Kabanata 28

4.7K 136 72
                                    

Kabanata 28


Matapos gamitin ni Zyren ang katawan ko agad siyang nakatulog. Pinagmamasdan ko lang siya ngayon habang nakadapa. Tila pagod na pagod siya.

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang may gumu-gulo na naman sa isipan ko. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko ba maitatago sa kanya ang lihim na relasyon namin ni Darren. Kung pagtitimbangin silang dalawa, mas napamahal na ako ngayon kay Darren kaysa sa kanya.

Alam kong magiging masama ako sa paningin ng mga kaibigan namin kapag nalaman nila ang tungkol dito pero ano ba ang dapat kong gawin? Ayoko siyang saktan pero paano naman kami ni Darren?

Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ko 'yong cell phone ko. Pumunta ako ng sala habang nababalot lamang ako ng bathrobe. Sinubukan kong tawagan si Darren. Ilang segundo pa bago niya ito sinagot pero hindi naman siya nagsasalita.

"Alam kong galit ka, Hon," mahinahon kong sabi sa kanya. "I'm sorry, alam mo namang hindi ko ginusto 'yong nangyari kanina 'di ba? Alam mong ikaw ang mahal ko. Sorry na, Hon."

Gano'n pa rin, hindi pa rin siya nagsasalita. Napabuntong hininga nalang ako.

"I love you," huli kong sabi dahil nakahanda ko nang ibaba ang tawag ko nang bigla ko siyang marinig na magsalita.

"Bukas ng alas dos, magkita tayong dalawa sa pinuntahan nating Hotel kanina. Kapag hindi ka dumating, alam mo nang may mangyayaring hindi maganda."

Binababa niya agad ang call. May kasamang pagbabanta ang mga sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung bakit bigla nalang akong nag-alala. Bumalik na naman ang ugali niya sa dati at ayoko siyang nagkakagano'n.

*****

Naramdaman kong may humaplos sa mukha ko kaya naidilat ko ang mga mata ko. Pagkatingin ko si Zyren pala.

Umaga na.

Nasanay akong si Darren palagi ang gumagawa no'n sa akin buhat nung nasa Australia pa siya kaya bahagya akong nagulat.

Pero inalis ko pansamantala sa isipan ko si Darren at ibinaling ko ang oras kay Zyren dahil siya ang kasama ko ngayon.

"I love you," sabi niya na may malambing na tinig kaya nginitian ko siya. Hinaplos ko rin ang mukha niya. "Bangon ka na. May pupuntahan tayo," dugsong pa niya kaya mabilis akong napaisip.

Naalala ko kasi 'yong mga sinabi sa akin ni Darren kagabi na magkikita raw kami mamaya sa Hotel na pinuntahan namin kahapon, kaya kung may pupuntahan kaming dalawa ngayon ni Zyren, hanggang anong oras naman kaya ang itatagal namin do'n?

"S-Saan naman?"

Gusto ko kasing malaman.

"Secret."


*****

Pasado alas dose na ng tanghali nang makarating kami rito sa sinasabi niyang secret na pupuntahan namin.

Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit parang pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar na 'to.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kapaligiran. Hindi ako maaaring magkamali. Ito 'yong Hotel na pinagdalahan sa akin ni Darren kahapon kung saan may nangyari sa aming dalawa at dito niya rin gusto na magkita kami mamaya.

Pero bakit dito ako dinala ni Zyren ngayon?

"Babe..." Bahagya akong nagulat nang tawagin ako ni Zyren. "Okay ka lang ba?" sabi pa niya.

"H-Ha?"

"Bakit namumutla ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" Inalala niya ako pero agad akong umiling.

"O-Okay lang ako, Babe. Pero ano palang ginagawa natin dito?"

Ano ba'ng sekreto niya rito?May nalalaman na ba siya tungkol sa amin ni Darren?

"Honeymoon?" patanong niyang sagot kaya muli akong naguluhan.

Ano ba'ng pinaplano niya?

"Gusto ko lang na maiba 'yong place natin kapag..." Bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "kapag gagawin na natin si Baby."

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon