Kabanata 6
"Babe, tama na!" sigaw ko sabay bangon.
"Hon?" Nang mapabalikwas din ng bangon si Darren kaya agad akong napayakap sa kanya.
"A-Akala ko totoo na," turan ko sabay iyak.
"Nanaginip ka?" tanong niya sa akin kaya tumango ako."Kung masama man 'yan, hinding-hindi mangyayari 'yon kaya tahan na. 'Wag ka nang umiyak, Hon." Hinaplos niya ang buhok ko sabay halik sa ulunan ko.
Nang kumalas naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya pinunasan niya ang mga luha ko."Ano ba ang napanaginipan mo?" mahinahon niyang tanong sa akin.
"K-Kasi pumasok daw dito si Zyren tapos nakita niya tayong magkatabi dito tapos bigla ka nalang niyang sinuntok," kuwento ko habang may kaba sa dibdib ko.
Pero umiling siya. "Hon, nakaraan na 'yon. Nakita naman niya talaga tayong magkatabi sa iisang kama dati 'di ba? Sa kama n'yo. Pero isang taon na ang nakakalipas kaya tahan na, ha?"
Tumango lang ako matapos niyang sabihin 'yon tapos muli akong yumakap sa kanya at hinigpitan ko 'yon.Sa ngayon, nawala 'yong pangamba ko dahil sa pagcomfort niya sa akin.
Aaminin kong napapamahal na ako ngayon kay Darren lalo na kapag ganitong nakakasama ko siya.Pero ang hindi ko maintindihan ay kapag kasama ko rin si Zyren, mahal ko rin siya. Nahahati ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa.
Bumitiw siya sa pagyakap sa akin. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango agad ako. Nginitian ko siya. "I love you, Hon," malambing niyang pagkakasabi kaya hinalikan ko siya sa labi niya.
"I love you too, Hon." Muli ko siyang niyakap.
"Hon, puwede ba'ng 'wag ka nalang umuwi sa inyo? Dito ka nalang sa akin please?" bigla niyang pagmamakaawa kaya dahan-dahan ko siyang binitiwan."Hon, lagi nalang akong malungkot dito. Mag-isa lang ako palagi tuwing gabi. Hanggang kailan natin 'to itatago kay Zyren? Gusto na kitang makasama," sabi pa niya kaya lumihis ako ng tingin sa kanya.
Ramdam ko naman ang kalungkutan niya rito kapag mag-isa lang siya pero hindi talaga puwede.
"Hon, alam mong hindi puwede 'di ba?" Malungkot siyang yumuko."Hon, please, 'wag ka nang malungkot. Kahit hindi naman tayo magkatabing matulog sa gabi nandito naman ako sa 'yo buong maghapon 'di ba?"
Iniangat ko ang ulo niya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge."Tumingin ka sa akin, Hon," ani ko pero nananatili lang siyang nakayuko. "Hon, gagawin ko ang lahat ng gusto mo pero 'wag lang 'yong bagay na 'yon please?"
Hindi niya ako tinitignan. Malungkot talaga siya. "Kailangan ko nang umalis. Baka hanapin na ako ni Zyren," mahinahon kong pagpapaalam sa kanya.
Tatayo na sana ako sa kama pero bigla niya ulit akong hinila. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya hinayaan ko nalang muna siya.Sa tingin ko gusto pa niya akong makasama ng ilan pang minuto kaya pinagbigyan ko pa siya.
Pero matapos no'n umalis na rin talaga ako ng tuluyan. Kahit ayaw ko siyang iwanan pero kailangan.
*****
Zyren's Point of ViewNapahilamos ako ngayon sa palad ko matapos ibalita sa akin kanina ni Jake, ang assistant ko na may problema pala kami rito ngayon sa kompanya.
Kung hihingi ako ng tulong sa mga king nagawa ko na 'yon dati. Ayoko namang mawili ang sarili ko na hihingi nalang ako palagi ng tulong sa mga kaibigan ko lalong-lalo na kay Ozu.
"Anong gagawin ko? Sinong puwedeng tumulong sa akin ngayon?" tanong ko sa sarili ko.
Nagpapabalik-balik ako ngayon sa paglalakad.Kailangan kong gumawa ng paraan dahil hindi puwedeng malugi ang negosyo ko. Kailangan kong mabigyan ng magandang future si Ehdrey at ang mga magiging anak namin pagnagkataon.
Napabuntong hininga ako.
Naisipan ko na lamang umuwi para sana makapag pahinga pero hindi nga pala ako puwedeng magpahinga, dahil kailangan kong gamitin lahat ng mga connections ko para may makatulong sa papalugi kong negosyo.
*****
Nadatnan kong nagluluto si Ehdrey pagkauwi ko sa bahay kaya hinalikan ko nalang siya matapos ay nagbihis na agad ako at humarap sa laptop.Naupo ako sa sofa sa sala. Lahat ng mga kakilala ko nilapitan ko. Inalok ko sila na makipag negotiate sa akin pero no result pa sa ngayon. Kailangan ko pang maghintay dahil hindi 'yon gano'n kadali.
"Babe, ayos ka lang ba?" tanong ni Ehdrey sa akin nang lapitan niya ako.Tumabi siya sa akin kaya sinarado ko naman agad 'yong laptop ko para hindi niya makita ang ginagawa ko.
"Yeah! Of course, Babe. Nga pala, kumusta ka sa trabaho mo? Hindi ka ba napapagod do'n?" Iniba ko agad ang usapan."Ha?" Nang bigla siyang mapaisip. "Ah, oo naman, Babe." Nginitian niya ako at yumakap siya sa akin.
"I love you, Babe. Makita lang kita nawawala na agad 'yong problema ko," hayag ko matapos ay niyakap ko rin siya.
"Thank you Babe sa pagmamahal mo. Mahal din kita. Gusto mo ba'ng kumain na tayo?" anyaya niya.
"No. Gusto ko lang muna maglambing sa 'yo. Hayaan mo lang na ganito tayo."Hinalik-halikan ko siya sa mukha niya at sa bawat paghalik ko no'n may katumbas na salitang mahal kita kaya napapangiti siya.
Makalipas ang ilan pang oras, nandito na kami ngayon sa kuwarto namin, nakahiga sa kama at handa nang matulog pero I want to make intercourse with her ngayong gabi nang sobrang romantic.Sinimulan ko na ang moves nang umpisahan ko siyang halikan nang dahan-dahan.
"Babe..." malambing kong tinig nang umibabaw na ako sa kanya ngayon. "Gusto ko na sanang magkaanak na tayo," seryoso kong sabi at nilalambing ko na siya.
"P-Pero Babe...""Bakit, Babe?" Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya ngayon habang nasa ibabaw pa rin niya ako.
"Ahm, k-kasi.""Kasi?"
Naghihintay lang ako sa sasabihin niya nang biglang tumunog 'yong cell phone niya kaya pareho kaming napatingin sa magkatabi naming cell phone na nasa ibabaw ng mesa.
"Tumatawag sa 'yo si Darren?" Natanaw ko iyon dahil nasa ibabaw niya ako.
"H-Ha?" gulat siyang napatitig sa akin ngayon.
(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...