Kabanata 27

3.8K 116 17
                                    

Kabanata 27


Higit isang linggo na yata ang itinatagal ni Zyren dito sa Sydney. Aaminin kong naging masaya ako simula nung makasama ko siya rito. Halos araw-araw nasanay na akong nandito siya sa tabi ko kahit na away bati kami.

Pero ang lubos ko lang pinagtataka ay kung bakit hindi man lang niya sa akin nagawang magpaalam na aalis na pala siya. Umuwi na yata siya ng Pilipinas kaya napakalungkot ko talaga.

Para akong lutang na naglalakad ngayon sa pasilyo nitong kompanya ko. Hindi siya mawala sa isip ko.

"Ma'am Sophie, ayaw po sa akin sabihin ni Jake 'yong dahilan kung bakit bigla nalang silang umuwi ni sir Zyren ng Pilipinas," sabi ni Cassie na biglang sumulpot sa likuran ko.

Nung una wala pa akong balak na kausapin siya dahil puro nalang din si Zyren ang laman ng isipan ko. Umiling ako sa harapan niya.

"Cassie, ikaw nalang muna ang bahala rito. Masama kasi ang pakiramdam ko." Tinalikuran ko agad siya.

Alam kong nag-alala siya sa akin pero sa totoo lang hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Wala lang talaga ako sa mood ngayon magtrabaho.






*****

Philippines...

Ehdrey's Point of View

"Hon, thank you ulit sa binigay mong oras sa akin buong araw, ha? Nag-enjoy talaga ako," nakangiti kong sabi kay Darren.

Hinatid niya ako ngayon rito sa tapat ng bahay namin ni Zyren. Magkahawak kamay kami ngayong dalawa. Nang bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tainga ko.

"Nag-enjoy ka rin ba sa performance ko kanina?" husky niyang bulong sa akin kaya napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.

Napakapilyo niya talaga. Iniwas ko ang tingin sa kanya. 'Yong nangyari sa aming dalawa sa Hotel kanina 'yong tinutukoy niya.

"Hon, naman, e." Hindi talaga ako makatingin sa kanya ng deretso nang bigla naman niya akong yakapin ngayon.

"Hon, mahal na mahal talaga kita," malambing niyang pagkakasabi na siya kong ikinangiti kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Mahal na mahal din kita, Hon." Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ko ang yakap niya.

Maya-maya pa binitiwan na niya ako tapos humalik naman siya sa pisnge ko. Magkahawak kamay na ulit kaming dalawa ngayon. Parang ayaw pa niya akong bitiwan.

"Hi! Babe! Kumusta?"

Kusa nalang nagbitaw ang mga kamay namin nang bigla nalang sumulpot si Zyren sa harapan naming dalawa. Tulala lang akong nakatitig sa kanya.

Hindi ba ako namamalikmata? Nakauwi na si Zyren galing Australia? Kailan pa?

Bigla nalang akong namutla habang ang lakas-lakas ng kaba sa dibdib ko. Halos umurong yata ang dila ko.

Totoo ba 'to? Hindi kaya nakita niya ang paghalik ngayon sa akin ni Darren?

"B-Babe?" hindi ko makapaniwalang sabi.

Nang bigla nalang niya akong niyakap in front of Darren kaya nahagilap ko ang masamang tingin ni Darren sa kanya. Maya-maya pa, hinalikan niya ako na mas lalong nagpatindi ng kaba sa dibdib ko.

Kitang-kita ko na ngayon ang pagkakunot ng noo ni Darren at tikom na tikom ang mga daliri nito.

Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Zyren ngayon na halikan ako sa harapan ng kaibigan niya tapos kakaiba pa 'yong mga halik niya.

Ramdam na ramdam ko ngayon na galit na galit na si Darren. Sumesenyas ako sa kanya na 'wag na 'wag siyang lilikha ng kahit anong gulo dahil pagnagkataon magkakagulo talaga kami ngayon dito.

Ayoko 'yong mangyari kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para bitiwan ako ni Zyren.

"Amh, Babe!" Pinilit kong makawala sa mga mapangahas niyang halik sa akin. Ewan ko kung nahalata niya ako pero bahala na. "Ah, k-kailan ka pa nakauwi?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Kanina lang," sagot niya rin habang nakatingin kay Darren.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon