Kabanata 23
Jake's Point of View
Nang magising ako nagtaka ako dahil wala rito si sir Zyren sa tabi ko kaya agad akong bumangon. Alas tres pasado na nang madaling araw.
Naisipan kong lumabas ng kuwarto para hanapin siya, baka kasi mamaya, kung ano na naman ang nangyari sa kanya.
Nang bigla kong may nakitang lumabas na lalaki mula sa kuwarto ni ma'am Sophia at gulat kaming nagkatinginang dalawa. Napanganga pa nga ako nang siya 'yong makita ko."Sir Zyren?" gulat kong sambit. Lumihis siya sa akin ng tingin. "A-Ano pong ginagawa n'yo sa kuwarto ni ma'am Sop—"
Bigla niyang tinakpan 'yong bibig ko nang magmadali siyang lapitan ako sabay hila niya sa akin papasok sa loob ng kuwarto naming dalawa.
Pambihira si Sir!
Nang makapasok kami rito sa loob nilock niya agad 'yong pintuan sabay bitiw sa akin."Sir, ano pong ginawa n'yo sa kuwarto ni ma'am Sophia? 'Wag n'yo sabihing nag-ano kayo—" Bigla niya akong binatukan kaya napahawak ako sa ulo ko. "Sir, ang sakit no'n ah!" angal ko.
"'Wag ka kasing maingay. Baka marinig ka ng parents ni Sophie," mahina niyang sabi habang napapangiti siya.
"E, kasi naman Sir, ano nga pong ginawa n'yo ni ma'am Sophia ro'n sa loob ng kuwarto niya? Madaling araw na ah!"Lumihis ulit siya ng tingin sabay higa niya sa kama at nagtakip pa ng unan sa mukha
"Wala!" maiksi niyang sagot.
"Sir, nakangiti kaya kayo. Ano po ba'ng nangyari? May nangyari nga sa inyo ni ma'am Sophia?"
Nilapitan ko na siya.
"Sinabi ngang wala," pagtatanggi niya.
"Sir, baka naman talagang nag-ano kayo ni ma'am—" Binato niya ako ng unan kaya na sapul tuloy ako.
"Hay! Jake, ang kulit mo. Sinabi ngang wala. 'Wag ka ngang maingay riyan at baka marinig ka ng parents ni Sophie."Napapangiti talaga siya. Nagsisinungaling 'yan si Sir.
"Sir, mukhang nakascore kayo 'no?"
Pinanlakihan niya ako ng mata sabay batok ulit niya sa akin nang tuksuhin ko siya.
"Tumigil ka nga."Natatawa siya na hindi mapakali. Pero palakas nang palakas 'yong batok niya sa akin nahahalata ko na.
"Sir, kilala ko kaya kayo." Tinutukso ko ulit siya.Lumayo na ako sa kanya ng kaonti baka kasi batukan na naman niya ako.
"Pambihira ka talaga, Jake."
Pinanlakihan niya ulit ako ng mata pero napapangiti naman siya.
"Sir, 'wag n'yo sabihing na-iinlove na kayo niyan kay ma'am Sophia?" Sinusubukan ko siyang hulihin. "Tama ba ako, Sir?" sabi ko pa nang bigla siyang umiling."Humahanga lang ako sa kagandahan niya."
"Sus! Sir, parang gano'n na rin naman 'yon. Ayaw n'yo pa kasi umamin."
"Tigilan mo na nga iyang pang-aasar mo sa akin. Pero may good news ako sa'yo. Tinanggap na niya 'yong proposal ko."
Napanganga na lang ako nang sabihin niya 'yon. "T-Talaga Sir? Tinanggap na ni ma'am Sophia 'yong proposal n'yo? Ibig sabihin..."
Nagulat ako sa ibinalita niya. Yes! I love you na talaga Cassie!
"Oo, at matutulungan na niya 'yong kompanya ko. Success tayo, Jake!" Tinapik niya ako sa balikat ko habang nagkakangitian kaming dalawa.
"Ayos 'yon, Sir!" Tumango-tango siya habang nakangiti.
Bukas na bukas idi-date kita Cassie. Hintayin mo lang din ang moves ko, mas malupit pa kay sir Zyren.
Muli kong binalikan ng tingin si Sir. "Sir, baka naman kaya n'yo napapayag si ma'am Sophia kasi nag-ano talaga kayo—ouch!"Napahawak ulit ako sa ulo ko nang muli niya akong batukan.
"Matulog ka na. Tigilan mo na ang pang-aasar sa akin."
Sinundan ko siya ng tingin nang humiga siya sa kama. Nakangiti niyang ipinikit ang mga mata niya.Sa tingin ko talaga may nangyari sa kanila ro'n ni ma'am Sophia sa loob ng kuwarto. Napalambot niya kasi ang matigas na puso ni ma'am Sophia, e.
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...