Kabanata 34

3.4K 99 0
                                    

Kabanata 34


Zyren's Point of View

Si Sophie ba talaga 'to? Hindi ko kasi maialis ang mga tingin ko sa kanya kanina pa hanggang ngayon. Nahalikan ko na siya roon sa loob ng bar kanina at nayakap ko pa pero hindi lang talaga ako makapaniwala.

"Zy, baka matunaw ako niyan, ha?" turan niya kaya napalihis ako ng tingin.

Nandito pa rin kami sa loob ng kotse ko. Iniba ko nalang 'yong usapan namin nang pilit niya sa aking tinatanong kanina kung may problema ba ako. Mabuti nalang at natigil na 'yon.

"Hindi naman siguro. Hindi lang kasi ako makapaniwala na umuwi ka ng Pilipinas para lang makita ako. Tapos sasabihin mo pa sa aking mahal mo pa rin ako hanggang ngayon." Napapangiti tuloy ako.

"Ahm, p-pasensya na. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina," nakayuko niyang sabi nang harapin ko naman siya ngayon. "But wait, bakit mo nga pala ako hinalikan kanina, ha? Para saan naman ang 'yon ha, mister Zyren Do?"

Mas napangiti tuloy ako lalo sa inasta niya. "To be honest, hindi ko rin alam. Basta sa tuwing nakikita ko 'yang labi mo parang..." Napalihis ulit ako ng tingin.

"Parang ano, ha?"

"Nevermind."

"Hay! Nambibitin ka naman, e." Hinampas niya ako sa braso ko na siyang lalong nagpatawa sa akin ng palihim.

"O, sige na nga, sasabihin ko na. Basta sa tuwing kasama kita, masaya ako Sophie." Nagkatitigan kami. "Pero alam mo namang may asawa akong tao 'di ba? Hindi ko kayang manloko." Mabilis niyang nilihis ang tingin sa akin at bigla siyang tumahimik matapos kong sabihin 'yon.

Niyaya ko nalang siyang mag-coffee muna kaming dalawa sa labas, pampatanggal na rin ng amats ko at mabuti naman pumayag siya. Kahit na nagbago 'yong pakikitungo niya sa akin dahil sa huling nasabi ko kanina, ako nalang 'yong gumagawa ng paraan para may mapag-usapan kaming dalawa.

Para kasi siyang nawalan ng mood tapos tumamlay pa. 'Yong parang nangyari sa amin do'n sa Australia, bigla nalang niya akong hindi kinausap. Pero mabuti nalang at nagpakita pa rin siya sa akin dito sa Pilipinas, dahil kasi sa kanya, nawala 'yong bigat nang nararamdaman ko kaninang umaga.

Mabilis na tumakbo 'yong oras. Hindi ko namalayan na maghapon na pala kaming dalawa magkasama kaya naisipan ko na siyang ihatid sa hotel na tinutuluyan nila ni Cassie, lalo na at gumagabi na rin.

Inihinto ko ang sasakyan dito sa isang tabi. "Sandali, Sophie." Pinigilan ko siya. Bababa na kasi sana siya pero hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Zy, bukas nalang. Wala na talaga ako sa mood." Hinawi niya 'yong kamay ko at magtatangka ulit sanang bumaba pero pinigilan ko ulit siya.

"Zy..." sambit niya nang lingunin niya ako. Pero halata ang pagkairita niya kaya niyakap ko nalang siya. Ramdam ko 'yong paglalim niya ng hininga.

"Zy, 'wag kang mag-alala. Naiintindihan ko namang wala ka pang maalala. But don't worry, hindi naman ako galit, pero kasi aaminin kong nasasaktan ako sa tuwing sasabihin mo sa akin 'yon."

Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan ko siya. Nakayuko lang siya ngayon at hindi na umimik pa kaya muli kong hinawakan ang magkabila niyang pisnge. Nagkatitigan kaming dalawa. Baka sakaling mawala ang pagkainis niya sa akin kung hahalikan ko siya kaya ginawa ko na.

Dahan-dahan kong dinama ang labi niya nang maramdaman kong tumutugon na rin naman siya kaya tinagalan ko 'yon. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko siya. Lalo na nang una kaming magkita ro'n sa Australia. Doon pa lang hinangaan ko na talaga siya. I don't know why.

Siguro ilang segundo rin namin 'yong ginawa. Tapos no'n nakita ko na ulit 'yong mga ngiti niya matapos kong bitiwan ang labi niya kaya muli ko siyang niyakap. Hinigpitan ko 'yon. Pinikit ko ang mga mata ko. Dinama ko ang mga sandaling ito. Naramdaman ko rin 'yong pagyakap niya sa akin pabalik kaya hinayaan ko lang siya. Hanggang sa bitiwan ko na siya dahil sa palagay ko, hindi na siya galit sa akin. Nagkangitian kaming dalawa.

