Kabanata 38
Ehdrey's Point of View
Nagmadali akong manakbo papunta ng cr. Bakit ganito nasusuka ako pero hangin lang naman ang nilalabas ko?
Naghilamos agad ako ng mukha ko at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Tanda kong ganitong-ganito rin ako noon nang una akong magbuntis. Sinapo ko ang sintido ko sabay pikit ng mariin.
"Hindi puwede..." halos pabulong kong sabi.Malakas pa rin ang kaba sa dibdib ko nang makalabas ako ng CR. Nagulat ako nang makita ko si Darren dito na tila hinihintay ako.
"Hon, okay ka lang ba?" bungad niya sa akin nang lapitan ko siya.Pero ayoko munang ipaalam sa kanya 'yong sitwasyon ko ngayon. Malakas ang pakiramdam kong may bata sa loob ng sinapupunan ko.
"Hon, puwede ba'ng umuwi na tayo?" anyaya ko na siya naman niyang sinang-ayunan.Nagtext nalang siya sa mga kaibigan namin na mauuna na kami kaya mabilis kaming nakarating sa bahay niya.
Gulong-gulo kasi ang isip ko ngayon. Siguro kailangan ko na munang magpahinga. Tingin ko kasi nawawala na ako sa sarili ko.
Agad akong nagtungo sa kuwarto ni Darren habang nando'n pa siya sa baba dahil nililinis niya iyong dugo ni Zyren na iniwan namin do'n kagabi pa.Mabilis lumipas ang oras, nakatulog ako ng higit walong oras. Pagkatingin ko sa tabi ko mahimbing na rin palang natutulog ngayon si Darren.
Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kusina para sana kumain nang bigla na naman akong naduduwal. Katulad kanina, hangin lang ang isinusuka ko.Nababahala na ako kaya naisipan kong lumabas para bumili ng PT dahil gusto kong makasigurado.
Iniwanan ko ro'n si Darren nang mag-isa sa bahay niya dahil mahimbing naman siyang natutulog dahil pare-pareho nga kasi kaming puyat kagabi dahil sa pangyayari.
Hindi naman nagtagal agad akong nakapunta ng mercury drug at sandali pa akong napatitig ng mabili ko ang sinadya ko rito. Hawak ko na ngayon ang PT. Mayroon mang laman ang tiyan ko, hindi ko naman alam kung sino sa kanila ni Darren o Zyren ang ama pero bahala na.
Habang naglalakad ako naisipan kong dumaan muna saglit sa hospital dahil gusto kong makita ang asawa ko. Sana magising na siya, para makapagpaliwanag ako at makahingi na rin ng tawad sa kanya.Ilang saglit pa, tinungo ko ang private room rito ni Zyren nang makarating ako rito.
Pero hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pintuan, bumungad sa akin si Sophia na nakikipaghalikan kay Zyren kaya natulala ako sa nakikita ko.
Gising na siya? Kailan pa? Anong oras?
Nakaupo silang pareho sa hospital bed ni Zyren at dinadama ng husto ang isa't-isa.
Pero bakit ganito? Parang may kung anong kumirot sa puso ko ngayon habang hindi ko maialis ang mga pagtitig ko sa kanila? Ganito ba 'yong pakiramdam niya nang makita niya kaming dalawa ni Darren? Napakasakit pala talaga.
Pakiramdam ko paulit-ulit tinutusok 'yong puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Parang hindi ako makahinga. May naaalala na ba siya? Pero bakit hindi man lang nila kami nagawang sabihan na nagising na pala siya? Ramdam kong pumatak na 'yong mga luha ko at umaagos na 'to sa pisnge ko. Pero bakit ako umiiyak? Ang alam ko si Darren na ang mahal ko ngayon at hindi na si Zyren.
Napayuko nalang ako nang nanlalabo na 'yong mga mata ko. Punong-puno na kasi ito ng mga luha ko. Feeling ko isinampal sa akin ni Sophia lahat ng sakit na ginawa ko sa kanila ni Zyren. Ito na ba 'yon?
Nang muli ko silang lingunin tila ayaw nilang magpaawat sa ginagawa nila.
Babe, please, puwede ba'ng itigil mo na 'to? Puwede ba'ng itigil na natin 'to? Nasasaktan na ako. Durog na durog na ang puso ko.Bigla akong napahikbi ng mahina kaya tinakpan ko ang bibig ko. Minabuti ko nalang na iwanan sila ro'n nang hindi ako nakikita kaya sinarado ko na ang pintuan.
Habang naglalakad ako papalayo patuloy pa rin akong umiiyak.
*****
Sophia's Point of ViewMag gagabi na pero parang ayaw pa ring gumising ni Zyren. Kung sabagay noon, matagal din siya bago tuluyang nagkaroon ng malay. Pero ayoko na sanang paabutin pa sa gano'n. Ayokong umabot sa point na mas lumala 'yong kundisyon niya kapag nagising siya.
Ako nalang ang mag-isa ngayon na nagbabantay sa kanya. Nagvolunteer kasi ako sa mga kaibigan namin tutal mga pamilyadong tao na sila.Alas sais na ngayon ng gabi. Pinagmamasdan ko pa rin ang mukha ni Zyren habang hinahaplos ko 'yon. Bahagya akong napangiti nang maalala ko lahat ng pangyayari sa amin noon simula nang maging malapit kami sa isa't -sa.
Pero nagulat ako nang bigla nalang dumilat ang mga mata niya kaya napatitig ako sa kanya. Napatayo pa nga ako."C-Chocolate?" halos pabulong kong sabi habang hindi makapaniwalang nagkamalay na siya.
Agad akong lumabas ng pintuan para tumawag ng doctor tapos bumalik agad ako sa tabi niya.
"Chocolate..." Naluluha kong hinawakan ang kamay niya. Sa wakas nagkamalay na siya.
Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bigla nalang ding may pumatak na luha sa mga mata niya tapos nginitian pa niya ako. Hindi siya nagsasalita pero magkatitigan lang kaming dalawa ngayon.
"Chocolate, miss na miss na kita." Pumatak na rin 'yong mga luha ko. "Alam mo ba'ng pinag-alala mo ako, ha?" Natatabunan na 'yong mga mata ko ng luha. "Nandito lang ako at hindi kita iiwan," sambit kong muli matapos ay bigla nang nagdatingan ang mga nurse at doctor kaya tumabi ako ng bahagya.
Pinagmamasdan ko lang ngayon ang ginagawa sa kanya ng nurse at doctor pero ang pinagtataka ko, hindi niya inaalis sa akin ang mga tingin niya.May naaalala na ba siya? Bakit gano'n 'yong mga titig niya sa akin? Pero sana nga. Sana.
Nang bigla niyang iniangat 'yong kanan niyang kamay at pilit niya akong pinapalapit sa kanya na siya kong pinagtataka.
Agad na nagkatinginan ang mga nurse at doctor sa direksyon ko nang magawa 'yon ni Zyren kaya inutusan ako ng doctor na lumapit ako sa kanya.
Naluluha kong hinawakan 'yong kamay niyang kanina pa niya sa akin inaabot.
"Chocolate..." marahan niyang sabi na mas lalong nagpaiyak sa akin ng husto.
"Naalala mo na ako?" turan ko habang patuloy na umiiyak kaya mas napahigpit ang kapit ko sa kamay niya lalo.
(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...