(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story
-Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...
After few days has passed nakangiti ako ngayon habang bitbit ang mga pasalubong kong chocolates and bouquet of flowers para kay Ehdrey.
Sigurado akong kapag nakita niya ang mga ito matutuwa siya.
"Babe, I'm back!" galak kong pagkakasabi nang makapasok sa loob ng bahay namin.
Inilagay ko ang mga bitbit kong pasalubong sa lamesa.
Hinanap ko siya sa kusina maging sa kuwarto namin pero hindi ko siya makita. Wala siya rito sa bahay kaya kinuha ko ang cell phone ko. I just want to make sure if she's okay or where she is.
Ehdrey's Point of View
"D-Darren, please tama na. Uuwi na ako baka kasi nando'n na si Zyren sa bahay namin. Baka hinahanap na niya ako," pagmamakaawa ko sa kanya nang bumaba na ang mga paghalik niya sa leeg ko.
Hindi ko sukat akalain na sa muling pagbisita ko sa kanya rito, mas lalala pa pala ang sitwasyon naming dalawa.
"Please... Darren..." Hindi niya talaga ako binibitiwan.
Nang biglang tumunog ang cell phone ko kaya napahinto siya.
"S-Si Zyren 'yon!" sambit ko. Nagkatitigan kaming dalawa. "Please, sasagutin ko lang. Bitiwan mo muna ako," muli kong pagmamakaawa kaya umalis na siya sa ibabaw ko.
Umayos ako ng upo. Inayos ko muna ang sarili ko bago sinagot 'yong call.
"H-Hi! Babe!" masaya kong bati sa kanya.
Hindi ko pinahalata sa boses ko na may nangyayaring kung ano man ngayon sa amin dito ni Darren.
"Nasaan ka? Nag-aalala na ako sa 'yo," sabi niya sa kabilang linya. Halatang-halata nga na nag-aalala na siya sa akin sa boses pa lang.
"Ah, kasi Babe, medyo mapapagabi ako ngayon ng uwi dahil wala pa 'yong client namin. Trinaffic daw siya pero I'm sure maya-maya darating na 'yon kaya uuwi agad ako pagkatapos nito. I'm sorry," pagsisinungaling ko.
"Is that so? Gusto mo ba'ng sunduin kita riyan ngayon sa trabaho mo?"
"No!" bulalas ko. "No, Babe. I'm okay, uuwi rin naman agad ako. Oh! N-Nandito na pala 'yong client namin. Mamaya nalang Babe, ha? I'll call you again. Sandali lang 'to. Bye! I love you!"
Mabilis kong binaba ang call sabay napabuntong hininga ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko.
"Ako ba 'yong client na tinutukoy mo?" sabi ni Darren kaya napatingin ako sa kanya. Napapailing siya habang natatawa.
Sa totoo lang hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Nagsinungaling ako kay Zyren. Sinabi ko sa kanyang may nag-alok sa akin ng trabaho bilang bag seller, 'yong mga branded bags na pambabae kaya pinayagan naman niya ako.
Pero ang totoo niyan, nasa bahay lang ako ni Darren. Pinagsisilbihan ko siya maghapon at gano'n ang araw-araw kong ginagawa rito. Minsan ginagabi na rin ako ng uwi dahil halos ayaw na niya akong paalisin dito katulad nalang ngayon.
"Uuwi na ako." Tumayo na ako pero mabilis niya rin akong nahawakan. Sapilitan na naman niya akong hiniga sa kama.
"Hindi pa tayo tapos," sabi niya matapos ay muli na naman niyang pinilit ang gusto niya.
"Darren, please, pauwiin mo na ako," pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinapansin.
Patuloy pa rin siya sa ginagawa niyang pagpapak sa katawan ko.
Napaluha nalang ako nang wala na akong magawa.
I'm sorry babe na sabi ko nalang sa isipan ko.
Mag-iisang linggo na simula nang magdeal kaming dalawa ni Darren na kahit ayoko, kailangan, dahil nahahati na rin ako sa nararamdaman ko para sa kanilang dalawa ni Zyren.
Napagkasuduan namin na hindi na siya mang babae at ititigil na rin niya ang araw-araw niyang pag-iinom basta ang kapalit no'n, gagawin niya ang gusto niya sa aming dalawa.
Nahihibang na siguro ako dahil pumayag ako sa kagustuhan niya. Pero anong magagawa ko kung ayaw ko rin naman siyang nakikitang napapariwara.
Isang linggo na kaming ganito. Pero mukhang hindi ko na siya mapipigilan ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ba planong lokohin ang asawa ko. Mahal ko si Zyren pero may kakaiba na rin akong nararamdaman para kay Darren.
Kusa nalang bumigay ang katawan ko ngayon nang may kakaibang gawin sa akin si Darren.
Zyren's Point of View
Muli kong tinignan ang relo ko. Sobra na talaga akong nag-aalala ngayon kay Ehdrey. Higit isang oras na kasi simula nang huli ko siyang makausap sa cell phone.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko ngayon.
Sa pag-aalala ko napagpasyahan ko nang lumabas para abangan siya nang makita kong papasok na pala siya rito sa loob.
"Babe!" Hindi ko na napigilan na hindi siya tawagin.
"B-Babe!" sambit niya rin nang makita ako.
Tumakbo siya papalapit sa akin ngayon at niyakap ako.
"Babe, nag-alala ako sa 'yo." Niyakap ko rin siya pabalik. Hinigpitan ko 'yon habang nakapikit ng mga mata.
"I'm sorry Babe kung napag-alala kita."
"Okay lang. Pero sana next time 'wag nang mauulit 'to. Ayokong mapahamak ka riyan sa labas. Kahit hindi ka naman na dapat magtrabaho 'di ba dahil kaya kong ibigay sa 'yo lahat ng mga pangangailangan mo?"
Narinig ko siyang humikbi kaya kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tinignan ko siya.
"Babe, 'wag kang mag-alala, hindi naman ako galit sa 'yo. Bakit umiiyak ka? Tahan na," mahinahon kong sabi sa kanya. "I'm sorry kung may nasabi ako. Sige, kung gusto mo sa trabaho mo okay lang sa akin basta 'wag ka nang umiyak." Pinunasan ko ang luha niya.
Tumango-tango siya. "Akala ko kasi galit ka," humihikbi pa rin niyang sabi.
"No, Babe. Nag-alala lang talaga ako sa 'yo. 'Wag ka nang iiyak ha? Mahal na mahal kita." Tumango-tango siya habang nagpupunas ng luha. "Sige ka, mawawala 'yong pagkamagandang babae mo niyan," pambobola ko kaya napangiti na siya at mahina niya akong hinampas. "Finally, ngumiti na rin ang pinakamaganda kong asawa."
Tumawa na siya nang tumawa matapos kong sabihin 'yon.
"Babe naman e, binobola mo ako. Pumasok na nga tayo sa loob." Nakangiti ko siyang inakbayan habang papasok kami sa loob.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Book 2) Written by MsjovjovdPanda 2017 All Rights Reserved Target readers: R-18