"Thank you, Zy," aniya kaya umiling lang ako.

"Hindi ka na ba niyan galit sa akin?" maamo kong pagkakasabi sa kanya na siya niyang kinangiti.

"Oo. Oh, siya, sige na, magkita ulit tayo bukas, ha?" Sa tingin ko naging okay na nga siya kaya tumango agad ako. "Bye!" pagpapaalam niya kaya ngumiti lang ako. Tapos no'n pinaandar ko na 'yong kotse ko papalayo.





Sophia's Point of View

Napalalim ako ng hininga sabay ngiti. Pinagmamasdan ko lang ngayon 'yong kotse ni Zyren papalayo sa akin.

Naiintindihan ko naman talaga ang sitwasyon niya. Handa rin naman akong maghintay hanggang sa bumalik 'yong alaala niya.

Siguro, sa ngayon, okay na sa akin 'yong ganito kami. At least, nagkakasama pa rin kaming dalawa.

"Sophia?" Bigla akong napalingon sa likuran ko nang marinig kong may tumawag sa totoo kong pangalan. Lalo na at pamilyar sa akin ang boses niya.

"Crystal?" ani ko. Kasama pa niya si Jamie kaya nagtaka ako.

Anong ginagawa nila rito?

"My gosh! Sa tingin ko, malinaw na ang lahat sa akin ngayon, 'yong mga nakita ko kaninang umaga." Nagtataka ako nang sabihin ito ni Jamie sa harapan ko.

Anong ibig niyang sabihin do'n?

Agad naman akong niyakap ni Crystal nang lapitan niya ako. "Sophia, ikaw nga!" sabik niyang sabi kaya niyakap ko na rin siya. Sa tagal naming hindi nagkita, namiss ko na rin talaga itong best friend kong si Crystal.

"Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa inyo." Matapos kong yakapin si Crystal niyakap ko na rin si Bestie Jamie.

"Pero Sophia, hindi ba kami nagkakamali sa nakita namin? Kotse ni Zyren 'yon 'di ba? Nagkikita na ulit kayong dalawa? May naaalala na ba siya?" sunod-sunod nilang tanong pero ngumiti nalang ako.

"Wait, doon tayo sa restaurant mag-usap-usap," suhesyon ni Crystal kaya nilakad namin itong tabi lang ng Hotel. Magkakatapat kami ngayon sa isang lamesa.

"Ibig sabihin ba nito nakakaalala na si Zyren? Naalala ka na niya?" curios na tanong ni Jamie at kita ko naman ang pagkasabik nilang dalawa na may malaman mula sa akin.

Pero umiling lang ako. Kinuwento ko sa kanila 'yong tungkol sa aksidente naming pagkikita ni Zyren do'n sa Sydney Australia. Sinabi kong hindi pa rin ako nito maalala pero pinaalam ko na ang lahat tungkol sa nangyari sa amin noon nina Darren, Ehdrey, ako, at siya, kahit hirap na hirap ako nitong paniwalaan.

Pati 'yong kadalasang sinasakitan si Zyren do'n ng ulo, lalo na nang makita ako nito, sinabi ko na rin sa kanila. Gano'n din 'yong mga nasirang produkto ng kompanya ni Zyren at 'di ko expected na siya 'yong tutulungan ko, at 'di niya rin expected na ako 'yong madadatnan ni Zyren na C.E.O ro'n, sinabi ko na rin sa kanila.

Except lang 'yong muntikan nang may mangyari sa aming dalawa ni Zyren do'n, nilihim ko sa kanila 'yon. Hanggang 'yong kaninang pagkikita namin sa bar at 'yong plinano kong pagpunta rito sa Pilipinas kinuwento ko na rin sa kanila.

Ngayon, gulat na gulat silang nakatingin sa akin dahil sa mga ikinuwento ko. "Pero Sophia, nakita ko si Darren at Ehdrey kanina na magkasama."

"Ha? What do you mean, Jamie?" Magkatitigan kaming dalawa.

"Magkahalikan sila. Sa tingin ko, may namamagitan sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung alam ba 'yon ni Zyren. Kaya nga tinawagan ko si Crystal dahil do'n, kaya nga kami magkasamang dalawa ngayon."

Bigla akong napatayo matapos niyang sabihin 'yon. "A-Anong sinabi mo?"

Hindi na ako nagdalawang isip na hindi tumakbo papalabas at iwan sila ro'n. Kahit tinatawag pa nila ako hindi ko na sila nilingon pa.

Posibleng kaya nagkakagano'n si Zyren kanina, hindi kaya may alam na siya sa nangyayari kina Darren at Ehdrey? Kailangan kong malaman ang tungkol dito. Kailangan ko siyang sundan kaya agad akong pumara ng taxi at dali-dali akong nagpahatid sa bahay nila Zyren.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon