(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story
-Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...
Nang makasakay kami ni sir Zyren dito sa loob ng sasakyan halatang napapaisip siya dahil sa pagtatanggi ni ma'am Sophia sa proposal niya kanina.
"Uhm, Sir, gusto ko pong humingi sa inyo ng pasensiya. Hindi ko po kasi expected na tatanggihan kayo ni ma'am Sophia. Nasayang lang po 'yong oras n'yo sa pagpunta rito," pagpapaliwanag ko habang nagmamaneho.
Umiling siya. "No, Jake. It's okay, hindi mo naman kasalanan 'yon. Baka hindi niya lang talaga siguro nagustuhan 'yong proposal ko sa simula pa lang."
"Yes, Sir! I'm sorry po."
"Okay lang pero hindi tayo puwedeng umuwi ng wala tayong nagagawa. May ilan pa akong mga kakilala rito na baka sakaling puwedeng makatulong sa atin."
"Masusunod, Sir. Tutulong po ako sa inyo."
"Good, Jake. Basta ayokong sasabihin mo ang tungkol dito sa ma'am Ehdrey mo. Ayokong pag-alalahanin siya. Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"S-Sir, matagal na po ako sa inyo. Yes, Sir! Wala po akong sasabihin na kahit ano kay ma'am Ehdrey pinapangako ko po."
"Good. Good, Jake. It's nice to hear that from you. Salamat."
Matapos itong sabihin ni Sir sumandal na siya sa upuan matapos ay lumalim siya ng hininga. Nakapikit lang siya ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari kay ma'am Sophia kanina pero sigurado akong may malalim siyang dahilan.
Nang makabalik kami sa hotel na tinutuluyan namin nandito lang ako sa loob ng kuwarto ni Sir at nakikita kong busy siya habang may mga kino-contact na mga kakilala niya.
Nang bigla akong magpaalam sa kanya dahil may sasagutin lang akong tawag sa akin kaya pinayagan niya akong makalabas.
"Cassie?" sambit ko.
"Oy! Ex, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa 'yo," sabi niya sa kabilang linya.
"Ha? Bakit? Ano ba palang nangyari kay ma'am Sophia kanina? Bakit tinanggihan niya si Sir Zyren? Nahihiya tuloy ako kay boss. Akala ko ba matutulungan mo ako?" angal ko sa kanya.
"Hays! Ito na nga, makinig ka. Narinig kong umiiyak si ma'am Sophie kanina sa loob ng banyo pagkaalis na pagkaalis n'yo."
"Eh? Totoo?" Nagulat ako sa kinuwento niya.
"Oo, totoo. Magsisinungaling ba naman ako sa 'yo?"
"Kung gano'n bakit? Oy! Cassie, tulungan mo naman ako. Nakakahiya kaya kay boss Zyren. Ang layo pa ng pinanggalingan namin oh para lang puntahan kayo. Baka puwede mo namang i-convince si ma'am Sophia? Hindi pa naman kami uuwi mukhang magtatagal pa kami rito."
"Talaga? Magtatagal pa kayo? Sige, tutulungan kita i-convince si ma'am Sophie pero hindi ako nangangako. Hindi ko kasi alam kung bakit umiiyak si ma'am Sophie ngayon, e. Hindi ko pa siya makausap ngayon. Hindi pa kasi siya nalabas do'n sa banyo hanggang ngayon.Pero sa tingin mo ba may kinalaman 'yon sa nakaraan nila ni sir Zyren kung bakit hindi niya tinanggap 'yong proposal?"
"Para ngang gano'n na rin 'yong nasa isip ko, Cassie. Basta tulungan mo ako, ha? Sige ka, bahala ka, hindi kita babalikan niyan."
"Ay, grabe siya. Ang pogi mo naman kung gano'n? Bakit naman kita babalikan aber?" pagsusuplada niya kaya natawa naman ako. "Cassie?"
Nang bigla ko namang narinig ang boses ni ma'am Sophia dahilan para i-end niya ang call.
Nang bumalik ako sa loob ng kuwarto ni Sir, narinig kong kausap na niya ngayon si ma'am Ehdrey kaya lumabas nalang ulit ako. Hindi ko na siya inabala. Maghihintay nalang ako rito sa labas.
Zyren's Point of View
"Hi, Babe! I miss you." Napangiti ako nang marinig ko iyon mula sa asawa ko. Kausap ko siya ngayon sa video call. "Kailan ka uuwi, Babe?" malungkot niyang sabi habang nakadapa sa kama. Parang naglalambing siya. "Miss na miss na kita, Babe," sabi pa niya.
"Miss na miss na rin kita, Babe. Siguro magtatagal pa kami rito pero 'wag mo akong alalahanin, okay lang ako. Ikaw ba riyan? Baka nagpapagod ka sa trabaho mo?"
"Hindi, Babe. Okay lang ako rito. Ikaw kaya ang inaalala ko riyan. Miss na miss na kita." Malungkot na naman 'yong mukha niya at boses. Parang nagpapaawa siya kaya napangiti ako sa ginawa niya.
"Don't worry, Babe. I brought something for you para hindi ka na maging malungkot, okay?" Tumango siya tapos bigla siyang ngumuso at hinalikan niya ako sa screen kaya napangiti talaga ako ng husto sa ginawa niyang 'yon. Nagflying kiss nalang ako sa kanya.
"I love you, Babe," malambing kong pagkakasabi sa kanya kaya napangiti na siya.
"I love too, Babe," sagot niya agad.
"Babe..." tawag ko ulit sa kanya.
"Bakit Babe?" pagtataka niya.
"I just want to tell you I'll do anything for you. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo."
Naluluha niya akong pinagmasdan.
"Babe, ginagawa mo naman talaga ang lahat 'di ba? Nakikita ko 'yon. May problema ka ba riyan?"
"Ah, 'no! Wala namang problema. Just saying, Babe. Ah, sandali lang ha?"
Ehdrey's Point of View
Nang makita kong may kausap si Zyren sa cell phone niya tinitigan ko nalang siya sa screen. Nakamute siya kaya hindi ko na naririnig kung ano ang pinag-uusapan nila ro'n.
"I miss you, Babe," sabi ko sa kanya kahit hindi ko alam kung maririnig niya ako. Hinahaplos ko siya kahit na nasa screen lang siya.
Ilang saglit pa, pinatay ko na 'yong video call at nagleave nalang ako ng message sa kanya dahil alam ko naman kasing busy siya ro'n kaya pinatay ko na.
Napabuntong hininga ako. Bakit gano'n feeling ko may itinatago siya sa akin? Sana naman walang nangyaring hindi maganda.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Book 2) Written by MsjovjovdPanda 2017 All Rights Reserved Target readers: R-18