Kabanata 18

3.5K 123 2
                                    

Kabanata 18


Sophia's Point of View

Ang sabi ko kakalimutan ko na siya. Pero ngayong hinagkan niyang muli ang labi ko, pakiramdan ko, bumalik na ulit kaming dalawa sa nakaraan.

Pinilit ko naman siyang kalimutan pero hindi pala kaya ng puso ko. Pero bakit niya ako hinalikan? Naalala na ba niya ako?

Kusa nalang nagbitaw ang mga labi namin ngayon. Magkatitigan lang kaming dalawa. Pero hindi ko na naiwasang hindi siya yakapin habang tumutulo ang luha ko.

I miss you Chocolate! gusto ko nang sabihin ito sa kanya ngayon pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

"Miss Sophie, puwede ka ba'ng magtapat sa akin? Am I your ex-boyfriend?" Sa tinanong niyang 'yon agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya tapos nilihis ko ang tingin ko. Pinunasan ko ang luha ko.

"Ah, h-hindi, naalala lang kita sa kanya. May asawa ka 'di ba? M-Mali 'tong ginagawa natin. I'm very sorry for that mister Do."

Tinalikuran ko na siya. Napalalim nalang ako ng hininga.

Bumalik ako sa upuan ko at madali kong kinuha 'yong bag ko. Kahit nahihilo na ako pinilit ko pa ring tumakbo palabas. Pero hindi ko inaasahan na bigla niya pa rin akong susundan.

"Sandali!" Hingal niya akong pinigilan. Hinawakan niya ako sa kamay ko. Magkaharap kaming dalawa ngayon.

"Zy, tama na! Nasasaktan lang ako. Puwede ba layuan mo nalang ako kung hindi mo naman ako maalala!" Hinablot ko 'yong kamay ko at mabilis ko siyang tinalikuran. Tumakbo ulit ako papalayo sa kanya.

"Miss Sophie! Sandali!" Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na talaga siya nilingon. Basta tumakbo nalang ako nang tumakbo papalayo.

*****

Kinaumagahan, tinatamad akong pumasok. Nandito lang ako sa kama, nakahiga pa rin ako. Isa pa, namamaga 'yong mga mata ko dahil kakaiyak ko kagabi kaya mas lalo akong tinatamad.

Pero baka kasi mahalata ako nila Nanay at Tatay kaya kahit tinatamad ako bumangon pa rin ako. Naligo ako at nagbihis.

Nagsuot ako ng sunglasses at kinuha ko na ang bag ko nang matapos ko ang lahat ng gawain.

Nang sa paglabas ko para sana kumain, nagulat ako nang makita kong nandito si Zyren, Jake, at Cassie, dito mismo sa loob ng bahay namin. Nasa sala sila kausap sina Nanay at Tatay.

"A-Anong ginagawa n'yo rito?" Napakunot-noo ako bigla.

Lahat sila nakatingin sa akin ngayon. Lalo na sina Nanay at Tatay na alam kong may mga katanungan sila sa akin ngayon dahil nalaman na nilang nandito si Zyren.

Napatayo silang lahat habang magkatitigan kaming dalawa ni Zyren.

"Cassie, bakit mo sila dinala rito? Bahay ko na 'to at hindi ko na 'to office!" Napataas na 'yong boses ko.

"Ahm, ma'am Sophie kasi..."

"Ako ang may gustong pumunta rito miss Sophie. 'Wag kang magalit kay Cassie. Gusto lang sana kitang makausap." Pinutol ni Zyren ang sasabihin ni Cassie pero kailangan ko pa ring magmatigas.

"Wala tayong dapat pag-usapan."

Nagsimula na akong tumalikod pero hindi ko inaasahang mabilis niya akong malalapitan.

Nakahawak lang siya ngayon sa kamay ko. Hindi naman ako nagsasalita at hindi ko rin siya hinaharap. Nananatili lang akong nakatalikod sa kanya.

"Please, kahit ilang minuto lang?" pagmamakaawa niya kaya napapikit na ako ng mga mata.

"Di ba sinabi—"

"Naaalala na kita." Agad akong napaharap sa kanya matapos ko 'yong marinig mula sa kanya.

"A-Anong sinabi mo?" Mabilis kong tinanggal 'yong salamin ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. "I-Ikaw na ba 'yan, Zy?"

*****

Napagpasyahan ko na siyang kausapin kaya nandito kami ngayon sa garden.

"Nung makita ko 'yong parents mo naalala kong kayo 'yong nasa bahay namin ni Ehdrey nang magising ako mula sa pagkacomatose, one year ago 'di ba? Pinagtabuyan kita no'n."

Napayuko nalang ako sa kuwento niya. Magkatapat kami ngayon habang nag-uusap.

"Naalala kong ang pangit ng pinakita kong ugali sa 'yo no'n kaya naisip kong baka kaya ka masungit sa akin ngayon nang dahil do'n."

Hindi ko siya magawang tignan. Nananatili lang akong nakayuko.

"Bakit mo ba naman tatanggapin ang proposal ko matapos kitang saktan no'n? Hindi kita masisisi."

Napatango na lang ako pero hindi ko pa rin siya magawang sulyapan.

"Ang sabi sa akin ng parents mo, ikaw daw ang nag-alaga sa akin nung nacomatose ako. Pero nung tinatanong ko na sila kung bakit hindi si Ehdrey ang nag-alaga sa akin at kung bakit ikaw hindi na nila ako sinagot. Puwede ko ba'ng malaman ang dahilan?"

Sa ngayon napatingin na ako sa kanya kaya nagtagpo ang titigan naming dalawa.

"Bakit hindi mo itanong 'yan kay Ehdrey at Darren? Pagkauwi mo sa Pilipinas itanong mo sa kanila baka sakaling ipaalam nila sa 'yo, Zy," straight to the point kong sagot kahit na may kaba sa dibdib ko.

"Bakit si Darren?" curious niyang tanong kaya napalihis na ako ng tingin. "Sino ba 'yong ex mong tinutukoy mo? Ako ba o si Darren?"

"Wag mo nang alamin, Zy. Masasaktan ka lang at ayon ang ayokong mangyari. Please lang umalis ka na." Tumayo na ako pero muli na naman niya akong pinigilan.

"Bakit nung hinalikan kita kagabi parang ginawa na natin 'yon dati? Bakit may mga bagay kang pilit pinapaalala sa akin? Bakit Sophia ang tawag sa 'yo ni Jake? Bakit may mga malabo akong naaalala kapag ikaw ang kasama ko? Ikaw ba 'yong babaeng nasa isipan ko? Sagutin mo naman ako. Nakikiusap ako sa 'yo," sunod-sunod niyang tanong pero hinawi ko 'yong kamay ko. Hinarap ko na siya.

Hindi ko na napigilang hindi manggilid ang mga luha ko.

"Zy, mas gusto kong ako nalang 'yong nasasaktan. Naiintindihan mo ba ako? 'Wag mo nang balikan ang nakaraan natin pakiusap lang."

Nagkatitigan lang kaming dalawa hanggang sa napahawak siya sa ulo niya. Mariin siyang napapikit hanggang sa bumagsak siya sa semento. Gulat na gulat lang akong napatingin sa kanya ngayon.

"Zy!" sigaw ko. Nataranta ko siyang nilapitan.

"Aaah! S*!" Namimilipit na naman siya ngayon sa sakit. "F*! It hurts!" Mas lalong napalakas 'yong sigaw niya.

"Zy!"

A-Anong gagawin ko?

Naulit na naman yata 'yong pagsakit ng ulo niya. Halos iuntog niya ang ulo niya sa semento.

"Aaah! Please, help me!" Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. Napaluha na rin ako.

"Z-Zy!" Sobra na akong natataranta. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Sinasalo ko lang ang ulo niya.

"Sir! Sir Zyren!" Nang bigla kaming puntahan dito ni Jake kasama sina Nanay, Tatay, at Cassie. Narinig siguro nila 'yong malakas na sigaw ni Zyren.

"Anong nangyayari sa kanya?" pagtataka ng mga magulang ko.

"Kailangan po niyang makainom ng gamot!" mabilis na sagot ni Jake.

"Ang mabuti pa dalhin na natin siya sa loob," suhesyon naman ni Tatay kaya pinagtulungan nilang dalawa ni Jake alalayan si Zyren papasok sa loob.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon