Kabanata 13

3.8K 124 5
                                    

Kabanata 13

Lumipas ang ilan pang minuto, nandito lang kami ngayon sa loob ng clinic nitong exclusive building. Nagpapahinga lang ngayon si Zyren. Nakahiga siya sa kama habang natutulog. Samantala pinagmamasdan ko lang siya. Hindi ko magawang umalis sa tabi niya.



Cassie's Point of View

"What? May amnesia si sir Zyren tapos may something sa kanila noon ni ma'am Sophie pero hindi siya maalala ni Sir ngayon?" gulat na gulat kong tanong kay Jake habang nandito lang kami sa labas sa tapat ng pinto ng clinic kung saan naandon sa loob sina sir Zyren at ma'am Sophie.

Tumango lang si Jake.

"Really? What the heck!" sambit ko pa kaya bigla niyang tinakpan ng mahigpit 'yong bibig ko.

Ano ba? Bitawan mo nga ako! ayan ang gusto kong sabihin sa kanya at pilit kong tinatanggal 'yong pagkakahawak niya sa bibig ko.

"Ano ba kasi? 'Wag kang maingay. Ang ingay mo, e. Isa pa!" pagbabanta niya sabay alis ng kamay niya sa bibig ko.

"E, malay ko ba 'no! Hindi lang naman kasi ako makapaniwala. Kaya pala gano'n nalang ang reaksyon ni ma'am Sophie nang makita niya si sir Zyren kanina at nang makita mo naman si ma'am Sophie kanina, kasi nga, Sophia pala talaga ang totoo niyang pangalan at hindi Sophie."

"Hay! Inuulit mo lang 'yong mga kinuwento ko sa 'yo," sabi niya kaya napangisi lang ako.

"Sinisigurado ko lang kasi," pagpapaliwanag ko sabay bukas ng bahagya sa pintuan.

Nang sa pagbukas ko rito, kitang-kita sa mga mata ni ma'am Sophie 'yong pag-aalala niya kay sir Zyren. Kukumutan pa nga niya sana si sir Zyren ang kaso bigla naman itong nagising.

"E di, parang ex na rin ni ma'am Sophie si sir Zyren," ani ko habang patuloy kaming nakasilip sa loob.

"Oo na parang tayong dalawa," sabay hugot naman ni Jake kaya siniko ko siya pero kinikilig naman ako.







Sophia's Point of View

Kukumutan ko na sana si Zyren ngayon nang bigla siyang magising kaya mabilis kong nabitiwan 'yong hawak kong kumot.

"Miss Sophie," sambit niya sa pangalan ko. Pilit siyang umuupo kaya't inalalayan ko na siya. "Thanks," sabi niya kaya napalihis naman ako ng tingin. Ang awkward kaya.

"Ahm, kumusta 'yong pakiramdam mo? Okay ka na ba?" pangungumusta ko sa kanya matapos ay umupo ako sa upuan na nasa tabi niya.

"Ah, oo, okay na ako. Pasensya na nga pala kanina, mukhang naabala pa kita miss Sophie at hindi na rin natuloy 'yong negotiate nating dalawa," magalang niyang pagkakasabi kaya umiling ako at nginitian ko siya.

"Don't think about it. May ibang araw pa naman. Ang mahalaga ngayon, maayos na ang pakiramdam mo. Okay ka na ba talaga?" pagsisigurado ko.

"Oo, okay na ako. Salamat talaga," nakangiti niyang sabi kaya tumango lang din ako.

Pero tila yata biglang may dumaang isang anghel dahil nang matapos ang usapang 'yon, natahimik nalang ulit kaming dalawa.

Hay! Ano ba? Ang akward talaga. Bakit ko ba kasi siya niyakap kanina?Alam kong alam niya 'yon.

Nang bigla kaming nagkasabay sa pagsalita. Pareho yata kaming may itatanong sa isa't-isa pero nagkatawanan nalang kami.

"Sige na, mauna ka nang magtanong ladies first kasi," aniya habang napahimas sa batok niya. Natatawa rin siya kaya napalihis naman ako ng tingin.

Umurong na yata 'yong dila ko.

"Ah..." napahimas na rin ako sa batok ko. "Nakalimutan ko na 'yong itatanong ko. Sige na, ikaw na lang muna ang mauna."

Hindi talaga ako mapakali rito sa kinauupuan ko lalo na at malapit kami ngayon sa isa't-isa.

"Umh." Tumango siya. "Have we met before?" tanong niya.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon