Kabanata 22

3.5K 125 2
                                    

Kabanata 22


Sophia's Point of View

"Nito lang nakita ko silang dalawa na magkayakap," nakayuko niyang sabi samantala napabitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

"A-Anong sinabi mo?" Nakatitig lang ako sa kanya. Nagulat ako sa binunyag niya.

"Nakita ko silang dalawa na magkayakap pero inisip ko naman kasing close lang silang dalawa at may maganda sigurong nangyari kaya napayakap sila sa isa't-isa. Ugali naman ni Ehdrey 'yon. Isa pa, tinutulungan ni Darren si Ehdrey sa bago niyang trabaho kaya wala naman sigurong dahilan para magselos ako."

Napaisip ako sa sinabi niya. Seriously? Magkayakap silang dalawa?

"Miss Sophie?" tawag niya sa pangalan ko kaya natauhan ako. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Ah, sorry," sambit ko. Pero hindi kasi talaga mawala sa isipan ko 'yong sinabi niya. Napapaisip tuloy ako.

"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko lahat ng mga sinabi mo," seryoso niyang sabi sa akin kaya napabalik ako ng tingin sa kanya matapos ay bigla akong umiling.

"Kagaya ng sinabi ko Zy, hindi ko pipiliting maniwala ka sa akin. Pero nang hihingi ako ng tawad sa 'yo kung nagsinungaling akong sinabi kong ikaw ang ex-boyfriend ko. Matapos kasi ng lahat ng pangyayari sa ating lahat kinalimutan ko na si Darren sa puso ko."

Napayuko ako bigla. "At pinalitan mo 'yon dito." Tinuro ko ang puso ko habang nananatiling nakatingin sa baba. "At hanggang ngayon, hindi pa rin kita makalimutan."

Naglakas loob na akong tumigin sa kanya matapos kong sabihin 'yon.

"P-Pero 'wag kang mag-alala, nag mo-move on naman na ako k-kaso... ano... kasi... nagpakita ka kasi ulit sa akin kaya ahm..." pahina nang pahina kong sabi habang napayuko nalang ulit ako.

Nagco-confess ba ako sa kanya? Ang hirap ng ganito.

Ilang segundo pa, lilingunin ko na ulit sana siya nang bigla naman niyang nilapit 'yong mukha niya sa mukha ko kaya napalunok ako. Kinabahan rin ako.

May binabalak ba ulit siyang gawin sa akin? Napalihis nalang ako ng tingin habang magkalapit pa rin 'yong mukha naming dalawa.

"Seryoso ka?" aniya kaya napakagat ako ng bahagya sa ibabang bahagi ng labi ko.

"Ha? S-Seryoso saan?" Ang lapit talaga ng mukha niya. Halos ramdam ko na ang hininga niya.

"Mahal mo pa rin ako?" Hindi ako nagdalawang isip na hindi tumango pero nakatingin naman ako sa baba.

Sa tingin ko mahihirapan akong makipag-usap sa kanya nang malapitan dahil sa nangyari sa amin kanina. Mukha ngang napako na yata ako sa kinauupuan ko ngayon. Napalunok pa nga ulit ako.

Nang maramdaman kong bigla niya akong niyakap na siya kong kinagulat. "Z-Zy!" sambit ko sa pangalan niya habang palakas nang palakas 'yong kaba sa dibdib ko.

Ipinasok niya ang dalawa niyang kamay sa loob ng damit ko tapos naramdaman kong hinila niya 'yong magkabilang strap ng bra ko. Kinakabit niya ito ngayon kaya parang may kuryenteng kung anong dumadaloy ngayon sa katawan ko.

"Okay na," nakangiti niyang sabi sabay bitaw sa akin habang nagtataka naman akong nakatitig sa kanya.

"H-Ha?" sambit ko. Sabi ko nga siya ang nag-ayos ng bra ko. Nakakahiya. Nilihis ko nalang ulit 'yong tingin ko sa kanya.

Ang awkward na naman ng feeling naming dalawa. Tahimik na ulit siya habang nakalihis din ng tingin sa akin.

Ano nang sunod na mangyayari ngayon? Napapapikit nalang ako. Wala akong masabi. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Nang bigla siyang tumayo. Mukhang lalabas na yata siya ng kuwarto.

"S-Sandali. Saan ka pupunta?" Pero pinigilan ko siya kaya muli niya akong binalikan ng tingin. Nagkatinginan tuloy ulit kaming dalawa.

"Bakit? May dapat pa ba akong gawin dito?" Napalihis nalang ako ng tingin nang 'yon ang isagot niya. Oo nga naman. May dapat pa ba siyang gawin dito? Pero gusto ko pa sana kasi siyang makasama. Hindi ko lang masabi sa kanya. Umiling nalang ako.

Please! 'Wag mo muna akong iwan. Gusto pa kitang makasama, Zy.

"Ha? Gusto mo pa akong makasama? Sa ano namang dahilan?" Bigla niyang sabi kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Ha?" Ito nalang din 'yong nasabi ko.

Sa isip ko lang naman 'yon sinabi ah? Napalakas ba 'yong sinabi ko? Seryoso? Sinabi ko ba talaga sa kanya 'yon?

"May gusto ka pa ba nating pag-usapan?" aniya kaya muli siyang tumabi sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya ngayon. May dapat pa nga ba kaming pag-usapang dalawa?

Ang gusto ko lang talaga 'yong makasama ko pa ulit siya kahit ilang minuto. Alam kong nakatitig siya sa akin ngayon. Hinihintay niya yata 'yong sunod kong sasabihin.

"Ah, s-sige, tinatanggap ko na 'yong propasal mo." Nagulat siya sa sinabi ko.

Sa tingin ko wala nang dahilan pa para hindi ko siya tulungan. Nasabi ko naman na lahat sa kanya kaya wala na akong maitatago pa.

Pero nagulat ako nang bigla niyang akong hilahin at yakapin kaya mas lalong lumakas 'yong kaba sa dibdib ko ngayon.

"S-Salamat miss Sophie. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon," seryoso niyang sabi kaya napalalim ako ng hininga sabay tumango ako at napangiti.

"Wala 'yon. 'Di ba gano'n naman ang magkakaibigan nagtutulungan?" Hinimas ko ang likuran niya.

Maya-maya pa nagbitaw na kami sa pagkakayakap. Magkatinginan na ulit kaming dalawa.

"Pero mayroon lang sana akong isang hiling sa 'yo," turan ko.

"Yeah, sure. Sabihin mo lang kahit ano miss Sophie." Nag-aabang siya sa sabihin ko kaya ngumiti ako.

"Sophie nalang ang itawag mo sa akin." Inabot ko ang kanan kong kamay sa kanya. Nakikipagkamay ako sa kanya. "Okay ba 'yon?" dugsong ko pa. Nakangiti lang ako sa kanya ngayon.

Hindi rin naman siya nagdalawang isip na hindi makipagkamay sa akin kaya muli kaming naghawak kamay. Sumang-ayon siya sa sinabi ko habang magkangitian kami sa isa't-isa.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon