Kabanata 5

4.2K 129 16
                                    

Kabanata 5

Zyren's Point of View

"Babe!" Hingal akong napabalikwas ng bangon.

Pagtingin ko sa paligid ko nananaginip lang pala ako. Panaginip na kahit kailan, hinding-hindi magkakaroon ng relasyon sina Ehdrey at Darren sa isa't-isa.

Napabuntong hininga ako. Wala na rito si Ehdrey sa tabi ko ngayon kaya minabuti ko siyang hanapin. Lumabas ako ng kuwarto namin.

"Babe?" May narinig akong parang nagmamakaawang boses ng isang babae 'di kalayuan mula rito sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungong kusina dahil doon ko naririnig ang ingay.

Pagpunta ko rito nagulat ako sa nakita ko. "Darren?" sambit ko nang siya ang makita ko ngayon dito, ang best friend ko. "Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" dugsong ko pa.






Ehdrey's Point of View

Gumising ako ng maaga ngayon. Gusto ko kasing ipagluto si Zyren ng mga paborito niyang agahan katulad nalang ng ginagawa ko sa kanya dati nung mga panahong maayos pa kami noong dalawa. Pilit kong kinakalimutan 'yong mga nangyari sa amin kagabi kaya dinaan ko rito.

Naisip kong hindi ako magpapatalo kay Sophia. Kailangan ako iyong magwagi sa puso at isip ng asawa ko. I'm sure kapag ginawa ko ang mga ito maaalala na niya ang buo kong pagkatao.

Nang bigla nalang may yumakap sa akin kaya napangiti ako. Nang lingunin ko siya bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang hindi pala si Zyren ang nakayakap sa akin ngayon kundi si Darren.

"D-Darren? Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na baka magising si Zyren!" bulalas ko.

Pero hindi ko gaanong nilakasan dahil baka nga magising nalang bigla ang asawa ko.

"Bakit? Wala namang masama kung magpunta ako rito 'di ba?"

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin. Hindi niya ako binibitiwan kahit panay ang pagpiglas ko sa kanya. Hinahalik-halikan niya rin ako sa leeg at kakaiba ang aura niya.

"D-Darren, 'wag dito," kinakaban kong sabi.

Paano nalang kasi kung bigla nalang kaming makita ni Zyren dito na ganito ang ginagawa niya sa akin.

"P-Paano ka nakapasok dito, ha?"

Bahagya akong nainis lalo na nang iharap niya ako sa kanya at patuloy lang siya sa ginagawa niyang paghalik-halik sa akin.

"D-Darren, anong ba'ng ginagawa mo? Paano ka ba nakapasok dito?" Napapaluha na ako dahil sa ginagawa niya.

"Duplicate," nakangisi niyang sabi nang titigan niya ako. "Pinaduplicate ko 'yong susi na palagi mong dala."

Hindi ako nakapagsalita matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko alam kung mapapaluha nalang ba ako sa inis o ano.

Napalalim nalang ako ng hininga. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na 'wag magalit sa kanya.

Pero nagulat nalang ako nang mas matindi pa ang ginawa niya sa akin ngayon. Agad namilog ang mga mata ko nang hawakan na niya ang maselan kong parte.

"D-Darren, please, 'wag dito. Nagmamakaawa ako sa 'yo."

Pero mukhang hindi niya ako naririnig. Tuloy lang siya sa ginagawa niya kaya pinipigilan kong huwag makalikha ng ingay.

"Darren, please..." Sobrang lakas niya. Hindi ko siya magawang mahawi.

"Babe?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong marinig ang boses ni Zyren. Agad akong kinabahan.

"Darren, please, please, bitiwan mo na ako. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Gagawin ko ang gusto mo mamaya please 'wag lang ngayon, makikita na niya tayo."

Napapaluha na ako habang nagmamakaawa sa kanya.

Sa tingin ko kasi ilang hakbang nalang ni Zyren makikita na niya kami rito.

"Please, mamaya mo nalang gawin ang gusto mo." Napaiyak na ako sa pagmakaawa ko sa kanya sa huling pagkakataon kaya't agad niya akong binitiwan.

"Darren?" rinig kong gulat na boses ni Zyren nang tumalikod na ako. "Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" dugsong pa niya.

Tatlong segundo bago kami maghiwalay ni Darren bago ako tumalikod sa kanya nahagilap ko siyang umupo sa upuan na sakto dumating naman si Zyren.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon