Kabanata 43

3.8K 119 11
                                    

Kabanata 43


Darren's Point of View

"Hon?! Nasaan ka na ba?!" Halos mapaupo na ako sa kalsada habang hingal na hingal na hinahanap si Ehdrey. Nanlalambot na rin ako dahil magdamag ko na siyang hinahanap.

Simula nang umalis siya sa hospital sampung oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya bumabalik ng bahay.

Madaling araw na ngayon kaya naisipan kong humingi na ng tulong sa mga kaibigan namin.

Kinakabahan na ako at natatakot para sa kanya, dahil paano nalang kung may mangyaring hindi maganda sa kanya? Lalo na at may bata sa sinapupunan niya. Paano kung anak naming dalawa 'yon? Hindi ko naman hahayaang mapahamak siya ng gano'n.

"Damn!" sambit ko sabay sapo sa ulunan ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko.

Saan na ako ngayon huhugot ng lakas para mabuhay? Wala ng natitira sa akin kundi siya nalang.

Please, Ehdrey, bumalik ka na!

Muli akong tumayo para hanapin siya. "Ehdrey! Hon! Please, magpakita ka na sa akin!" sigaw kong muli. Sinimulan ko na ulit manakbo papalayo habang pumapatak na ang mga luha ko.





*****

Sophia's Point of View

Magkahawak kamay kami ngayon ni Zyren nang lumipad na itong eroplanong sinasakyan namin.

Pabalik na kami ngayon ng Australia at doon daw namin planuhin ang pagpapakasal.

Nagkangitian kaming dalawa nang hinalikan niya ang kamay ko. Walang lagyan ang kasiyahan namin ngayon.

Ilang oras pa ang itatagal ng byahe namin kung kaya't iidlip muna sana ako nang marinig kong nagtatawanan sina Jake at Cassie sa katabi nitong inuupuan namin ni Zyren.

Napangiti ako ng lihim dahil ang sweet nilang tignan sa isa't-isa. Tingin ko nagkabalikan na rin itong dalawa.

Pinikit ko na ang mga mata ko at isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Zyren, tuluyan ang akong natulog habang may ngiti sa labi ko.


*****

Di nagtagal, lumipas ang mga araw, linggo at buwan, tumungtong na ang oras ngayon ng kasal namin ni Zyren dito sa Australia.

Naglalakad na ako ngayon sa red carpet na pinapangarap ko noon pa lang, mga petals na nagkalat sa sahig, at sa lalaking naghihintay sa akin sa unahan nitong malaking simbahan.

Mula sa paglalakad nasilayan ko na ang lalaking pakakasalan ko na si Zyren Do—ang lalaking muling nagpatibok sa puso ko at tutupad ng pangalawang pangarap ko sa buhay.

Nang magtagpo ang tingin namin sa isa't-isa nagkangitian kaming dalawa habang naluluha.

Inalok na niya ngayon ang kanan niyang braso sa akin nang ibigay ako ni Tatay sa kanya. Sandali pa nga silang nagkayakapang dalawa.

"Ito na 'yong matagal mo nang pinapangarap," pabulong niyang sabi sa akin dahilan para tumulo 'yong mga luha ko.

"At dahil sa 'yo 'yon, Chocolate," agad kong sagot habang pinunasan niya ang mga luha ko. Naluluha rin siya.

"Halika na? Para maging Mrs. Do na kita?" Tumango agad ako.

"NGAYON kayo ay ganap nang iisa! Mr. & Mrs. Do, congratulations! You may now kiss the bride!"

Agad kaming nagharap ngayon ni Zyren nang unti-unti niyang tinatanggal ang veil ko.

Magkatitigan lang kami ngayon at ilang segundo pa, naramdaman ko na ang paghalik niya kaya agad na nagpalakpakan ang mga tao.

Ako na ngayon si Sophia Zamora-Do, na pinakamasayang babae ngayon sa buong mundo.

Nang maghiwalay ang labi naming dalawa, binuhat na niya ako ngayon pang bridal saka siya naglakad unti-unti papalabas nitong simbahan.

Nakita ko ang pamilya ko, gano'n din sina Jake, Cassie, mga katrabaho at trabahador ko. 'Yon nga lang wala ang mga kaibigan namin na nasa Pilipinas.

Sayang at wala si Crystal, ang Best friend ko. Hindi man lang niya nasaksihan 'yong matagal ko nang pinapangarap sa buong buhay ko pero ganon pa man, masaya akong natupad ko na ito.

Sinalubong kami ng mga tao rito sa labas habang hinahagisan kami ng mga petals.

Matapos ang vows sa simbahan dumeretso ang lahat sa reception.

Sobrang ganda ng place, maraming pagkain, may mga pakulo rin at hindi nawala ang message namin ni Zyren sa isa't-isa, gano'n din ang mga magulang ko sa aming dalawa.

Pero sabi nga, hindi mako-kompleto ang kasal kung walang honey moon na magaganap.

Lumipas ang tatlong oras, muli na naman akong binuhat ni Zyren na pang bridal.

Mahigpit akong humawak sa batok niya habang tinutungo namin ang kuwarto na inihanda para sa aming dalawa.

Agad niyang nilock ang pintuan pagdating namin dito para makasiguradong solo namin ngayon ang buong gabi.

Marahan niya akong inihiga sa kama hanggang sa dahan-dahan niyang binuksan ang zipper ng gown ko pababa.

At ngayon, half body naked na ako dahil 'yong bra ko, nakapaloob na iyon sa gown ko.

Habang nasa likuran ko siya, naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko dahan-dahan papunta sa leeg ko kung kaya't napapapikit ako.

Hindi ko inakalang sa kanya ko ibibigay ang kauna-unahan kong pakikipagtalik sa isang lalaki. Proud akong ibigay sa kanya ang aking sarili.

Nasa ibabaw ko na siya ngayon. Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon pero ang bilis. Ngayon kasi wala na 'yong gown sa buo kong katawan at hindi ko na namalayan 'yon.

Bahagya pa nga akong nahiya dahil ito palang naman ang una kong beses na ipakita sa lalaki ang kabuuan ng katawan ko.

Nakita kong umiling siya. "No need, Chocolate. You are mine now. All of yours are mine. I love you my new Mrs. Do."

Matapos niyang sabihin 'yon naramdaman ko na ang paghalik nitong nagpatindi ng tensyon sa buong katawan ko.

Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. May mga halo-halong emosyon kaya pinabayaan ko na ang sarili ko sakanya.

Habol hininga ako habang ramdam ko ang kakaibang ginagawa niya.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon