Kabanata 14

3.9K 124 5
                                    

Kabanata 14

Jake's Point of View

"Sandali, Jake! Before you go may mga gusto muna sana akong itanong sa 'yo."

Lalabas na sana ako ngayon sa kuwarto ni sir Zyren, dito sa hotel na tinutuluyan naming dalawa nang bigla niya akong pigilan.

"Yes, Sir! Ano po 'yon?" Nananatili lang akong nakatayo sa harapan niya.

"Bakit Sophia ang tawag mo kay Sophie kanina?"

"Po?" Bigla akong napalihis ng tingin kay Sir matapos niyang itanong sa akin 'yon.

Paano ko ba palulusutan 'to? Baka magalit sa akin si ma'am Sophia kapag sinabi ko ang totoo kay sir Zyren.

"Ah, e, kasi Sir, magkalapit po 'yong pangalan niyang Sophie sa Sophia po." Hindi ako makatingin ng deretso ngayon sa kanya dahil sa pagsisinungaling ko.

"Ah..." sambit niya sabay tumango-tango. "You know what? Familiar talaga siya sa akin. Saan ko ba siya nakita? Nagkakilala na ba kami dati?" Muli na naman niyang tanong kaya hindi nalang ako kumibo. Umiling nalang ako ng hindi ko po alam.

Pero kung maaalala n'yo lang sana sir, si Ma'am Sophia, siya po talaga 'yong nag-alaga sa inyo ng higit tatlong buwan matapos ninyong maaksidente at macomatose. Nakita namin noon kung paano niya kayo mahalin habang wala kayong malay.

"Okay, you may go. Magpahinga ka na."

"Thank you, Sir. Tawagan n'yo nalang po ako kung may kailangan pa po kayo."


"Hindi. Wala na. Sige na, salamat!" Tumango lang ako sa kanya at tuluyan ko na siyang iniwan do'n. Mabuti naman dahil nakahinga na rin ako ngayon ng maluwag.






*****

Sophia's Point of View

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ko dumeretso agad ako sa bathroom at naghilamos agad ako ng mukha ko. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagkasama kami ni Zyren kanina.

Hindi ako makatulog ngayon dahil siya 'yong laman ng isipan ko kaya nang lumabas ako ng kuwarto kumuha na ako ng tubig. Uminom ako ro'n at nagtagal ng ilang minuto dahil hindi talaga ako makatulog.

Iniisip ko kasi kung tutulungan ko siya mahihirapan lang ako sa sitwasyon naming dalawa.

Alam kong isang taon na 'yong nakakalipas pero nakatatak pa rin sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari sa amin noon at hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan 'yon.

Paano nalang kung magkita-kita ulit kami nina Darren at Ehdrey? Ayoko pa mangyari 'yon sa ngayon.

Napahimas nalang ako sa mukha ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Pero nakakaawa naman kasi siya kung hindi ko siya matutulungan. Pero kung tutulungan ko naman siya, ako naman 'yong masasaktan sa gagawin ko.

Nang bumalik ulit ako ng kuwarto ko humiga na muli ako sa kama pero hindi pa rin talaga ako makatulog.

Please Zy, umalis ka na sa isipan ko! pagtataboy ko sa kanya tapos napatalukbong nalang ako ng kumot.





Zyren's Point of View

Hindi talaga ako makatulog kanina pa kaya bumangon na ako sa kama. Tinungo ko ang lamesa at kumuha ako ng wine. Tumikhim ako no'n.

Eleven thirthy na ng gabi ngayon dito sa Australia pero hindi talaga mawala-wala sa isipan ko si Sophie, hindi ko alam kung bakit.

Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Naguguluhan ako. Ginugulo niya ako.

Sophie Zamora sambit ko sa isipan ko sabay pikit ng mga mata at inalala ko 'yong mga pangyayari sa amin kanina.

"Saan ba talaga kita nakita? Nagkakilala na ba tayo dati?" Idinilat ko ang mga mata ko ngayon.

Naglalaro talaga siya sa isipan ko. 'Yong mukha niya, 'yong boses niya, 'yong pagkatao niya, lahat nang 'yon. "Sino ka ba talaga?" Napahilamos ako sa palad ko.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon