(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story
-Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...
Pareho na yata kami ngayon nawawala sa mga sarili namin ni Zyren. Tila hindi na namin alam 'yong ginagawa namin sa ngayon.
Nasa ibabaw ko na siya habang magkahalikan pa rin kaming dalawa rito sa loob ng kuwarto ko, rito sa kama ko.
Napapikit nalang ako habang tumutugon sa mga ginagawa niya. Hindi ako makapalag sa lakas na mayroon siya.
Hindi ko alam kung paano kami napadpad dito at 'yon ang totoo. Hindi ko ma-explain 'yong nararamdaman ko ngayon, baka gano'n din siya. Hindi na namin mapigilan parehong dalawa.
Itutuloy na ba niya talaga 'to? Napahawak ako sa likuran niya. Ramdam ko ang hinahabol niyang hininga habang panay ang tikhim sa labi ko.
Hinubad na rin niya ng mabilis ang damit niya. Tinulungan ko pa nga siya. Hanggang sa bumaba ang mga paghalik niya sa leeg ko. Dinadama ko lang lahat ng 'yon. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang buhok.
Hanggang sa maramdaman kong mabilis niyang nauntuck ang bra ko na mas lalong nagpatindi ng husto sa nararamdaman ko ngayon lalo na nang pabalik-balik na niya ring hinahaplos ang likuran, tiyan, at bewang ko.
Hanggang sa bumalik siya sa labi ko at tinugunan ko 'yon nang hindi ko siya sinasadyang makalmot sa likuran niya dahilan para mapatigil siya. Magkatitigan lang kami ngayong dalawa.
"M-Masakit ba? Hindi ko sinasadya," pag-aalala ko.
Nang bigla siyang pumikit ng mariin. "S*!" anas niya. Tapos nagmadali siyang umalis sa ibabaw ko kaya napaupo na rin ako habang binababa ko 'yong damit ko. Hinahabol ko siya ng tingin ngayon.
Sapo-sapo niya ngayon ang ulo niya. Nakaupo lang siya rito sa kama ko habang nakatalikod sa akin. Mukhang nadismaya yata siya sa ginawa naming dalawa.
"Ahm, Zy," sambit ko sa pangalan niya nang mapansin kong namumula 'yong likuran niya na sa palagay ko ayon 'yong nakalmot ko kanina. "Zy, nakalmot kita sa likuran mo. Lagyan natin ng gam—"
"Miss Sophie, sorry. H-Hindi ko alam kung ano 'yong nagawa ko sa 'yo ngayon," sabi niya nang hindi pa rin ako nililingon at hindi man lang niya nagawang pansinin 'yong sinabi ko.
Guilty siguro siya. Natahimik nalang ako sa sinabi niya sabay buntong hininga. Tumango lang ako.
"Nawala ako sa sarili ko. Hindi ko sinasadya miss Sophie. Patawarin mo sana ako," sincere niyang pagkakasabi dahil halata sa boses niya. Pero nakatalikod pa rin siya sa akin habang hindi pa rin niya akong magawang tignan. Nag-aalala siguro siya ng husto.
"Zy, wala ka namang kasalanan. Ginusto ko rin naman 'yon kaya ahm... a-ako siguro 'yong dapat na humingi sa 'yo ng sorry. 'Wag mo nang sisihin ang sarili mo," napayuko kong sabi habang hinila ko ang kumot at binalot ko 'yon sa sarili ko.
Nang bigla siyang humarap sa akin kaya napatitig na rin ako sa kanya. Magkatitigan lang kami ngayong dalawa.
"W-Wala namang nangyari hindi ba? M-Muntikan lang kaya 'wag ka nang maguilty," dugsong ko pa kaya nilihis ko ang mga tingin ko sa kanya. Nahihiya rin kasi ako sa kanya.
"Bakit ba kasi hindi ka mawala sa isipan ko?" bigla niyang tanong kaya napatingin muli ako sa kanya. "Simula nang makita kita hindi ka na mawala sa isip ko. Minahal ba talaga kita noon? Bakit tayo naghiwalay?"
Dapat ko na ba'ng ipaalam sa kanya ang lahat?
"Naghiwalay lang naman tayo Zy nung pinagtabuyan mo ako isang taon na ang makalipas."
Mabilis nangilid ang mga luha ko habang magkatitigan kaming dalawa. Feeling ko kasi ngayon babalikan ko na naman 'yong mga masasakit noon na nangyari sa aming apat nina Ehdrey, Darren, ako, at siya.
Alam ko naman sa sarili kong hindi pa ako handang balikan ang mga alaalang 'yon. Natatakot pa rin ako hanggang ngayon. Sobrang sakit ng idinulot sa akin ng pangyayaring 'yon kaya siguro nagiging emosyonal pa rin talaga ako kapag napag-uusapan ang tungkol do'n
Lalo pa't si Zyren ang kasama ko ngayon, mas masasaktan talaga ako. Natatakot ulit akong ipagtabuyan niya ako sa pangalawang pagkakataon at isa sa dahilan ko 'yon.
"Pero asawa ko si Ehdrey paano nangyari 'yon?" Nacurious na siya.
Nagsuot na siya ngayon ng damit niya tapos tumabi siya sa akin at sumandal na rin siya rito sa head board ng kama. May kaonting pagitan sa gitna naming dalawa.
"Di ba sabi ko sa 'yo, mahirap balikan 'yong nakaraan?" turan ko. Napatingin siya sa akin.
"Sorry pero naguguluhan kasi ako. Ang bilis ng pangyayari. Paanong naging tayo kung asawa ko na si Ehdrey nung mga panahon na 'yon? Nung isang taon lang 'yon miss Sophie. Kaya mo ba ako niyakap nung araw na magising ako noon dahil may relasyon tayong dalawa? Pinagtaksilan ba natin ang asawa ko?"
Hindi ko siya sinagot. May point naman siya roon sa nauna niyang sinabi na asawa naman na niya talaga noon si Ehdrey.
Pero paano ko ba sisimulan ang lahat? Natatakot pa rin talaga ako na baka hindi siya maniwala sa akin at ako pa ang lumabas na masama katulad nalang ng tinatanong niya sa akin ngayon.
"Kung ikukuwento ko ba ang lahat sa 'yo paniniwalaan mo ako? Natatakot akong ipagtabuyan mo ulit ako sa pangalawang pagkakataon, Zy. M-Mas maganda siguro kung tanungin mo nalang si Ehdrey."
Nilihis ko ang tingin ko sa kanya.
"Bakit kay Ehdrey pa? Nandito ka naman 'di ba? Isa pa, anong kinalaman ng Best friend ko rito?"
"S-Si Darren?" tanong ko sa kanya tapos tumango siya. "Hindi talaga ikaw ang ex-boyfriend ko Zy kundi si Darren," napayuko kong sabi habang ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
"What?" Gulat na gulat siya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Book 2) Written by MsjovjovdPanda 2017 All Rights Reserved Target readers: R-18