Kabanata 40

3.5K 116 10
                                    

Kabanata 40


Wala pa ring nagsasalita sa amin hanggang ngayon dahil sa narinig naming sinabi ni Ozu.

"A-Ako ang dapat sisihin sa lahat!"

Hanggang sa basagin 'yon ni Ehdrey. Umiiyak siya habang si Zyren tinititigan pa rin siya ng masama.

"Kung hindi dahil sa akin, hindi masisira sina Darren at Zyren kaya ako ang may kasalanan ng lahat!"

Humarap ito sa amin at lumuhod na siyang kinagulat ni Darren, gano'n din kami.

"Patawarin n'yo ako. Hindi naging madali para sa akin 'yong sitwasyon ko. Nahihirapan din ako. Naguguluhan. Gusto kong maibalik sa dati si Darren noon dahil simula nang iwanan siya ni Sophia, nagbago siya. Simula no'n sinisi ko na 'yong sarili ko dahil sa tingin ko ako ang puno't dulo ng paghihiwalay nila."

Halos umagos ang mga luha niya kaya nagkatinginan sina Jamie, Crystal, Ezikiel at Ozu. Samantala kami ni Zyren at Darren pinapakinggan lang siya.

Pero sa totoo lang pinipigilan ko lang na 'wag maluha.

"Palihim kong binibisita si Darren noon. Pinagsisilbihan ko siya kahit ang dami niyang babaeng inuuwi sa bahay niya. Nilihim ko 'yon kay Zyren dahil ayokong may isipin siyang hindi maganda. Pero hindi ko naman ginustong mahulog sa akin si Darren, gano'n din ako sa kanya."

Kita kong napaiyak si Darren kaya yumuko lang ito.

Nang tignan ko naman si Zyren blangko lang 'yong reaksyon niya, basta nakatitig lang siya kay Ehdrey at hinding-hindi matinag 'yon.

"Hindi naging madali ang maging parausan nilang dalawa na matapos ko kay Darren kay Zyren naman ako. Nahihirapan na ako. Hirap na hirap na ako. Diring-diri ako sa sarili ko."

Bigla nang tumulo 'yong luha ko matapos kong marinig 'yon mula sa kanya. At nang mapatingin naman ako kina Crystal at Jamie umiiyak na rin pala sila.

Kita ko ring naluluha na ang mga King pero pinipigilan lang nila 'yon.

Pagkatingin ko naman kay Zyren gano'n pa rin ang reaksyon niya. Basta nakatitig lang siya kay Ehdrey.

"Kung bubuwagin n'yo 'yong pagkakaibigan n'yo, please lang, 'wag ninyong hayaan na pagsisihan ko ang lahat nang dahil do'n. A-Ako nalang! L-Lalayo ako sa inyo! Malaki ang utang ng loob ko kay Sophia. Ayokong nang dahil sa akin magkahiwa-hiwalay kayong lahat."

Kitang-kita namin ang pagsisisi ni Ehdrey sa paghingi niya ng tawad. Halos mamaga na ang mga mata niya kakaiyak.

"Please..." dugsong pa niya.

"Umalis kayong lahat dito at iwanan n'yo kami ni Sophia."

Pero nagulat kaming lahat nang bigla 'yong sabihin ni Zyren na halatang may kinikimkim na galit sa puso niya.

"Zyren, h—"

"Sinabi kong lumabas muna kayo!" sigaw niya nang putulin niya ang sasabihin ni Ezikiel.

Kita kong nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa.

"Kung gusto ninyong buwagin ang pinagsamahan nating lahat, kayo ang bahala. Hindi ko kailangan ng kaibigang traydor!"

Kaagad na inalalayan ni Darren si Ehdrey papatayo matapos itong sabihin ni Zyren. Samantala sina Ozu, Ezikiel, Jamie at Crystal, tila nag-uusap-usap 'yong mga mata nila kung ano ba'ng dapat nilang gawin.

Tapos nilapitan ko naman si Zyren para maikalma ang sarili niya. Niyakap ko siya kahit na nandiyan pa ang mga kaibigan namin.

"Babe, please, patawarin mo ako, kami ni Darren," muling sabi ni Ehdrey pero hindi sumagot si Zyren kundi yumakap din ito sa akin pabalik kaya naramdaman kong umiyak ito ng palihim nang sumubsob siya sa tiyan ko.

Nakatayo kasi ako nang yakapin ko siya, habang siya naman nakaupo sa hospital bed.

Pumatak na rin ang mga luha ko habang hinimas ko ang likuran niya dahil sa bigat nang pareho naming nararamdaman sa isa't-isa.

Ilang saglit pa, naramdaman ko ang paghawak nina Ozu, Crystal, Jamie at Ezikiel sa balikat ko gano'n din ang paghawak nila sa balikat ni Zyren. Nakatalikod ako sa kanila habang yakap ko pa rin si Zyren nang maramdam kong paalis na sila ngayon.

"Sophia, please, patawarin n'yo kami!" rinig ko pang muling sabi ni Ehdrey bago sila tuluyang lumabas.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan at tanging hikbi nalang ngayon ni Zyren ang naririnig ko kaya napaiyak na rin talaga ako.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinadama ko sa kanyang hindi siya nag-iisa katulad ng dati.

Alam kong napakasakit ng nangyari sa aming apat. Hindi madaling kalimutan, mahirap magpatawad. Lahat kami gulong-gulo pa at nasasaktan.

*****

'Di nagtagal, nakalabas na ng hospital si Zyren at tuluyan siyang gumaling.

Ilang araw ang makalipas, kinakailangan ko nang bumalik ng Australia dahil sa mga nakabiting trabaho ko roon. May isang linggo pa naman akong nalalabi para mag-stay dito sa Pilipinas pero hangga't maaari sana, kailangan na kailangan ko na talagang makabalik do'n.

Hindi na rin umuuwi si Zyren sa bahay nila, kung saan ako nagcheck in ng hotel, nandon din siya pero magkahiwalay kami ng kuwartong dalawa.

Si Darren at Ehdrey alam kong nagsasama pa rin sila. Sina Crystal naman at Ozu, Ezikiel at Jamie, nakaalalay lang sila sa aming apat at wala pa ring pansinang nagaganap. Sinusunod ko lang si Zyren dahil may point naman siya. Hindi pa ito ang oras para magkasundo-sundo kaming apat.

Alas syete na ngayon ng gabi nandito kami ngayong dalawa ni Zyren sa isang restaurant at kumakain nang bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko.

"Sophia Zamora..." sabi niya na ipinagtaka ko.

"Chocolate..." sambit ko na parang pinaparating kong anong gagawin mo pero nginitian niya lang ako.

Tapos bigla siyang naglabas ng maliit na box na kulay red mula sa bulsa niya na labis kong kinagulat.

Tumulo 'yong mga luha ko nang buksan niya 'yon dahil nakita ko itong may lamang sing-sing na kumikinang.

Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao. Nang mapatingin naman ako sa bandang kaliwa ko, nakita ko sina Nanay, Tatay, at bunso papalapit sa amin na siya ko ring pinagtaka.

"Will you be my wife?" sunod na sabi ni Zyren sa akin habang naghihintay siya ng sagot ko.

Nananaginip lang ba ako?




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon