Kabanata 21
Zyren's Point of View
"What?" Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Nagsinungaling siya sa akin.
"Miss Sophie, paano kita paniniwalaan niyan kung sa umpisa pa lang nagsisinungaling ka na sa akin? Akala ko ba ako 'yong ex-boyfriend mo pero bakit si Darren naman ngayon 'yong tinutukoy mo? Ang best friend ko pa?"
"Dahil napamahal tayo sa isa't-isa, Zy," nakayuko niyang sabi kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
Natahimik naman ako nang makita ko iyon. May nagdidikta rin palagi sa akin na punasan ko 'yon dahil parang ayoko rin siyang nakikitang nagkakaganito.Napayuko nalang din ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na hawakan siya dahil baka mamaya matuluyan talagang may mangyari sa aming dalawa. Ayokong tuluyang magkasala.
"S-Sorry..." Ayon nalang ang nasabi ko.Pero ang dami ko pa rin kasing katanungan sa isipan ko na sa palagay ko siya lang ang makakasagot kung totoo ngang nagsasabi siya sa akin ng totoo.
"Away bati ang pagsasama n'yo noon ni Ehdrey. Si Darren naman at ako maglive-in partner na may sarili ring pinoproblema nung mga panahon na 'yon. Ang hindi ko lang nagustuhan kay Ehdrey na sa tuwing nagkakaroon kayo ng problemang dalawa, si Darren ang una niyang nilalapitan. Nadadamay ang relasyon naming dalawa noon ni Darren. Nung mga panahon na 'yon, busy ang iba pa nating mga kaibigan na sina Ezikiel at Jamie, si Ozu at ang best friend kong si Crystal dahilan para sa tuwing may pangyayari sa ating apat, tayo-tayo rin ang unang nagtutulungan sa isa't-isa."Kilala niya ang mga king? Best friend siya ni Crystal? At live in partner silang dalawa ni Darren?
Curios lang akong nakatingin sa kanya ngayon habang naghihintay sa susunod pa niyang ikukuwento.
"At nagsimula tayong lahat sa selos. Madalas tayong magselos noon sa kanilang dalawa. Si Darren kasi naging malapit siya ng husto kay Ehdrey, sa asawa mo. Simula nang maging malapit sila sa isa't-isa palihim na ako noong nagseselos na hindi ko alam gano'n ka rin pala. Pareho pala tayo ng pakiramdam, parehong-pareho pala tayo ng nararamdaman. Tinatago lang natin ang sakit sa kanila kasi ayaw nating masira 'yong pagkakaibigan natin. Iniiyakan lang natin ang isa't-isa. Umiinom lang tayo noon palagi sa Bar."
Muling tumulo ang mga luha niya kaya naitikom ko ang kamao ko.
"Lalo na nung kinuha pa ni Darren ang asawa mo na maging secretary niya noon sa Kang Tower nina Ozu, roon nagsimula ang lahat. Nawalan ng time sa akin noon si Darren gano'n din sa 'yo noon si Ehdrey. Simula no'n, ikaw na 'yong nagpupunan ng mga pagkukulang ni Darren sa akin. Ikaw na 'yong palaging naghahatid at sundo sa akin sa trabaho ko na dati siya ang gumagawa. Madalas tayo noong kumakaing dalawa sa labas na kahit malayo ang trabaho natin sa isa't-isa naging posible ang lahat. Halos araw-araw ikaw ang nagpapasaya sa akin noon, Zy."
Napangiti siya habang nagpupunas ng luha niya. Hindi lang ako makapaniwala sa mga kinukuwento niya.
"Alam mo ba kung paano naman tayo noon unang napalapit sa isa't-isa?" tanong niya nang muli niya akong lingunin pero umiling lang ako habang pinagmamasdan ko pa rin ang mukha niya. "dahil sa chocolate."Bigla akong napaisip matapos niyang sabihin 'yon samantala siya napangiti.
"Chocolate?" ulit ko. Tapos napatitig ako sa mga mata niya.
A-Ang boses na 'yon... Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. 'Yong boses niya...
"Isang araw nang aksidente kitang nakita noon sa isang palengke nagtaka ako kung bakit nando'n ang isang tulad mo sa klase ng lugar na 'yon. Nilapitan kita. Tinawanan kita. At inasar pa kita noon dahil alam mo kung ano ang dahilan?"Umiling lang ako.
"Dahil nalaman ko na pinapabili ka pala nung mga oras na 'yon ni Ehdrey nang kung ano-ano niyang mga pinaglilihian dahil nagbubuntis siya nung mga panahon na 'yon. Napabilib mo nga ako noon dahil tiniis mo ang amoy ng palengke para lang mabili mo no'n ang mga gusto niya."
S-Si Ehdrey nagbuntis?
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...