Kabanata 4
Ehdrey's Point of View
Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik ngayon sa isipan ko 'yong mga nangyari sa amin ni Darren kanina.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ko dapat iniisip ngayon si Darren dahil si Zyren ang kasama ko ngayon.
"Babe, okay ka lang?" Bumalik ako sa ulirat ko nang tabihan ako ni Zyren dito sa dinning table habang kumakain ng dinner. Galing kasi siya sa kuwarto.
"Ha? Ah, napagod lang siguro ako, Babe. Pasensiya ka na."
"Sa tingin ko mawawala 'yang pagod mo kapag nakita mo ang mga ito."Inilabas niya ang Chocolates at bouquet of flowers mula sa likuran niya at inaabot niya sa akin ito ngayon dahilan kung bakit bigla nalang nanggilid ang mga luha ko.
Naapreciate ko ang mga pasalubong niya sa akin ngayon.
"Babe, salamat sa mga 'to."
Pinagmasdan ko ang mga 'to ngunit nang titigan kong mabuti ang bulaklak nagulat ako.
"P-Plastic na bulaklak?" 'di ko makapaniwalang sabi.
"Ha? B-Bakit, Babe? Hindi mo ba nagustuhan? Ito naman palagi ang mga binibili ko sa 'yo noon pa hindi ba?" sabi niya na siya kong pinagtaka.
Naalala kong si Sophia ang allergy sa totoong bulaklak at hindi ako. Never akong nakatanggap sa kanya ng ganitong klase ng bulaklak noon.Napatitig nalang ako sa kanya habang pinipigilan kong maluha.
Minsan kasi nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos niya. May pagkakataon kasing kung tratuhin niya ako ay parang hindi ako, kundi si Sophia. Si Sophia 'yong parang lagi niyang nakakasama kaya minsan nadidissapoint ako sa kanya, sa mga pinapakita niya sa akin.
Kusa ko nalang nabitiwan iyong mga pasalubong niya at tumakbo ako papasok sa loob ng kuwarto namin. Nagkulong ako rito. Iniwanan ko siya roong nagtataka.Sinandal ko ang sarili sa likod ng pintuan at kusa nalang din bumigay ang mga luha ko.
"Nasasaktan mo na ako, Babe!" utas ko sa sarili ko.
Zyren's Point of View
"A-Anong nangyari? Hindi ba niya nagustuhan 'yong mga pasalubong ko para sa kanya?" Nagtataka akong naupo sa sofa.
Hindi ko alam kung bakit parang nagalit nalang siya bigla nang makita niya 'yong plastic na bulaklak pero ayon naman talaga 'yong naaalala kong binibigay ko sa kanya noon.
Naguguluhan kong tinitigan 'yon nang bigla akong mapahawak sa ulo ko. Naipikit ko ang mga mata ko nang kumirot na naman ito."Aaah!"
'Yong babae sa isipan ko nagpapakita na naman siya sa akin ngayon.
"Aaah! S*!"Naramdaman kong nalaglag na ako sa sofa. Nakahiga na ako ngayon sa sahig at namimilipit sa sakit.
"S-Sino ka ba?! Aaah!"Parang bibiyak na ang ulo ko. Napapaluha na ako sa sobrang sakit. Hindi ko na kaya.
"Babe? Babe!" rining kong boses ni Ehdrey. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
"Aaah! Sobrang sakit!" Inuuntog ko na naman ang ulo ko ngayon sa sahig."S-Sino ka ba talaga?!"
Inaabutan ko ang isang babae ng plastic na bulaklak at chocolates.
"Babe, sandali! Kukuhain ko lang 'yong gamot mo!" bulalas ni Ehdrey at nagmadaling umalis sa tabi ko."Hindi ko na kaya! Please help me! Aaah!"
"Ito babe, uminom ka na!"Dali-dali niya akong binigyan ng gamot pagkabalik niya at inom ko naman agad 'yon.
Hanggang sa maging okay na ulit ako ilang minuto pa ang lumipas."Okay ka na ba, Babe? Hindi na ba masakit ang ulo mo? Sorry sa pangyayari kanina," malungkot na sabi ni Ehdrey sa akin ngayon.
Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko pa rin maiwasan na may gumulo sa isipan ko.
"Babe, okay lang 'yon pero kasi naguguluhan lang ako kung bakit nagalit ka sa akin kanina? Hindi ba't dati pa naman talaga kita binibilhan ng isang bouquet ng flowers na plastic? Hindi ba't allergy ka kasi sa totoong bulaklak?"Ehdrey's Point of View
Matapos niyang itanong sa akin 'yon parang napako nalang ako bigla sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya ngayon.
"H-Ha?" Ito nalang ang nasambit ko habang magkatitigan kaming dalawa.
Hindi nga ang pagkatao ko ang naaalala niya kundi ang pagkatao pa rin ni Sophia. Si Sophia palagi ang laman ng isipan niya at hindi ako.Gusto ko nang umiyak sa harapan niya ngayon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayoko kasing ipakita sa kanya 'yon kahit durog na durog na ako.
Bigla ko nalang inilihis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na siya sinagot.Minabuti ko nalang baguhin ang usapan namin. "Umh, Babe, ang mabuti pa magpahinga ka na. H-Halika na pumasok na tayo sa kuwarto."
Mabilis kaming nakarating sa kuwarto namin at agad ko siyang pinagpahinga.
Sa ngayon, pinagmamasdan ko lang siyang natutulog nang hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.
Minsan kasi hindi ko talaga maiwasang hindi magdamdam sa kanya. Ako nga ang nakakasama niya pero si Sophia naman ang laman ng isipan niya.
Hanggang kailan ko ba matitiis 'to? Halos araw-araw nasasaktan na niya ako.
Minabuti kong lumabas nalang at magpunta ng sala.Tumungo ako sa lamesa at dito ko nalang pinagpatuloy ang pag-iyak ko. Wala rin naman kasing ibang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari ngayon kundi ang sarili ko lang din.
Kasalanan ko ang lahat nang 'to kaya tama lang na ako ang magdusa.
Darren's Point of View
Naisubsob ko nalang ang sarili ko sa lamesa matapos kong tumungga ng ilang bote ng alak. Nakatulala lang ako ngayon habang nababalot ng kadiliman ang buo kong kapaligiran.
Nag-iisa nalang ako palagi...
(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...