Kabanata 39

3.5K 114 13
                                    

Kabanata 39



Ilang saglit pa, tuluyan na ngang nakapagsalita si Zyren. Habang chene-check-up siya ng doctor, nasa tabi niya lang ako. Actually, nakaupo na nga siya at nagugutom na rin daw siya kaya agad siyang pinaghandaan ng makakain sa canteen nitong hospital.

Isinarado ko na 'yong pintuan nitong kuwarto niya nang lumabas na 'yong mga nurse at doctor. Habang papalapit ako sa kanya, magkangitian lang kaming dalawa.

"Chocolate," bigkas ko sabay kuha sa kamay niya at pinaglaruan ko 'yon habang nakayuko. Nang bigla naman niyang iniangat 'yong ulo ko gamit ang isa pa niyang kamay kaya nagkatitigan kaming dalawa.

"I'm sorry kung natagalan bago kita maalala." Mabilis akong umiling matapos niyang sabihin 'yon.

"Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga naalala mo na ako ngayon," nakangiti kong sagot.

Pero hindi ko maiwasang hindi mailang. Hindi ko alam kung bakit. Basta ayon ang nararamdaman ko ngayon kaya napayuko nalang ulit ako.

Patuloy ko lang pinaglalaruan 'yong kamay niya hanggang sa muli niyang iangat ang ulo ko kaya muling nagtagpo ang titigan naming dalawa.

Pero hindi ko inaasahan na bigla nalang niya akong hahalikan ng gano'n kaya nagulat ako sa inasta niya.

Siya na nga talaga 'to, Si Zyren, si Chocolate.

Hindi ko na rin naiwasang hindi tumugon sa mga paghalik niya sa akin. Agad kong nilagay ang mga kamay ko sa batok niya. Na miss ko rin itong mga halik niya, 'yong mismong talaga siya.

Pasalamat nalang talaga ako dahil bumalik na ulit 'yong alaala niya. Naalala na niya ako.

Nang bigla kaming mapahinto sa ginagawa namin dahil parang may nagsarado ng pintuan kaya pareho kaming napalingon do'n pero wala namang tao.

"Hindi kaya 'yong taga hatid ng pagkain 'yon tapos hindi na siya tumuloy kasi nakita niya tayong naghahalikan?" Pinagmulahan agad ako ng pisnge matapos niyang sabihin 'yon.

"Ikaw kasi e, bigla mo nalang akong hinalikan. Nasa hospital kaya tayo." Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib niya sabay iwas ng tingin.

"E, na miss lang kasi kita." Napahimas siya sa batok niya at tila nahihiya rin sa nagawa niya.

Ano ba 'yan. Ayan! Lalo na tuloy kaming nagkailangan dalawa. Tinakpan ko nalang 'yong mukha ko nang unan kahit na nasa harapan ko siya. Kinikilig din kasi ako.

"Oy! Chocolate?" Pilit niyang kinukuha 'yong unan sa mukha ko pero hindi ko 'yon binibigay sa kanya. Nahihiya kasi ako e. Ano ba 'yan! Kinikilig talaga ako. "Hay! Na miss mo siguro ako 'no?" kantsaw niya. "Yeee~ mahal ako ng Chocolate ko."

"Hindi 'no! Tumigil ka nga!" Hinampas ko siya ng unan kaya umiilag siya. Sa tingin ko, pulang pula na talaga ang buo kong mukha.

"Totoo naman. Yeee~"

"Hay! Hindi 'no!"

"Chocolate, naaalala ko na kaya lahat. Haha!"

"He! Ewan ko sa 'yo!" Bigla akong tumayo pero hinigit niya ako papalapit sa kanya dahilan para magyakap kami sa isa't-isa.

"Ganito nalang tayo," sabi niya kaya mas lalo akong pinagmulahan.

"Hmm, gusto mo lang akong yakapin, e." Ako naman 'yong kumantsaw sa kanya ngayon.

"Oo na, pero basta 'wag kang malikot isang taon ko rin kasing hindi nagawa 'to, 'yong ako talaga," paliwanag niya matapos ay hinigpitan niya 'yong yakap niya sa akin nang umayos ako sa pagkakaupo ko. Tapos no'n niyakap ko na rin siya.

Hanggang sa hindi namin namalayan 'yong oras, nakatulog pala kami ng magkatabi rito sa kama. Inumaga na pala kami. Kita ko kasi ang sikat ng araw na tumama sa mukha naming dalawa at pareho na kaming hindi kumain ng dinner.

"Chocolate, 'wag ka munang bumangon," sabi niya kaya nagtaka ako.

"Hala! Hindi puwede. Baka may makakita sa ating nurse rito nakakahiya," pagpupumiglas ko. Gising na rin pala kasi siya.

"E, ano naman?"

"Oh, my! Hindi puwede. Hospital kaya 'to baka kung anong isipin nila." Dinantayan niya ako tapos niyakap pa ng mahigpit. "Aaah! Pambihira! Chocolate, bitiwan mo na ako," muli kong pagpupumiglas.

Nakakahiya naman talaga. Baka mamaya may biglang pumasok tapos maabutan kaming ganito 'yong sitwasyon namin.

Nang bigla kaming makarinig ng pintuan na bumukas kaya napatingin kami ro'n ng sabay. Pero nagulat kami nang makita namin ang mga kaibigan namin na naandito ngayon ng ganito kaaga tapos sa ganitong sitwasyon pa kami nadatnan. Lalo na si Darren at kasama pa si Ehdrey.

Agad kaming umayos sa pagkakaupo naming dalawa.

Pero nang tignan kong muli si Chocolate, halatang napakunot ang noo niya habang nakatitig kina Darren at Ehdrey nang makita niya ang mga ito.

Ang awkward pero ang tahimik naming lahat ngayon. Lalo na nang makita nilang gising na si Zyren at magkatabi pa kaming dalawa. Hindi ko man lang kasi sila nagawang sabihan.

"Umh, Zy, gising ka na pala. Good to see you," sabi ni Crystal nang basagin niya ang katahimikan.

Lumapit siya sa amin na sinundan naman nina Jamie, Ozu at Ezikiel. Samantala 'yong dalawa nasa pinto pa rin sila at hindi magawang lumapit sa amin.

"Dre, mabuti naman at nagising ka na. Naaalala mo na ba kami?" tanong ni Ezikiel kay Zyren pero hindi ito sumagot. Binalewala niya 'yon. In fact, hindi matinag ang tingin niya kay Ehdrey Mae, sa asawa niya.

"Bakit hindi ka lumapit sa akin?" Muli na namang naging awkward ang kapaligiran nang sabihin 'yon ni Zyren kay Ehdrey. Nakatitig lang kaming lahat sa kanila. "Hindi mo ba yayakapin ang asawa mo?" mariin niyang pagkakasabi na siyang pinagkatinginan nila ni Darren at Ehdrey sa isa't-isa.

Ano ba'ng pinaplano ni Zyren? Kung sabagay, hindi pa nila alam na naaalala na niya ang lahat.

Kita naming dahan-dahang lumalapit si Ehdrey sa kanya habang hindi ito makatingin ng deretso. Pagkatingin ko naman kay Darren, nagtataka lang itong nakatitig kay Zyren.

"A-Ahm..." Sa tingin ko kinakabahan si Ehdrey dahil hindi siya makapagsalita.

Maya-maya pa, iniangat ni Zyren 'yong kamay niya kung saan pinapakita niya 'yong wedding ring nilang dalawa ni Ehdrey na nakasuot sa daliri niya.

Nagtaka ro'n si Ehdrey kaya napahinto siya habang nakatitig kay Zyren.

Ano nga ba ang susunod niyang gagawin? Nagtataka lang kami ngayon habang salitang nakatingin sa kanilang dalawa.

Pero laking gulat namin nang biglang hubarin ni Zyren 'yong wedding ring na suot niya at saka niya iyon niyukom sa palad niya. Hindi namin mahulaan kung ano 'yong binabalak niya.

Pero unti-unti, sa harapan naming lahat, hindi namin inaasahang gagawa si Zyren ng isang malaking desisyon sa buhay niya.

"Maghiwalay na tayo," walang reaksyon niyang sabi kasabay ng paglaglag niya sa wedding ring nila sa sahig na ikinagulat naming lahat.

Ilang segundo rin kaming natahimik, tulala, at 'di makapagsalita.

Kita naming tumulo 'yong mga luha ni Ehdrey sa harapan ni Zyren habang magkatitigan silang dalawa, samantala kami hindi pa rin kami makapaniwala.

Nang bigla namang nilapitan ni Darren si Ehdrey kaya ako naman 'yong napakunot ng noo.

"Simula ngayon, wala na akong kaibigang nag ngangalang Darren Min, cause Best friends can be also an enemy," sabi pa ni Zyren kaya natigilan sa pag-alis sina Darren at Ehdrey.

Mas tumindi ang tensyon ngayon sa buong paligid.

Kita naming nilingon ni Darren si Zyren kaya nagtagpo 'yong tingin nila sa isa't-isa.

Titig na tila magsasalubong ang pareho nilang kamao. Kita ko kasing napatikom ang daliri ni Zyren at parang gusto niyang manuntok. Kaagad namang pumagitna si Ozu sa tensyong 'yon.

"Kung ganyan lang din ang gusto ninyo, mas mabuti nang buwagin na natin kung anong pinagsamahan mayroon tayo."

Nagkaroon muli ng katahimikan matapos 'yong sabihin ni Ozu.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon