Kabanata 42
Ehdrey's Point of View
Nangangatog ako ngayon habang hawak-hawak ko 'yong annulment paper na ipinadala sa akin ni Zyren. Ngayong umaga lang ito dumating.
Habang binabasa ko ito tumutulo na 'yong mga luha ko.
Tototohanin ba niya talaga?
Hindi ko alam kung bakit parang nagbabago 'yong isip ko ngayon pero bakit? Mahal ko pa ba siya? Akala ko ba si Darren na ngayon ang mahal ko? Pero siya ang asawa ko 'di ba? Huli na ba ang lahat para sa aming dalawa?
Hinimas ko ang tiyan ko. Gusto ko sanang bago ko ito pirmahan, gusto ko munang malaman kung sino ang ama ng batang dinadala ko ngayon.
Agad akong nagbihis at umalis ng bahay. Gusto ko sanang puntahan ang asawa ko. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin sa kanyang buntis ako. At dahil wala si Darren, nakaalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kanya.Higit isang linggo rin simula nang hindi na ulit kami magkita ni Zyren. Pero naniniwala akong may natitira pa rin siyang pagmamahal sa akin at nararamdaman ko 'yon.
Baby, kumapit ka lang, ha?
Habang nasa byahe ako, patuloy akong nagdarasal na sana maabutan ko siya sa bahay namin kung naando'n man siya. Nagmadali akong buksan ang gate nang makarating ako rito.Pagtingin ko naman sa pintuan bukas 'yon kaya nagkaroon ako ng malaking chance na makakausap ko siya ngayon.
"Babe!" tawag ko sa kanya sabay na nagmadaling pumasok sa loob.Pero nagulantang ako sa nakita ko nang unahin kong puntahan ang kuwarto naming dalawa ngayon. Bigla kong naibagsak 'yong hawak kong bag. Pinagmamasdan ko lang ngayon sina Sophia at ang asawa ko na naghahalikan sa kama naming dalawa.
Si Zyren nasa ibabaw siya ni Sophia habang wala siyang kahit anong damit pang itaas. Kitang-kita ko ngayon kung paano nila pagsaluhan 'yong mga labi nila. Parang durog na durog 'yong puso ko ngayon habang pinapamukha nila sa akin 'yong mga nagawa ko noon.
Puwede ba'ng sumuko? Ang bigat na kasi. Ang sakit. Ang sakit talaga. Ganitong-ganito rin 'yong ginawa ko noon 'di ba? Ngayon narealize ko na 'yon, kaya kung puwede ba, itigil nalang lahat ng mga nangyayaring 'to? Nasasaktan na talaga ako.
Nang mapansin nila akong nakatitig sa kanila habang umiiyak, mabilis kong pinulot 'yong bag ko. Mas lumakas 'yong paghikbi ko kaya minabuti ko nalang na talikuran sila. Sa palagay ko kasi, nakakaistorbo lang ako sa kanila rito.Naglakad ako paalis nang bigla ko namang mapansin na mukhang nililigpit nila 'yong ilang mga gamit namin dito pero bakit?
Aalis ba siya? Hindi ba niya titirahan itong bahay? Anong pinaplano niya? Ibebenta ba niya?Pinunasan ko 'yong luha ko at tuloy lang sa paglayo. Halos manghina ako at mawalan ng pag-asa sa mga nakita ko.
"Sandali!" Biglang rinig kong boses ni Zyren kaya napalingon ako sa kanya.
Nang makita ko siyang nasa harapan ko hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siyang nasampal. Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy sa pagpatak ng mga luha ko.Pero agad ding ibinalik sa akin ni Sophia 'yon kaya napahawak ako sa kanan kong pisnge nang sampalin niya ako dahil sumunod din siya kay Zyren.
"Wala kang karapatan na gawin kay Zyren 'yon!" mariin niyang pagkakasabi kaya magkatitigan kami sa isa't-isa.
"Kung inaaakala mong kaya kita sinundan dahil baka inaakala mong pinapatawad na kita, sasabihin ko sa iyong hindi, Ehdrey. Itatanong ko lang kung napirmahan mo na ba ang annulment natin?""Hindi ko pipirmahan 'yon!" kaagad kong sagot kaya nakita ko ang pagkakunot ng noo niya, gano'n din si Sophia. "Buntis ako Zyren," dugsong ko pa na siya nilang kinatinginan sa isa't-isa.
"Talaga? Bakit? Nakakasigurado ka ba'ng sa akin 'yan?" Sa pangalawang pagkakataon muli ko siyang nasampal dahil sa sinabi niyang 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/131796278-288-k639775.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...