Kabanata 47
Ehdrey's Point of ViewBigla akong napaluha nang makita kong yakapin ni Zyren ang anak naming dalawa nang makabalik kami rito sa loob ng room.
Akala ko hindi niya matatanggap ang anak ko pero nagkamali ako. Kita kong naging masaya siya habang yakap-yakap niya si Zyrey kaya lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Mister Do, saan daddy ko po?" tanong ng anak namin sa kanya kaya nagkatinginan kaming dalawa. Kinarga niya ito at saka niya iniharap sa kanya.
"Zyrey, ako ang daddy mo anak."
"Ikaw po Daddy ko?" masiglang tanong ni Zyrey saka tumingin siya sa akin kaya agad akong nagpunas ng luha ko.
"Mommy, si Mister Do daddy ko po?" Nginitian ko siya at agad akong tumango.
"Oo, anak. Siya ang daddy mo."
"Yay! May daddy na ako!"Tumalon-talon siya na akala mong hindi nagkaroon ng sakit nang malaman niyang nasa tabi na niya ang Daddy niya.
Bigla silang nagyakapan dalawa kaya nakangiti lang akong pinagmamasdan sila. Nilaro ni Zyren ang anak niya kaya sandali muna akong lumabas para magkaroon sila ng oras.
Paglabas ko ng pinto napasandal lang ako rito habang pinikit ko ang mga mata ko.Hindi ko maitatangging ang saya ko ngayon sa mga oras na 'to. Matapos ang lahat ng nangyari hindi ko inaasahang pagtatagpuin pa kami.
Kung ano man ang magiging desisyon ni Zyren tatanggapin ko. Basta ayokong mailayo ang anak ko sa akin dahil siya nalang 'yong naiwan kong alaala niya sa akin.
"Ahm, Ehdrey..." Bigla akong napamulat ng mga mata ko nang makita ko si Sophia rito kasama si Darren.
Nang mapalingon naman ako sa bench wala na 'yong mga kaibigan namin do'n.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa dahil may gusto yatang sabihin sa akin si Sophia. Kaagad kong pinunasan 'yong tumulong mga luha sa pisnge ko kanina.
"Umh, p-pasensya na," paghingi ko ng paumanhin.
"Okay lang. Nga pala, Ehdrey, ahm, oo, kinasal kami ni Zyren at hanggang ngayon iisa pa rin kaming dalawa, pero alang-ala sa anak ninyo handa akong ipaubaya ulit si Zyren sa 'yo." Napatitig ako sa kanya matapos niyang sabihin 'yon kasabay nang nagbabadya kong tumulo muli ang luha ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"Maganda 'yong pagsasama namin, maayos kami at masaya, pero hindi naman kami magkaanak. Nung malaman kong anak ninyo ni Zyren ang batang kasama mo, napagdesisyunan kong ibalik siya ulit sa 'yo para may kilalaning ama ang anak mo." Napatingin ako kay Darren na agad ngumiti sa akin. "Pero Ehdrey, si Zyren pa rin ang magde-desisyon kung ano ang gusto niya at hindi ako," dugsong pa niya.
"Ehdrey, nakapag-usap na kami ni Sophia. Ibabalik namin kung anong mayroon kami dati kung sakaling bumalik sa 'yo si Zyren. Susubukan ulit namin. Isasama ko siya sa Canada since patay naman na si Mommy kung papayag si Zyren sa desisyon namin."
"H-Hah?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magalak sa tuwa matapos kong marinig ang sinabi ni Darren na gano'n din kay Sophia.Magkatitigan kami habang tumutulo na 'yong mga luha ko. Totoo ba 'to?
"Puwede naman nating kalimutan ang lahat kahit paunti-unti. Lahat naman tayo noon nagkamali lang 'di ba?" ani Sophia.Napatango agad ako habang tuloy-tuloy nang bumuhos 'yong mga luha ko. Hindi ko na rin napigilang hindi 'yumakap sa kanya matapos ang lahat ng pangyayari sa amin noon.
"Patawarin mo ako, Sophia. Sana mapatawad mo ako. Pinagsisihan ko na ang lahat kaya sorry talaga. Hindi ko 'yon sinasadya."
Naramdaman kong hinimas niya ang likuran ko na lalong nagpabuhos sa luha ko. Tumango na rin siya na nagpapatunay na pinapatawad na niya ako.
Agad akong bumaklas sa pagkakayakap ko sa kanya saka ko kinuha ang dalawa niyang kamay at hinawakan ko 'yon ng mahigpit habang nakatitig sa kanya.
"Salamat, Sophia. Salamat talaga."
"Umh." Tumango siya.
Nagkangitian kami at bigla naman siyang bumitaw sa pagkakahawak kamay sa akin nang may lumabas mula sa pintuan.

BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...