Kabanata 10

3.8K 124 16
                                    

Kabanata 10

Zyren's Point of View

"Babe, bakit hindi pa nag-aasawa si Darren, 'no?" tanong ko kay Ehdrey nang makapasok kami rito sa loob ng kuwarto namin.

Nahiga lang ako sa kama habang tumapat siya sa aparador at namimili ng damit pang tulog.

"Ha? Ah, baka namimili pa ng mapapangasawa, Babe. Hayaan mo na siya," aniya kaya tumango-tango naman ako. May point naman kasi siya ro'n.

"Nga pala, kanino galing 'yong isang bouquet ng flowers na dalawa mo?" Napatitig siya sa akin nang itanong ko 'yon sa kanya.

"H-Ha? Ah, tig-iisa kami no'n, Babe. Bigay lang nung isa sa client namin bilang pasasalamat daw niya dahil nagustuhan niya 'yong mga bag namin."

Tumango-tango nalang ulit ako sa kanya.

Sa totoo lang kasi naghahanap lang ako ng tiyempo para sabihin sa kanya 'yong pag-alis ko papuntang Australia kaya kung ano-ano nalang ang naitatanong ko sa kanya ngayon.

"Ahm, Babe?" turan ko.

"Hmm? Bakit?" Tumabi siya sa akin dito sa kama.

"Kasi mayroon sana akong sasabihin sa 'yo."

"Sure, Babe. Ano 'yon?"

"On the next day I'll took flight to Australia."

Napatitig siya sa akin. "Para saan naman?" pagtataka niya.

"Ah, para sa magiging bagong business partner ko. Pupuntahan ko siya ro'n para makipagnegotiate para lumakas 'yong negosyo natin."

"Bakit Babe may problema ba?"

"Wala, Babe. Wala. Kakausapin ko lang talaga."

"Kung gano'n iiwan mo ako rito?" Naging malungkot 'yong mukha niya kaya napangiti naman ako.

"Sino naman may sabi sa 'yo na iiwan kita? Gusto mo ba'ng sumama?"

"Hala! Totoo ba 'to? Puwede ba akong sumama?"

"Oo, naman. Sasabihin ko kay Jake na ikuha ka na rin ng visa bukas."

"Oh my gosh! Hindi mo lang alam Babe kung gaano mo ako napasaya ngayon!" Napayakap siya sa akin dahil tuwang-tuwa siya ngayon.

Pero biglang bumalik sa isipan ko 'yong pagsakit ng ulo ko kanina. Mabuti nalang at natawagan ko pa si Jake kanina kaya napuntahan niya ako rito sa bahay at siya ang tumulong sa akin.

Ayokong pag-alalahanin ngayon si Ehdrey kaya ililihim ko nalang sa kanya 'yon.






*****

Ehdrey's Point of View

"Hon!" nakangiti kong tinawag si Darren nang makapasok ako rito sa loob ng kuwarto niya.

Magtatanghali na pero nakahiga pa rin siya. Nakahiga pa siya ro'n sa kama kaya niyakap ko siya.

"Pupunta kami ni Babe sa Australia bukas," masigla kong sabi at napahigpit pa ako ng yakap sa kanya pero bigla nalang niya akong hinawi kaya nagulat ako.

"G-Galit ka ba, Hon?" nakayuko kong sabi.

Mabilis siyang bumangon at lumabas siya ng kuwarto nang hindi man lang ako pinapansin. Sa tingin ko ayaw niya akong sumama kay Zyren.

Minabuti kong sundan siya. Nakita kong nando'n siya sa sala at nakaupo sa sofa. Muli ko siyang tinabihan.

"Hon, one week lang naman kami ro'n. Please, pumayag ka na?" Sinubukan ko siyang lambingin pero tinitigan niya lang ako ng masama.

"Hindi ka aalis," mariin niyang sabi kaya napayuko nalang ako.

"P-Pero kasi Hon—"

"Hindi ka aalis!" Natahimik nalang ako dahil tumaas na 'yong tono ng boses niya.

Hanggang sa abutin ako rito ng maghapon sa bahay niya sinubukan ko pa rin talaga siyang lambingin pero ayaw niya talaga. Wala akong magawa.

Napaupo nalang ako sa kama at napalalim ng hininga. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatanaw sa bintana.

"Hon..." Bigla nalang akong napalingon nang lapitan ako rito ni Darren.

Parang nagbago na 'yong mood niya. Siya naman ngayon ang yumakap sa akin. Parang naglalambing siya.

"Hon, sorry na. Pero ayoko kasi talagang umalis ka. Tapos kasama mo pa roon si Zyren. Paano naman ako rito? Iiwanan mo ako?"

Ako naman ngayon ang hindi kumibo. Siya naman ngayon ang nangungumbinsi sa akin na huwag akong umalis.

"Hon, sige na naman please? 'Wag ka nang sumama ro'n. Ayaw mo ba no'n magkakasama tayo rito buong gabi? First time lang yata mangyayari 'yon kaya please na Hon, please?" pagmamakaawa niya kaya napa oo nalang ako.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon