Kabanata 7

4.2K 141 50
                                    

Kabanata 7

Ehdrey's Point of View

Agad na umalis sa ibabaw ko si Zyren para kuhain 'yong cell phone ko kaya kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit tumatawag sa akin si Darren ng ganitong oras.

Nate-tense ako habang papalapit siyang makuha 'yon. Bigla niya itong sinagot kaya napaupo na ako.

"Hello, dre?" aniya. Hindi ko alam kung ano 'yong pinag-uusapan nila.

"Gano'n ba? Sige. Oo, nandito siya. Okay. Ibibigay ko na 'to, dre." Inaabot niya sa akin 'yong cell phone ko.

"May ibibigay daw siya sa 'yong bagong client na gustong om-order do'n sa pinakamabenta ninyong bag," hayag niya kaya napatango nalang ako ng sapilitan.

Nang makuha ko naman 'yong cell phone ko bahagya akong lumayo sa kanya. Sa tabi ng bintana ko kakausapin si Darren na sakto namang lumabas ng kuwarto si Zyren at sumenyas siyang kukuha lamang daw siya ng tubig.

Nang makita kong maisara niya 'yong pintuan dito na ako nakahinga ng maluwag.

"Hon, ano ba? 'Di ba ang sabi ko 'wag kang tatawag ng ganitong oras? Ano ba'ng gusto mong sabihin, ha?" Nainis ako sa kanya.

"Hon, gusto ko lang sabihin na aalis tayo bukas. Samahan mo ako, 'yon lang," sabi niya sa kabilang linya.

"S-Saan? Saan naman tayo pupunta?"

"Bye! I love you!" Ibinaba na niya 'yong call kaya napapikit nalang ako sabay buntong hininga.

"Babe, okay ka lang?" tanong ni Zyren pagkapasok na pagkapasok niya rito.

Mabuti nalang at ibinaba agad ni Darren ang call niya.

"Ha? Ah, oo, okay lang ako, Babe." Nginitian ko siya at hindi nagpahalata.

Tapos napatingin ako sa kanya nang muli niyang hinawakan 'yong dalawa kong kamay. Kinuha niya muna 'yong cell phone ko at nilagay niya 'yon sa mesa.

Muli niya akong hinagkan at unti-unti dinala na naman niya ako sa kama.

Nang bigla nalang pumasok sa isip ko si Darren lalo na 'yong mga ginagawa naming kataksilan kaya nahawi ko si Zyren na labis niyang pinagtaka.

"Why?" tanong naman niya nang bigla na namang bumalik sa isipan ko si Darren nang minsan niya ring sambihin sa akin ang salitang why nung tumugon ako sa mapangahas niyang paghalik sa akin noon.

"Ah, kasi Babe, m-meron kasi ako ngayon, e," pagsisinungaling ko.

"Pambihira!" sambit naman niya habang natatawa. Nakatingin lang ako sa kanya. "Akala ko makakascore ako ngayon."

Akala ko magagalit siya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ah, ayon 'yong gusto kong sabihin sa 'yo kanina pa, Babe. P-Pasensiya ka na." Nahihiya akong tumingin sa kanya.

"Kawawa naman pala ako ngayon. Kailangan kong magtiis," sabi pa niya kaya natawa ako.

"Babe, ang cute mong magtampo." Pinisil ko ang magkabila niyang pisnge. "Four days lang naman 'to, Babe."

Tumango-tango siya. Niyakap niya ako ngayon. "Okay lang, Babe. Next time nalang natin bubuuin si baby," nakangiti niyang sabi.

Agad ko rin naman siyang nginitian pero may halong pagkaguilty sa sarili ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako palaging makakalusot sa mga ganitong sitwasyon pero bahala na. Niyakap ko nalang siya pabalik.

I'm sorry babe na sabi ko nalang sa isipan ko. Tinulog ko nalang 'yong nararamdaman ko.



*****

Kinaumagahan...

Zyren's Point of View

Nang makapasok ako rito sa loob ng kompanya ko panay bati sa akin ng mga tauhan ko at tumatango lang ako.

Nasa likuran ko si Jake, ang assistant ko habang tinutungo namin ang office ko.

"Sir, I have good news for you," sabi niya nang makapasok kami rito sa loob.

Inilapag ko na muna ang bag ko sabay naupo ako sa swivel chair ko. Tinignan ko siya. "What is it?"

"Mayroon po akong kaibigan sa Australia. Assistant po siya ng new C.E.O roon na maaaring makatulong sa problema natin dito sa kompanya n'yo."

"T-Talaga?" Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob sa sinabi niya. Bigla tuloy akong na-excite.

"Yes, Sir. Halos iisa lang ang mga products na itinatakbo ng kompanya n'yo. Kung makikipag negotiate po kayo sa bagong C.E.O na 'yon, maaaring makahiram tayo sa kanya ng ilang nasirang products natin rito para hindi malugi ang negosyo n'yo."

"Sure. Hindi ko palalampasin 'yang pagkakataon na 'yan. Anong pangalan nung new C.E.O na tinutukoy mo?"

"Sophie Zamora po, Sir."

"Sophie Zamora?" agad kong tanong.

Have I heard her name before? sunod ko namang tanong sa isipan ko.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon