Kabanata 44
AFTER 5 YEARS...
Ehdrey's Point of View
Nakangiti kong pinagmamasdan ngayon ang dating bahay na tinirahan ko.
"Mommy..."
Nang bigla akong tawagin nang isang batang lalaki na nasa tabi ko kaya nilingon ko siya. Nginitian ko ito at pumantay sa pagkakatayo niya.
"Zyrey..." bigkas ko.
"Mommy?" sambit niyang muli at pinihit ko siya paharap sa bahay na tinitignan ko ngayon.
"Anak, alam mo ba'ng dati, riyan ako nakatira?" nakangiti kong kuwento sa kanya.
"Talaga po, Mommy?"
"Umh, diyan kami ng Daddy mo nakatira noon."
"Daddy ko po? Saan po Daddy ko Mommy?" Ngumiti lang ako sa kanya habang hinaplos ko ang mukha niya.
"Nasa malayo siya.""Kailan ko po siya kita Mommy?" Napayuko nalang ako matapos niyang itanong 'yon.
"Hindi ko alam anak. Pero kapag lumaki ka na, ipapaintindi ko ang lahat sa 'yo, okay? Tara na!"
"Opo, Mommy!" masigla niyang sagot saka ko siya hinawakan sa kamay niya at nagsimula na kaming maglakad papalayo nang bigla kong makita si Darren dito.
Bigla akong natulala nang magkasalubong kaming dalawa ngayon.
"E-Ehdrey?" sambit niya habang hindi kami makapaniwala na nakita namin ang isa't-isa ngayon.
"D-Darren..."
"Mommy, siya po ba ang Daddy ko?"
Tila nabasag ang matagal naming titigan ni Darren nang magsalita bigla ang anak ko. Bigla naman siyang napangiti nang nilapitan siya nitong bata at yakapin."Daddy ko!" sambit ni Zyrey kaya napayakap siya rito ng mahigpit. Bahagya lang akong nakangiti ng magyakap silang dalawa habang tinititigan ko sila.
Tila sabik ang anak ko na makilala ang Daddy niya.
"Amh, k-kumain na ba kayo? Saan n'yo gustong pumunta? May gusto ka ba'ng ipabili sa akin Zyrey? Kahit na ano sabihin mo lang!" nauutal niyang sabi habang walang tigil ang pagyakap niya sa bata.
"Darren..." tawag ko sa pangalan niya kaya tumayo siya at nagharap kaming dalawa. "Binebenta pa ba 'tong bahay namin noon ni Zyren?" tanong ko sa kanya na ipinagtaka naman niya habang tinuturo ko ito.
"Ha?" Pareho kaming napatitig sa dati naming bahay noon ni Zyren. "H-Hindi ko alam. Aksidente lang akong napadaan ngayon dito."
"Ah, sige, okay lang," nakangiti kong sagot sa kanya."Umh, b-bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong niya pero nginitian ko lang siya.
*****
Ilang saglit pa, naisipan naming kumain sa labas at dito ipagpatuloy ang usapan.
Nalaman kong matapos ko siyang iwanan noon ay halos mabaliw-baliw siya sa kakahanap sa akin kaya humingi talaga ako ng pasensya sa kanya ngayon.
Pero sinabi ko sa kanyang gulong-gulo na rin kasi ako noon at hindi ko maloloko ang sarili kong si Zyren pa rin ang mahal ko kahit pinirmahan ko ang annualment namin noon.
Ipinaliwanag ko rin sa kanyang lumapit ako sa mga dati kong kaibigan noon at kahit buntis ako pinilit ko ang sarili ko na magtrabaho para lang maipanganak ko ng maayos ang anak ko.Ngayon, isa na akong manager sa isang bangko dahilan para mapagtagumpayan kong buhayin mag-isa ang anak namin ni Zyren.
"A-Anak n'yo siya ni Zyren?" gulat na gulat na sabi ni Darren kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Oo, at isinunod ko ang pangalan niya sa Daddy niya at sa akin."Nakita kong napayuko siya.
