Kabanata 30

3.4K 108 4
                                    

Kabanata 30



Darren's Point of View

Nagtaka ako nang sa paggising ko wala na rito si Ehdrey sa tabi ko. Hinanap ko siya sa buong kuwarto pero wala rin siya kaya naisipan kong bumaba nitong hotel.

Nagbabakasakali akong baka lumabas lang siya pero sa pagbaba ko laking gulat ko nang si Zyren ang makita ko rito at hindi si Ehdrey.

"Anong ginagawa mo rito?" sabay naming tanong sa isa't-isa.

"Kasama ko rito si Ehdrey. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" sabi pa niya.

"Ha?" Nagkatitigan lang kaming dalawa habang ako naman takang-taka.

Kasama niya si Ehdrey dito pero wala namang sinasabi sa akin si Ehdrey kanina.

Nung una ko siyang makita ngayon, ang akala ko, sinusundan niya kami rito pero magkasama pala silang dalawa. Bahagyang napakunot ang noo ko sa nalaman ko.

"Okay ka lang, dre?" pagmamasid niya.

"Ah, oo," maiksing kong tugon. Nilihis ko ang tingin ko sa kanya.

"Saan ang bago mong babae? Pakilala mo naman sa akin. Talagang dito mo pa dinala, ah? What a coinsidence." Tinapik niya ako sa balikat ko pero tinitigan ko lang 'yon. "Sabay ka na sa amin ni Ehdrey kumain." Bigla kong inalis 'yong kamay niya na siya niyang kinagulat. Madiin ko kasing tinanggal 'yon habang nakakunot-noo ako.

"Hindi na, I need to go." Sabay talikod ko pero nagulat ako nang hawakan niya ulit ako sa balikat ko.

"Darren," sambit niya sa pangalan ko pero hindi ko pa rin siya nililingon. Nagpipigil lang ako ng galit ko at itinikom ko nalang ang mga daliri ko.

"Kilala mo si Sophie Zamora?" Agad ko siyang nilingon matapos ko 'yong marinig mula sa kanya.

"A-Ano?" Biglang may tumakbo sa isipan ko dahil sa binanggit niya.

Sophie Zamora 'yong pagkakarinig ko at hindi Sophia Zamora.

"Sophie Zamora, dre. Nagtanong lang ako baka kasi kilala mo siya," ulit niya na muli kong ipinagtaka dahil mariin niyang binigkas ang pangalan no'n.

"H-Hindi. Pero bakit mo naitanong?"

Bakit kalapit 'yon ng pangalan ni Sophia? Naguguluhan ako.

"Nakilala ko siya sa Sydney Australia. You know what? She looks familiar to me. Sobrang ganda niya, dre. Maputi, sexy, makinis, damn it! Kung hindi ko nga lang asawa si Ehdrey niligawan ko na siya. She's so damn hot!" Pinagpawisan ako matapos niyang sabihin 'yon.

Ano ba'ng gusto niyang ipahiwatig do'n? Pero si Sophia ba 'yong tinutukoy niya? Hindi kaya nagkita na silang dalawa? He's son of a b*! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapa-isip.

"Ito ang itsura niya, dre." Ipinakita niya sa akin 'yong cell phone niya na mayroong larawan nung Sophie Zamora.

Pero nagulantang ako sa nakita ko kaya agad ko ring nilihis ang tingin ko ro'n. Nakahawak siya sa bewang ni Sophia habang masaya sila sa picture na tila ba parang matagal na silang magkakilala. Hindi ako maaaring magkamali, si Sophia nga 'yong tinutukoy niya.

*****

Sinuntok ko ng malakas 'yong pader matapos kong bumalik dito sa room ko sa Hotel.

"F*!" bulalas ko.

Napaupo nalang ako rito sa sahig. Nang bigla namang bumalik sa isipan ko 'yong huli niya sa aking sinabi bago kami tuluyang maghiwalay kanina.

"I'm watching you, Darren."

Sobra akong napapaisip ngayon at the same time, nababahala.

Bakit gano'n nalang siya kung umasta? Paano sila nagkita ro'n ni Sophia? Bumalik na ba 'yong alaala niya? May alam na ba siya?

Napahilamos nalang ako ng palad ko nang gumulo lalo 'yong isipan ko.




*****

Ehdrey's Point of View

"B-Babe... please... tama na..." pagmamakaawa ko kay Zyren habang mahigpit akong nakahawak sa likuran niya.

Hindi ko alam kung bakit tila hindi siya napapagod kahit maya-maya naming ginagawa ang kagustuhan ng kalamnan niya.

Halos mapaluha na ako dahil feeling ko may hapdi na akong nararamdaman mula sa loob ng pagkababae ko dahil marahas ang pagkakagamit niya ngayon sa katawan ko.

Pinipilit ko siyang itulak pero hindi ko talaga 'yon kaya. Sobrang lakas niya. Napakalakas niya.

Palagi ko nalang tinatanong ang sarili ko kung bakit paulit-ulit niya sa aking ginagawa ang ganito. Pinaparusahan niya yata ako. Pakiramdam ko kasi mamamatay na ako ngayon. Sobrang hapdi na. Napakasakit na.

Pero mas gugustuhin ko na nga lang na patayin na niya ako ngayon kaysa paulit-ulit niya akong hinaharas ng ganito.

Gusto ko ng tumakas dito. Gusto ko na siyang iwan pero wala akong sapat na kakayahan para gawin 'yon. Pakiramdam ko kasi hindi na siya si Zyren na asawa ko.

Higit dalawang linggo na simula nang magbago siya. Lagi na siyang nakabantay sa bawat mga kilos ko.

Kinulong na niya rin ako rito sa bahay kaya wala na rin akong balita kay Darren dahil maging ang cell phone ko ay kinuha na niya rin. Hindi ko alam kung may naaalala na ba siya, pero sa tingin ko naman ay wala, 'yon ang pakiramdam ko wala. Kasi kung mayroon man, e 'di sana, lagi niya akong sinusumbatan tungkol do'n.

"Babe, please..." muli kong sinubukan na magmakaawa pero gano'n pa rin, mas binilisan pa niya ang ginagawa niya.

Hindi ko na nakayanan, napaiyak nalang talaga ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko hihimatayin na ako. Mamamatay na ba ako? Mamamatay na nga yata ako.

"Babe, please..." huli kong sambit nang maramdaman kong babagsak na talaga ang mga mata ko pero patuloy pa rin niyang hinaharas ang katawan ko.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon