Kabanata 9

4K 129 11
                                    



Kabanata 9


"Give a round of applause to the new Chief Executive Officer none other than Miss Sophie Zamora!"


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Sophia's Point of View

Taas noo akong tumayo at proud na naglakad patungo sa stage nang marinig ko ang pangalan ko.

Isang masigabong palakpakan ang patuloy pa rin nilang ginagawa sa akin ngayon bilang pagbati na ako na ang new C.E.O ng Melody Harvey Company (MHC) dito sa Australia.

Binili ko ang buong kompanya.

Mula sa totoo kong pangalang Sophia Zamora ay binago ko ito. Gusto kong Sophie Zamora ang makilala ng mga taga rito.

Simula nang lisanin ko ang Pilipinas binaon ko na ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang makalimot sa masilamuot kong nakaraan do'n.

Hindi ako nabigo dahil sa loob lang ng isang taon napagtagumpayan ko ang lahat ng nakakamtam ko ngayon.

Humugot ako ng lakas ng loob bago ako nagsimulang magsalita. Hawak ko na ngayon ang microphone habang nakaharap sa libo-libo kong magiging tauhan ng kompanya ko.

"Good evening everyone," pauna kong pagbati matapos ay binigyan ko sila ng kaaya-ayang ngiti.

May mga narinig akong nag greet back sa akin at 'yong iba naman naghihintay ng sasabihin ko kung kaya't taas noo akong tumingin sa kanila kaliwa at kanan.

"I'm Sophie Zamora. I would like to acknowledge your presence and to thank this opportunity to speak with you. I would like also to acknowledge the person who given the golden opportunity to be her successor and pass the key to me to become a C.E.O of this company, none other than Ms. Melody Harvey."

Tinuro ko ang kinaroroonan ng dating C.E.O nitong kompanya kaya nagsipalakpakan ulit ang lahat. Nagbigay galang siya sa akin at sa lahat ng mga taong naririto ngayon.

"To become a C.E.O is not an easy task, in order to achieve this, one must possess a strong leadership quality and vision that will progress the company. That's why I am here if we will cooperate and apply that principle, we will become a top competitor for the next few years and I assure you the success of this company if we are constantly competent. So, help me, I help you, to achieve one goal, that's all. Thank you!"

Matapos kong sabihin 'yon nagbigay galang ulit silang lahat sa akin. Tumatango lang ako habang tinatanggap ang mga paggalang nilang 'yon. Ngumingiti rin ako habang nakatingin sa kanilang lahat.

Finally, natupad ko na rin ang mga pangarap ko sa buhay. Ito na 'yon, isa nalang talaga ang kulang sa akin, ang mabuo muli ang puso ko at makahanap ng tamang lalaki para sa buhayko.


*****

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon