Kabanata 16

3.5K 122 6
                                    

Kabanata 16

Zyren's Point of View

Nang balikan ko 'yong laptop ko in-end na pala ni Ehdrey 'yong video call kaya binasa ko nalang 'yong iniwan niyang message sa akin.

Five minutes left na siya kaya nagleave na lang din ako ng message sa kanya. Tapos no'n napasandal nalang ulit ako sa sofa habang pinikit ko ang mga mata ko.

Napalalim ako ng hininga. Bakit ba nangyayari sa akin 'to?

Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi dapat malugi 'yong pamana sa akin ni Lolo. Isa pa, 'yong future namin ni Ehdrey at 'yong sa magiging anak ko. Iniisip ko talaga lahat nang 'yon.

"Sir, kailangan n'yo po ba ng tulong?" ani Jake nang pumasok siya rito sa loob ng kuwarto ko.

Tinignan ko siya at umiling ako. "Humanap ka nalang ng Bar na puwede tayong makainom kahit sandali. I just want to relax," utos ko sa kanya.

"I will, Sir." Sumandal nalang ulit ako sa sofa tapos pinikit ko ulit ang mga mata ko nang lumabas siya.




*****

Cassie's Point of View

First time lang ngayon mangyari na magyaya rito sa Bar si ma'am Sophie. Sumasayaw siya ngayon do'n sa dance floor at sa tingin ko may amats na siya.

Ang sexy sexy niyang pagmasdan habang sumasayaw dahil sa sobrang sexy din ng suot niyang dress. Napakaiksi.

Nakatanaw lang ako sa kanya ngayon 'di kalayuan sa kinauupuan ko nang biglang tumatawag si Jake sa akin kaya sinagot ko na. Hindi kami magkaintindihan dahil ang ingay dito sa loob kaya minabuti ko na munang lumabas.

Iniwanan ko nalang muna si ma'am Sophie ro'n. Babalikan ko nalang siya mamaya.




 

Sophia's Point of View

Nang makaramdam ako ng hilo naisipan ko na munang umupo para makapagpahinga kahit konti. Iniwan ko na muna 'yong mga kasayaw ko ro'n sa dance floor.

Nang bumalik naman ako sa puwesto namin ni Cassie wala siya rito kaya hinayaan ko na. Baka nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi.

Um-order pa ulit ako ng alak dahil gusto ko talagang makalimot. Gusto kong makalimutan 'yong lalaking pinagtabuyan lang naman ako matapos ko siyang mahalin at alagaan, si Zyren.

Tumungga ako ng alak. Napapikit ako sa sobrang pait pero tiniis ko lang. Kailangan ko 'to. Ito ang makakatulong sa akin makalimot kahit paano.

"Hi! Miss, puwede ba kitang makilala?" Nang bigla kong lingunin ang boses ng isang lalaki na nasa bandang gilid ko. Pinoy din siya. Kung sa bagay lahat naman nang nandito ngayon pinoy.

Ito kasi ang puntahan ng lahat ng mga pinoy dito kapag gustong magrelax.

Napatitig lang ako sa kanya. Oo, guwapo nga siya, matipuno, may dating, pero kagaya ng dati kapag may gusto sa aking makipagkilala at hindi ko gusto, sinasabi kong may boyfriend na ako para tigilan na nila ako.

"I'm sorry but I have a boyfriend already," ani ko tapos tumungga ulit ako ng alak pero hindi pa rin pala umaalis itong lalaki sa tagiliran ko, In fact, tinabihan pa nga niya ako.

"Miss, mayroon ka ba talagang boyfriend? Sa tingin ko kasi wala, e. Hahayaan ba niya ang isang tulad mo na pumunta sa ganitong klase ng lugar?"

Tinawanan ko siya nang muli ko siyang balikan ng tingin. Ang kulit, e.

"Bakit? Hindi ba puwedeng may LQ lang kami? Wala siya rito. Nasa bahay nila," sabay tungga ko ulit sa isang baso ng alak. Pero hindi pa rin pala ako titigilan nitong lalaki.

Bigla niyang hinawakan 'yong kanan kong kamay kaya napakunot na ako ng noo.

Gano'n ba talaga siya kadisperado sa akin? Agad kong hinablot ang kamay ko sa kanya at tumayo na ako. "You're so rude!" sigaw ko.

"Can you please let her go? Because if you don't I'll smack your f* face!"

Napalingon agad ako sa boses ng lalaking nagsalita. Nagulat ako nang makita kong nandito rin si Zyren ngayon. Ano kayang ginagawa niya rito?

"Who the f* are you?" bawi namang sabi nung lalaking desperado sa akin. Tapos nilapitan niya si Zyren at mukhang magsusuntukan silang dalawa kaya pumagitna ako sa kanila.

"Can you please stay away from us? Don't even try to hurt him dahil siya ang boyfriend ko!"

Umalis agad 'yong lalaki matapos kong sabihin 'yon. Mabuti naman.

Nilingon ko si Zyren na masama pa rin pala ang tingin sa lalaki hanggang ngayon. Naghabulan pa pala sila ng masamang tingin sa isa't-isa.

"Uh, pasensiya na kung sinabi kong boyfriend kita. Hindi kasi ako no'n titigilan," paghingi ko ng paumanhin dahilan para balikan niya ako ng tingin.

"Okay lang. Naiintindihan ko, miss Sophie. Okay ka lang ba?"

"Oo," sagot ko agad. "Anyway, thank you." Tumango lang siya.

Pareho kaming naupo ngayon sa puwesto namin ni Cassie nang bigla siyang napapikit ng mariin kaya nagtaka ako.

"Okay ka lang?" Nakatitig lang ako sa kanya ngayon.

"Ah, para kasing nangyari na 'to dati. Oo, okay lang ako. 'Wag mo akong alalahanin." Napatango nalang ako.

Sa totoo lang bumalik sa isipan ko ngayon na totoo naman talagang nangyari na 'to sa amin dati. Pero alaala nalang 'yon at magiging alaala nalang din ang lahat nang 'to ngayon.

Hay! Ano ba! Kinakalimutan ko na nga siya 'di ba kaya nga nandito ako? Pero bakit nandito rin siya? Naiiyak tuloy ako. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

Napayuko na ako sa mesa. Nakakainis naman kasi, e!

"Parang ang dami mo nang nainom. Wala ka ba'ng kasama?" Hindi ko siya sinagot. Basta nakayuko lang ako. Mabuti naman din at hindi na siya nangulit.

Narinig kong um-order siya ng alak pero hindi ko pa rin siya nililingon. Parang ayoko siyang kausapin.

Ilang saglit pa, nagulat nalang ako nang bigla niya akong buhatin kaya namilog ang mga mata ko.

"Aaah! Zy! Ibaba mo ako!" Matapos kong sabihin 'yon nagkatitigan kaming dalawa. Parang nawala 'yong amats ko.

"P-Please? Ibaba mo na ako? Kaya ko pa. Hindi pa naman ako lasing," sunod-sunod kong sabi kaya ibinaba na niya ako.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang awkward tuloy.

"Ah, s-sorry, akala ko kasi balak mo nang matulog diyan kaya ano... amh..." Napakamot siya sa batok niya tapos napalihis pa ng tingin kaya napalihis na rin ako ng tingin.

Kinikilig ba ako? Hindi puwede! Napakagat ako sa labi ko sabay pikit ng mga mata. Nakakainis.

Naisipan kong kuhain 'yong baso na nasa harapan ko tapos ininom ko 'yon. 'Yon nga lang napahiya ako kasi wala na palang laman na alak 'yon. Ang epic! Nakakahiya.

"Ito oh." Inabutan niya ako ng alak niya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na hindi kuhain 'yon. Ininom ko agad 'yon.

Pambihirang buhay 'to! Syete talaga! Ang pait sobra! Napapikit pa nga ako.

"Bakit pala nandito ka sa Bar tapos nag-iisa ka pa? Bakit ka umiinom? Napakaiksi ng suot mo miss Sophie."

Napalunok ako dahil sa sunod-sunod niyang sinabi. Naalala kong sensitive nga pala siya pagdating sa suot ng mga babae.

Maya-maya pa, naramdaman kong binalot na niya ako ngayon ng leather jacket niya kaya naalala ko na naman 'yong nakaraan namin noon, ganitong-ganito rin 'yon kaya napatitig ako sa kanya, pero siya nakapikit na pala.

Pero kailangan kong magsuplada. Kinakalimutan ko na siya, e.

"Eh, ano ngayon sa 'yo? May pakialam ka?" pagsusuplada ko nang bigla siyang natawa habang nakayuko. Tapos no'n muli niya akong binalikan ng tingin.

"Bakit ba bigla ka nalang naging masungit sa akin? Ano ba'ng nagawa ko sa 'yo, miss Sophie?" Tumungga siya ng alak matapos niyang sabihin 'yon.

Kinalimutan mo kasi ako! agad kong sabi sa isipan ko.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon