Kabanata 29

3.8K 116 22
                                    

Kabanata 29


Higit isang oras na ang nakalipas simula nang may mangyari sa amin ni Darren dito sa room niya sa Hotel.

Sa tingin ko kailangan ko namang makapag-isip ngayon ng paraan para makaalis ako rito pero paano? Kahit na mahimbing na natutulog ngayon si Darren nakayakap naman siya sa akin. Baka kasi magising ko siya kapag inalis ko ang braso niya na nakadagan sa tiyan ko.

Kailangan ko na talagang makaalis ngayon dito dahil katulad kanina, si Zyren naman ngayon ang kailangan kong puntahan.

Ayokong dumating sa point na magpang-abot silang dalawa rito kaya kahit na kinakabahan ako unti-unti kong inaalis ang braso niyang nakadagan sa akin pero ang higpit no'n.

Anong gagawin ko?

Nang bigla siyang gumalaw at tumalikod sa akin kaya tila pumabor sa akin ngayon ang tadhana.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatabon sa akin at marahan lang akong umupo para hindi ko siya magising. Nagmadali akong nagbihis at saka kinuha ko ang cell phone ko.

Marahan kong binuksan ang pintuan kaya nagtagumpay akong makalabas do'n. Napabuntong hininga ako sabay dali-daling gumamit ng elevator pababa nitong isang floor.

****

Inayos ko ang sarili ko nang makatapat ako sa room namin ni Zyren.

Aaminin ko kinakabahan ako. Sana lang tulog pa siya sa mga oras na 'to para hindi niya ako mapaghinalaan.

Minabuti kong buksan na nang dahan-dahan 'yong pintuan pero nagulat ako nang makita ko siyang gising at nakaupo, nakasandal sa headboard ng kama.

Nagsalubong ang titigan naming dalawa kaya nakaramdam agad ako ng natakot nang makita ko ang mga pagtitig niya dahil kakaiba 'yon, baba at taas kaya napayuko ako.

"K-Kanina ka pa ba gising?" kinakabahan kong tanong pero tuluyan pa rin akong pumasok.

Agad kong tinungo ang aparador para makakuha ng damit dahil gusto kong maligo. Baka kasi may kakaiba siya sa aking mapansin kaya kailangan ko talagang maligo ngayon.

"Oo, kanina pa," sabi niya. Nananatili lang akong nakatalikod sa kanya. "Higit isang kalahating oras na." dugsong pa niya.

"Ah, h-hanggang kailan tayo magtatagal dito?" pag-iiba ko sa usapan at muli ko siyang binalikan ng tingin.

Pero bakit gano'n? Parang kakaiba 'yong aura niya? Ano ba'ng pahiwatig niyang 'yon?

Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi siya matinag sa pagmasid sa akin.

"Amh, m-may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya pero hindi man lang niya ako nagawang sagutin kaya minabuti ko nalang na pumasok sa loob ng banyo.

Pakiramdam ko sasabog 'yong dibdib ko sa sobrang kaba. May kakaiba talagang nangyayari ngayon kay Zyren at ayon ang hindi ko mahulaan kaya nagugulo na naman ngayon ang isip ko.

Naghilamos agad ako at kasabay nang pagbuhos ng tubig umiiyak na pala ako. Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko. Feeling ko papatayin ako ng mga pagtitig sa akin ni Zyren.

Pero oo alam ko namang doon din ang punta no'n once na malaman niya kung ano ang pagtataksil na ginagawa namin ni Darren sa kanya. Baka mapatay niya ako o higit pa ro'n ang gawin niya. Magkakagulo kami pero bahala na. Naguguluhan na ako.

Minabuti kong magbabad na sa bathub kaya hinubad ko ang lahat ng saplot ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil gusto kong kalimutan lahat ng mga problema ko.







Zyren's Point of View

Matapos pumasok ni Ehdrey sa bathroom mariin kong pinikit ang mga mata ko. Napakunot na rin ako ng noo. Gustong-gusto ko nang alalahanin 'yong mga bagay na nawala sa alaala ko pero bakit ganito? Wala talaga akong maalaala. Hirap na hirap na ako.

Pinipilit ko namang maging mabuti kay Ehdrey pero hindi ko alam kung bakit palagi nalang bumabalik sa isipan ko 'yong mga sinabi sa akin ni Sophie nung nasa Australia pa ako dahilan kung bakit ganito ko siya kung i-trato.

Hindi ko maiwasang hindi magduda lalo na sa mga nakita ko sa kanila kagabi ni Darren. Hindi ako bulag para hindi ko makitang magkayakap silang dalawa at halikan ni Darren ang asawa ko pero bakit? Magagawa ba talaga nila akong traydurin?

Nagmadali akong umuwi rito sa Pilipinas para sana i-surprise si Ehdrey pero mukhang ako ang nasurprise sa mga nakita ko sa kanila kagabi ni Darren. Pero may isang banda rin naman na ayokong maghinala dahil gusto kong paniwalaan na magkaibigan lang talaga silang dalawa.

I'm so very confused and I don't know kung hanggang kailan ako magiging ganito. Masyado na akong napaparanoid kakaisip na may relasyon nga talaga silang dalawa pero bakit naman magkukuwento si Sophie sa akin nang gano'n kung hindi totoo? At bakit rin nung nasa Australia pa ako nagduda na ako sa kanila at sa mga nakita ko pa kaya gustong-gusto ko nang umuwi no'n nung mga oras na 'yon kaya napadali ang uwi ko rito sa Pilipinas.

Napasandal nalang ako sa head board ng kama at muli kong tinignan ang kisame. Gulong-gulo na ako kung sino ang paniniwalaan ko pero bakit ba kasi wala akong maalala? Hanggang kailan ako walang maaalala?

Nang bigla kong mapansin na parang ang tahimik na ng bathroom at napakatagal ni Ehdrey lumabas do'n kaya naisipan kong tumayo at puntahan siya. Kinatok ko ang pintuan.

"Babe?" Pinakiramdaman ko ang paligid pero walang sumasagot sa akin. "Babe, okay ka lang ba riyan?" Pero gano'n pa rin hindi siya sumasagot. "Babe! Anong nangyayari sa 'yo riyan? Buksan mo 'to!" Mabilis kong hinanap 'yong susi ng pintuan dahil hindi talaga siya sumasagot.

Agad kong binuksan 'yon at pumasok ako sa loob pero laking gulat ko nalang nang makita siyang nakalublob sa bathtub at walang malay.

"Damn! Babe!" Mabilis ko siyang nilapitan at inahon ko siya. Mabilis ko siyang dinala sa kama. Tinapik ko agad ang mukha niya. "Babe?! Babe?!" Kinakabahan na ako nang bigla naman siyang magising. "Babe! Magpapakamatay ka ba?!"

Niyakap ko agad siya nang mangilid ang mga luha ko. Ano ba'ng ginagawa niya sa sarili niya?

"I'm sorry..." nanghihina niyang sabi kaya umiling ako.

"Huwag ka nang magsalita!" Kumuha na agad ako ng tuwalya at agad ko siyang pinunasan. Mabilis ko rin siyang inabutan ng mga damit at tinulungan ko siya. Tapos no'n hinawakan ko ang kamay niya. "Babe, bakit mo nagawa 'yon?" seryoso kong tanong na hindi naman niya ako sinagot.

Hinaplos niya lang ang mukha ko na siya kong pinagtaka, lalo na nang umiyak pa siya.

"Bakit ka umiiyak?" mahinahon kong tanong. Nakatitig lang ako sa kanya.

"I'm sorry, Babe." Umiiling siya habang patuloy na umiiyak kaya pinunasan ko ang mga luha niya.

"Babe..." Maamo ko siyang tinignan pero umiling lang ulit siya.

"Wala 'to, Babe. Wala lang 'to." Pilit siyang ngumiti sa harapan ko kaya napabuntong hininga ako. Tumango nalang ako at saka ko siya niyakap. Hinalikan ko rin siya sa ulo niya.

Ilang minuto pa ang lumipas, pinagmamasdan ko lang siya ngayon dahil nakatulog siya.

Nang maisipan ko namang lumabas para bumili nang pagkain namin pero hindi ko inaasahan na sa pagbaba ko magkakasalubungan kaming dalawa rito ni Darren.

"Anong ginagawa mo rito?" sabay naming tanong sa isa't-isa.

"Kasama ko rito si Ehdrey. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

"Ha?" Nagkatitigan lang kaming dalawa nang bigla siyang mapaisip. Parang nagtataka siya.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon