Kabanata 33

3.2K 102 13
                                    

Kabanata 33


Darren's Point of View

Habang nagmamaneho ako at tinutungo ang kahabaan ng highway road, nagulat ako nang may babaeng biglang bumaba ng taxi na kahawig na kahawig ni Sophia, kaya hininto ko ang sasakyan ko at sinundan ko 'yon ng tingin.

Nakatayo siya sa tapat ng isang bar at tila pinagmamasdan ang buong kapaligiran kaya bigla akong napaisip. Hindi kasi ako maaaring magkamali na si Sophia nga itong nakikita ko ngayon.

Ipinarada ko ang kotse ko sa parking lot matapos ay nagmadali akong sundan siya nang pumasok siya rito sa loob ng bar.

Kailan pa kaya siya bumalik dito sa Pilipinas? May balak na ba siyang makipagkita sa aming lahat?

Nang bigla nalang akong mapaatras nang makita kong nandito rin si Zyren na nakaupo sa tapat ng bartender na tila nakainom. Nilapitan niya ito. Nakakapagtaka lang na nakipagkita siya rito kay Zyren.

S*! Pero bakit? Kailan pa 'to?

Nagtago ako sa likod nitong haligi. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang tawagin ni Sophia si Zyren na chocolate. Bahagya akong napaiwas ng tingin sa kanila dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Lalo na nang magyakapan pa silang dalawa rito.

Anong ibig sabihin nito? May naaalala na ba si Zyren? T*! Niloloko na niya si Ehdrey.

Napakunot-noo ako at haharapin ko na sana sila nang magulat ako sa sunod kong makita. Magkahalikan na silang dalawa ngayon na labis na nagpatikom sa mga daliri ko.

Nang biglang pumasok sa isipan ko si Ehdrey kaya nagmadali akong pumunta sa bahay nila at iniwanan ko na silang dalawa ro'n.

Mabilis akong narating sa bahay nila. Nagulat ako sa nakita ko dahil naka-kadena 'yong pintuan at gate nila. Nabuksan ko 'yong gate nang pinukpok ko 'yon ng malaking bato.

"Hon?! Hon!" tawag ko kay Ehdrey habang kinakalampag ang pintuan.

Alam kong nandito lang siya. Dapat hindi na ako nagpadala sa pagbabanta sa akin ni Zyren. Kinukulong niya yata rito si Ehdrey samantala siya, nakikipaghalikan lang do'n kay Sophia.

"Ehdrey! Hon!" Malakas ko pa ring kinakalampag 'yong pintuan.

"Hon! Hon, nandito ako sa loob! Please, tulungan mo akong makalabas dito!" sigaw niya ro'n sa loob kaya mabilis akong humanap ng malaking bato.

"Tutulungan kita! 'Wag kang mag-alala. Nandito na ako!" Pilit kong pinukpok nang pinukpok 'yong kadena na siyang nagpatanggal dito. Pawisan kong ibinato 'yon malapit sa gate.

Nang makita ako ni Ehdrey agad niya akong niyakap.

"A-Anong nangyari sa 'yo? Sinasaktan ka ba ni Zyren?" maluha-luha kong tanong dahil sa kakaibang itsura niya. Namumutla siya na para ba'ng 'di nakakatulog ng maayos.

Umiling lang siya habang naiyak. Agad ko naman hinawakan 'yong braso niya nang may makita akong paso ng kung ano rito.

"Anong nanyari rito? Siya ba ang may kagagawan sa 'yo nito?" Halos manginig na rin ako sa galit dahil sa mga nakikita ko.

"Hon, tumakas nalang tayo. Please, itakas mo nalang ako rito. Ayoko na rito!"

Sobra 'yong pagmamakaawa niya sa akin ngayon habang patuloy na umiiyak. Hindi niya rin mapigilan ang pagyakap sa akin kaya mabilis ko siyang itinakas do'n.

Ipinarada ko ang kotse ko sa tabi ng kalsada nang makalayo kami sa bahay nila. Umiiyak pa rin siya sa harapan ko habang nanginginig sa takot.

"Hon, totoo ba talaga 'to? Nandito ka na sa tabi ko? Ikaw na ba talaga 'to, ha? Hindi ba ako nananaginip?"

"Hindi ka nananaginip, Hon. Magtapat ka nga sa akin, sinasaktan ka ba ni Zyren, ha?"

Mabilis siyang umiling. "Kinukulong lang niya ako, Hon. Hindi naman niya ako sinasaktan pero please, ayoko nang bumalik do'n. Nagmamakaawa ako sa 'yo, 'wag mo na akong iiwan."

Pilit ko siyang kinakalma. Takot na takot kasi talaga siya kaya niyakap ko na rin siya.

"Oo, I promise. 'Wag ka nang umiyak. Nandito na ako. Hindi ko hahayaang magkahiwalay pa ulit tayo." Tumango lang siya habang magkatitigan kaming dalawa.

Ipinaliwanag ko na rin sa kanyang pinagbantaan ako ni Zyren na 'wag siyang lapitan kaya hindi na ako nakikipagkita pa sa kanya.

Minabuti kong iuwi si Ehdrey sa bahay ko. Pinagpalit ko siya ng damit ko dahil sa kamamadali namin, wala man lang kaming nakuha na kahit isang gamit niya.

Tinabihan ko siya rito sa kama habang magkayakap kaming dalawa. Pilit ko siyang pinapatulog dahil sa tingin ko pagod na pagod siya, sa itsura palang niya.

Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya ngayon nang ipikit niya ang mga mata niya.

Nang biglang bumalik sa isipan ko 'yong mga nakita ko kanina sa bar, sina Sophia at Zyren. Paanong nangyaring nagkikita na silang dalawa? Nagsinungaling pa siya sa akin na hindi niya kilala si Sophia pero bakit magkahalikan silang dalawa kanina? Napalalim tuloy ako ng hininga.

"Hon, okay ka lang?" tanong sa akin ni Ehdrey nang makita kong gising pa pala siya. Pero mas mabuti nang ilihim ko nalang sa kanya ang tungkol do'n dahil ayokong mag-alala siya. Tumango agad ako. Hinalikan ko nalang siya sa labi niya na agad naman niyang tinugunan.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon