagot ko rin sila habang bahagyang nakangiti.
"Good morning, ma'am Sophie," pagbati pa ng iba kaya nag-greet back pa rin ako sa kanila.
Papasok kasi ako ngayon dito sa loob ng kompanya ko. Tinutungo ko ngayon ang office ko.
Halos lahat nang makakita sa akin binabati ako—bakit kasi hindi e ako na ngayon ang bagong C.E.O nitong buong kompanya dahil binili ko na ito. Mapera na ako ngayon.
"Ma'am, Sophie! Good Morning!' bungad sa akin ni Cassie pagkapasok na pagkapasok ko rito sa loob ng office ko kaya napatakip ako bigla ng tainga ko. Napangiti siya. "Pasensya na ma'am, napalakas po ba masyado?" sabi pa niya kaya natawa nalang ako sabay iling.
Siya si Cassie, ang pinay assistant ko rito sa Australia. Actually, before ako maging C.E.O siya 'yong naging malapit na nakilala ko rito kaya kinuha ko nang maging assistant ko nang umangat ako bigla. Mabait siya, 'yon nga lang, sobrang ingay ng bibig niya kaya madalas siya rin ang dahilan kung bakit ako napapatawa.
"Ma'am Sophie, alam n'yo ba?" sabi niya sabay lapit sa akin.
Nang makaupo ako sa swivel chair ko umupo rin siya sa gilid ng desk ko.
"Hindi ko pa alam," agad kong sagot habang nag-aayos ng bag ko.
"Ma'am, ngayon na po darating 'yong sinasabi ko sa inyo. 'Yong makikipagnegotiate po sa inyo na si mister Zyren Do."
Bigla kong nabitawan 'yong bag ko nang may marinig akong kakaiba mula sa sinabi niya.
"A-Ano nga 'yong sinabi mo? Paki ulit nga?" Gulat ko siyang tinitigan.
Hindi ko alam kung tama ba 'yong pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Ehem! 'Wag ka ma'am Sophie, guwapo 'yon. 'Yon nga lang may asawa na siya," chika niya kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Grabe ka! Ang layo ng sagot mo sa tanong ko. Ang sabi ko, ulitin mo 'yong una mong sinabi. Wala akong tinatanong kung may asawa ba 'yong tao o wala," turan ko habang pinupulot 'yong bag ko na nailaglag ko.
"Oh, ma'am, relax lang po. Easy ka lang ma'am, kasi baka mamaya, tumulo 'yong laway n'yo kapag nakita n'yo 'yong kaguwapuhan ni mister Zyren Do," sabi pa niya sabay cross arms.
"Zyren Do?" agad kong sambit habang may kaba sa dibdib ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa inyo ma'am Sophie, e. Ayaw n'yo kasi akong pinapakinggan no'n 'yong sinasabi ko sa inyo ang tungkol do'n. Opo, si mister Zyren Do nga po, 'yong guwapo na isa sa mga King na famous doon sa Pilipinas, ma'am. Hindi n'yo po ba siya kilala? Halos kasing edad n'yo lang po siya. Siya po 'yong makikipagnegotiate sa inyo. Boss po siya ng kaibigan ko."
Natulala nalang ako matapos niyang sabihin 'yon. "S-Si Chocolate?" nasambit ko nalang bigla.
"Ha? Ma'am?" pagtataka niya.
"Siya nga ba?" sambit ko pa.
"Ma'am Sophie?"
"Ha? Ah, w-wala. Oo alam kong may makikipag-negotiate sa akin katulad ng sinabi mo pero hindi ko alam na si Z-Zyren Do pala 'yon."
"Ay, Ma'am, nauutal ka na hindi mo pa nakikita. Paano nalang kung nasa harapan n'yo na? Baka hindi mo siya makausap ng maayos niyan, ma'am Sophie," pang-aasar pa nito kaya napangisi ako sa kanya.