"Nung umalis ako nung araw na nasa loob kayo ng hospital ni Zyren, hindi pa ako noon nagpapaexamine kaya walang lalabas na resulta roon. Pero lihim akong bumalik doon matapos ang isang linggo at saka lang ako nagpa-examine. Halos isang linggo pa ulit ang hinintay ko bago lumabas ang resulta. At do'n ko nalamang anak namin siya ni Zyren."
Nilingon ko si Zyrey na nakaupo sa tabi ko at kumakain.
"Hindi ko na nagawang magpakita pa sa 'yo hindi dahil hindi mo siya anak, Darren. Ayoko nang makadagdag pa sa mga iisipin mo. Ayoko ring humingi sa 'yo ng tulong. Katulad nung sinabi ko sa inyo noon nung araw na lumuhod ako sa harapan ninyong lahat, ginawa ko 'yon para mapatunayan ko sa inyong pinagsisisihan ko ang nagawa ko."Tumango siya saka niya hinawakan pabalik ang kamay ko.
"Darren..." sambit kong muli sa pangalan niya kaya magkatitigan kaming dalawa.
"Kung may nararamdaman ka pa rin para sa akin hanggang ngayon, I'm sorry to say pero bumalik 'yong pagmamahal ko kay Zyren lalo na nung malaman kong anak namin ang nasa sinapupunan ko noon."
Napayuko siya sa sinabi ko habang magkahawak kamay pa rin kaming dalawa.
Tanging pagtango lang ang ibinigay niyang sagot sa akin habang nagbabadya nang tumulo ang mga luha niya. Mabilis kong hinaplos ang mukha niya at saka ko siya nilapitan at sinimulang yakapin."Naiintindihan ko Ehdrey. Pero alam mo ba'ng kinasal na sina Sophia at Zyren?" hayag niya habang umiiyak kaya hinaplos ko ang likuran niya.
"Oo, alam ko at kahit ako umiyak din nang malaman ko ang tungkol diyan pero 'wag mong sisihin ang sarili mo. Malamang hindi lang tayo noon nagkaunawaan. Alam mo ba'ng pinatawad ko na ang sarili ko sa mga nagawa kong pagkakamali? Gusto kong ayon din ang gawin mo."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin saka tumango.
"Kung matututunan mong patawarin ang sarili mo, matututunan mo ring magpatawad sa ibang tao. Lalo sa inyong dalawa ni Zyren. Magbest friend kayo hindi ba? Naniniwala akong pagtatagpo-tagpuin ulit tayo ng tadhana isang araw."
Muli siyang tumango. "Nandito lang ako para sa 'yo Darren, bilang kaibigan mo."Napangiti siya sa akin matapos kong sabihin ang bagay na 'yon. Pero hindi ko namalayang wala na pala sa tabi ko si Zyrey kaya agad kaming nagpanic dalawa.
"May nasagasaan daw na batang lalaki ro'n."
"Hala! 'Yong bata!"
"Tara, tignan natin!" rinig naming sabi ng ilang papasok na costumer nitong restaurant kaya agad kaming napatakbo ni Darren papalabas.Mula sa kalsada, nagulat akong nakahilata na si Zyrey dito at duguan.
Agad akong kinabahan kasabay ng pagtulo ng mga luha ko nang lapitan ko siya. "Anak ko!" sigaw ko habang pilit siyang ginigising.
"I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang mabangga ang anak mo—" Halos matulala ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon bukod kay Darren, ito ang lalaking bumaba mula sa kotseng nakabangga kay Zyrey.
"Zyren?" gulat kong bigkas sabay bumaba rin ang isa pang babae doon sa loob ng kotse at si Sophia naman ang babaeng 'yon.
"Sophia?" sambit naman ni Darren habang tulala kaming nagkatinginan sa isa't-isa.
"Damn it! Hindi ito ang oras para rito. 'Yong bata dadalhin ko siya sa hospital," madaling sabi ni Zyren sabay kinarga niya ang anak ko at dali-dali niyang isinakay 'yon sa kotse niya. "Sumunod kayo, bilisan n'yo!" aniya habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya agad naman din kaming sumakay sa kotse ni Darren at nagmamadali kaming sinundan ang sasakyan ni Zyren.
(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romantik(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...