Kabanata 41

3.6K 115 9
                                    

Kabanata 41


Yes I do—"chocolate?" Nang bigla kong marinig muli ang boses ni Zyren at ginigising niya ako.

"Zy?" sambit ko habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

"Nakatulog ka. Nandito na tayo sa hotel. Mukhang pagod na pagod ka," sabi niya habang hindi pa rin ako makapaniwalang napanaginipan ko 'yon. "Okay ka lang?" tanong pa niya kaya inalis ko na 'yon sa isipan ko.

"Ah, oo, okay lang ako. Ahm, s-sige, pasok na tayo sa loob?" anyaya ko.

Mabilis kaming nakapasok sa loob nitong hotel.

Pero gaya ng napanaginipan ko, hindi na nga umuuwi si Zyren sa bahay nila dahil dito rin sa hotel na tinutuluyan ko siya nananatili. Pero magkasama kami sa iisang kuwarto hindi kagaya sa panaginip ko na magkahiwalay kaming dalawa.

Napabuntong hininga ako nang makaupo ako sa kama.

Grabe! Akala ko talaga totoo na 'yon.

Natatandaan kong madalas din ako noong managinip ng gano'n sa amin ni Darren.

"Uminom ka muna ng tubig. Mukhang malalim ang iniisip mo." Tumabi siya sa akin at inabutan niya ako ng tubig na siya ko namang ininom. Siguro napansin niya akong nakatulala.

"Thanks." Inabot kong muli 'yong baso sa kanya tapos inilagay naman niya 'yon sa tabi nitong kama sa lamesa.

"Okay ka lang ba talaga?" Niyakap niya ako kaya napayakap na rin ako sa kanya.

"Oo, Chocolate. Okay lang ako." Bumitaw kami sa pagkakayakap tapos hinaplos ko 'yong buhok niya.

Ngumiti siya sa ginawa ko kaya ngumiti rin ako. "Isang magandang panaginip kasi 'yong napanaginipan ko," nakangiti kong hayag sa kanya.

"Talaga? Sana matupad 'yan." Agad akong tumango.

"Sana nga?" sambit ko pa tapos tumayo ako para kumuha ng damit pamalit.

"Ano ba 'yong napanaginipan mo?" tanong niya tapos sinundan niya ako. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako.

Actually, hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ba mayroon kami ni Zyren.

Basta ang alam ko ginagawa namin 'yong ginagawa ng magkarelasyon. Yakap, halik, natutulog kami sa iisang kama pero wala namang nangyayari sa amin.

Hanga nga ako riyan kay Zyren. Ang laki ng respeto niya sa akin. Siguro kung sa iba lang akong lalaki napunta baka hindi na ako buo. Pareho sila ni Darren nirerespeto nila akong dalawa pero mas iba pa rin talaga si Zyren sa kanya.

"Ahm, Chocolate," sambit niya.

"Hmm?" Humarap ako sa kanya tapos yumakap din ako.

"Kasi..."

"Kasi?"

"Ano..."

"Ano?"

"Ahm..."

"Chocolate, may sasabihin ka ba?" Tumingin ako sa kanya sabay kamot naman niya sa ulunan niya.

"Ah, wala! Ang sabi ko, ako na unang gagamit ng cr." Tapos no'n napapangiti siyang parang ewan habang nagkakamot pa rin siya ng ulo niya. Napapailing naman ako habang napapangiti rin.

Ano ba kasing sasabihin niya? Bakit hindi niya masabi-sabi?

Umaatras siyang naglalakad habang nakatingin sa akin. "Ahm, sige." Sabay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng cr na nakangiti.

Napatakip naman ako ng damit ko sa mukha ko kasi feeling ko may aaminin siya. Nauunahan lang ng kaba. Kinikilig tuloy ako.

Ilang minuto pa ang lumipas, pareho na kaming natapos sa paggamit ng bathroom. Ready ng matulog pero naglalambing pa rin siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang. Nakadantay kasi 'yong mga binti niya sa akin tapos pinipisil niya 'yong ilong ko, 'yong pisnge ko, tapos 'yong labi ko habang nakangiti siya kaya napapangiti na rin tuloy ako.

"Chocolate?" tawag niya.

"Bakit, Chocolate?" Nilingon ko siya.

"Ah, wala." 'Di na ako nakatiis hinampas ko na siya dahil pabitin siya. "Aray ko! Ang sakit!" angal niya.

"Ikaw kasi, e. Ano ba 'yong sasabihin mo?" Muli na naman siyang nagkamot ng ulo. "Chocolate, madami ka ba'ng kuto?" Tinawanan ko siya kaya ginapos niya ako. "Aaah!" Napasigaw na ako. Grabe, ang lakas talaga ng mga lalaki. Hindi ako makawala sa kanya. Ang bad ni Chocolate.

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon