Kabanata 26
Sophia's Point of View
Pumasok akong nakasalamin ngayong araw dahil katulad nung isang araw, halata na naman na kagagaling ko lang sa pag-iyak.
Habang naglalakad ako, binabati muli ako ng mga impliyado ko pero kung kahapon binabati ko sila pabalik, ngayon naman, tumatango lang ako. Kung kahapon punong-puno ako ng energy pagpasok dito, ngayon naman, para akong binagsakan ng langit at lupa.
"Good morning, ma'am Sophie!" masayang bungad ni Cassie sa akin pagkapasok na pagkapasok ko rito sa office ko pero katulad nga ng mga impliyado ko sa ibaba, hindi ko rin siya sinagot kundi, tumango lang din ako.
"Ma'am, okay ka lang? Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" Sinundan niya ako sa desk habang hinihintay ang sagot ko.
Nang biglang may lumabas na isang lalaki mula sa cr nitong office ko kaya nagulat ako. Si Zyren, ang aga niya pala ritong nagpunta.
Mataray kong tinapunan ng tingin si Cassie. "Sige, Cassie! Ipagtimpla mo ako ng kape, 'yong matapang ha? 'Iyong kaya akong ipaglaban!" Pinaparinggan ko si Zyren.Alam kong nagkatinginan silang dalawa ngayon dahil sa inasta ko pero wala akong pakialam. I forgot, hindi pa nga pala tapos 'yong pag-uusap namin tungkol sa mga products na ipapahiram ko sa kanya kaya asahan ko ng kahit mabigat sa loob ko, magkikita pa rin kami ngayong araw.
"Y-Yes, ma'am Sophie. Masusunod po." Narinig ko ang pagsarado ng pintuan.
Sa tingin ko, kami nalang dalawa ngayon ang nandito sa loob. Kasi kung nandito rin si Jake, e 'di sana, kanina ko pa siya napansin pagkapasok ko.
"Amh, Sophie," mahina niyang banggit sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.Biglang napakunot 'yong noo ko nang hindi tuminta 'yong ballpen na hawak ko kaya agad ko 'yong binato.
"Nakakainis naman!" irita kong sigaw. Halatang nagulat siya sa inasta ko.
"Kung galit ka sa akin, hindi mo dapat dinadamay ang ibang bagay."Mataray ko siyang tinignan nang sabihin niya 'yon sa akin.
"Bakit? Tinatamaan ka ba? Ikaw ba 'yon?" pagtataray ko habang nakacross arms.Hindi ko talaga maiwasang hindi mainis. Pinulot niya ang ballpen.
"Anong gusto mong gawin ko para mawala 'yang init ng ulo mo?" Mas lalo yatang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang 'yon pero mas pinili ko nalang manahimik. Basta nakaupo lang ako sa swivel chair ko nang lapitan niya ulit ako.
Inilapag niya 'yong ballpen sa desk ko saka ito tumabi sa akin. Nang bigla niyang inalis 'yong sunglasses ko kaya sinamaan ko siya ng tingin."Ako ba ang dahilan ng 'yan?" Galing sa pag-iyak ko kagabi ang tinutukoy niya.
Agad ko namang hinablot 'yon sa kanya. "Puwede ba? Layuan mo nalang ako?!"
"Paano ko gagawin 'yon kung iisa na ngayon 'yong kompanya nating dalawa?" Nilihis ko ang tingin sa kanya.Hindi ko siya sinagot. Kung puwede ko nga lang sanang bawiin 'yong pinirmahan ko ginawa ko na pero hindi na puwede. May kasunduan na kaming dalawa.
Nang biglang dumating si Cassie na may dalang kape kaya tumahimik na kaming dalawa.
"Cassie, puwede ba'ng iwanan mo muna kami?" panunuyo niyang sabi kay Cassie kaya agad nagsalubong ang kilay ko.
"Hindi! 'Wag kang aalis dito, Cassie," pagtutol ko.
"Cassie, please?" Pareho kaming nakatingin ngayon kay Cassie na naguguluhan.
"Hindi!" Napakunot noo na ako."Cassie, sige na," pagpupumilit niya.
Nang bigla namang dumating si Jake na may mga dalang isang bouquet of flowers at chocolates. Pero this time, plastic na 'yong bulaklak pero para saan naman ang mga 'yon?
"Jake, lumabas muna kayo ni Cassie. Iwanan n'yo muna kami rito ng ma'am Sophie n'yo."
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...