Kabanata 35

3.4K 101 7
                                    

Kabanata 35

Zyren's Point of View

Agad akong bumaba ng kotse matapos kong maiparada 'to sa tapat ng bahay namin ni Ehdrey.

Nang papasok na ako sa gate nagulat nalang ako nang makita kong tanggal na iyong kadena na kinabit ko rito kanina.

Nakaramdam ako ng kaba kaya nagmadali akong pumasok sa loob pero nagulat din ako nang pati 'yong kadena na kinabit ko rito sa pintuan tanggal na rin pala.

Kunot-noo kong hinanap si Ehdrey sa buong bahay pero hindi ko siya makita. Halos libutin ko na ang loob at labas pero wala talaga siya kaya naisip ko bigla si Darren.

Sa tingin ko may kinalaman siya rito, siya lang naman ang maaaring makatulong kay Ehdrey na makaalis dito kaya nagmadali na akong lumabas.

Pero paglabas ko ng gate, nakita ko si Sophie na bumaba ng taxi pero hindi ko siya nagawang pansinin.

"Zy!" rinig ko pang tawag niya sa akin pero agad na akong pumasok ng kotse ko at nagmadali akong paandarin 'to.

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ng sunod-sunod 'yong mga luha ko. Napaparanoid na naman ako at kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Nang biglang may malabong pangyayari noon ang pumapasok ngayon sa isip ko kaya bahagya akong napahawak sa ulo ko pero pinilit ko pa ring magmaneho.

Ngayon, handa na akong makita kung ano man ang mayroong namamagitan kina Darren at Ehdrey kung sakali mang mapatunayan kong si Darren nga talaga ang may kagagawan kung bakit wala ngayon ang asawa ko sa bahay namin.

Hindi ko sila mapapatawad kong niloloko nila ako.







Sophia's Point of View

Muli kong inarkila 'yong taxi na sinakyan ko kanina papunta rito sa bahay nila Zyren. Nagmadali akong pinasundan ang sasakyan niya dahil hindi ko alam kung bakit sobra akong nag-aalala ngayon sa kanya.

Ano ba'ng nangyayari? Bakit hindi man lang niya ako nagawang pansinin? I need to know everything.

Parang papunta itong lugar na ito ngayon sa dati naming tinirhan ni Darren, sa bahay niya. Posible ba'ng nandito 'yong dalawa kaya rito siya nagpunta?

"Dito nalang po sa tabi." Nagmadali agad akong bumaba. "Zy!" tinawag ko ulit si Zyren nang makita kong nagmamadali siyang bumaba ng kotse niya pero katulad kanina, hinahabol ko ulit siya. "Zy! Please, hintayin mo ako!" Nandito palang ako sa kalsada samantala siya malapit na ro'n sa gate kaya tumakbo na ako.







Zyren's Point of View

Masuwerte ako dahil bukas ang gate at pintuan ng bahay ni Darren kaya nakapasok agad ako rito sa loob ng bahay niya.

Agad kong nilibot ang tingin ko sa buong paligid pero hindi ko sila nakita rito sa sala, gano'n din sa kusina, kaya pinagmasdan ko ngayon ang second floor kung saan nando'n ang kuwarto ni Darren kaya dahan-dahan kong tinutungo 'yon ngayon.

Aaamin kong ang lakas ng kaba sa dibdib ko ngayon. Kinakabahan man ako pero I want to make sure, and clear everything, lahat ng mga sinabi sa akin noon ni Sophie.

Pero bakit gano'n, parang ngayon palang naririnig ko na ang naglalambingang boses nina Ehdrey at Darren at nagtatawanan pa kaya pinipigilan kong 'wag pumatak 'yong mga luha ko. Lalo na mamaya pagnagharap-harap na kaming tatlo. Ngayon nakakasigurado na ako na nandito nga ngayon si Ehdrey.

Bahagyang nakabukas 'yong pintuan kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na hindi 'yon tuluyang buksan. Pero tila napako ako sa kinatatayuan ko ngayon nang makita ko ang asawa ko at ang Best friend ko na magkapatong sa iisang kama.

Gulat kaming nagkatitigan ngayon nang biglang pumatak ang mga luha ko. Parang walang gusto sa aming magsalita. Nakatulala nalang ako sa kanila.

"Zy, ano ba? Bakit di—" Naihinto na rin ni Sophie ang sinasabi niya nang makita na niya rin ngayon kung ano ang nakikita ko.

Maya-maya pa kusa nalang nanlambot ang mga tuhod ko. Napaluhod ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon