Kabanata 31

3.3K 108 3
                                    

Kabanata 31


Sophia's Point of View

Napabuntong hininga ako sabay tingin sa kapaligiran. Nakatungtong na ako ngayon dito sa Philippine Airline.

Higit dalawang linggo na simula nang hindi magparamdam sa akin si Zyren.

Simula nung umuwi siya rito sa Pilipinas, ni isang tawag o text, o chat man lang hindi niya 'yon nagawa. At dahil sa pag-aalala ko, napagpasyahan kong bumalik dito kasama si Cassie.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi mapa-isip.

Okay naman kasi kami nung huli kaming nagkasama sa Australia. Isa pa, maayos 'yong napagkasunduan namin tungkol sa mga kompanya namin pero ang pinagtataka ko lang, hindi man lang niya ako magawang ma-kumusta.

Hindi ba siya nag-aalala sa kompanya niya? Kahit na si Jake, sinusubukan naming tawagan pero maging siya, hindi rin namin ma-contact.

Minsan nga, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko kaya hindi na talaga ako nagdalawang isip na hindi bumalik dito sa Pilipinas, kahit na alam kong hindi pa ako handa sa lahat ng haharapin ko rito, kung sakali mang magkita-kita na kami ng mga kaibigan ko.

Mabilis kaming nakarating ni Cassie sa isang Hotel malapit dito sa Manila, sa Makati. Tig isa kaming room para pareho kaming may privacy dalawa.

Umupo ako sa kama ko at muli kong sinubukang tawagan 'yong philippine number ni Zyren pero gano'n pa rin talaga, bigo pa rin akong ma-contact siya kaya hinayaan ko nalang muna.

May bukas pa naman. Sa tingin ko, kailangan ko na siyang bisitahin bukas na bukas ng umaga ro'n sa kompanya niya. Bahala na kung magulat siyang makita ako ro'n basta ang mahalaga, mabisita ko siya.

Nagpalit lang ako ng damit ko tapos tuluyan na akong natulog.





*****

Ehdrey's Point of View

Pinaghahandaan ko ngayon ng pang-umagahan si Zyren dahil papasok na siya ngayon sa trabaho niya.

Nang magpunta na siya rito sa kusina para kumain, nakita kong hindi ayos ang butones ng polo niya kaya agad ko siyang nilapitan para ayusin 'yon pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong hawiin dahilan para mapaluha ako.

May panibago na naman siyang ipinakita sa akin na hindi magandang pag-uugali niya ngayon.

Hinahawi na rin pala niya ako na akala ko hanggang sigaw at amba, at marahas na paggamit sa katawan ko lang ang gagawin niya sa akin pero ngayon, nasasaktan na rin pala niya ako katulad nito ngayon.

Bumangon akong mag-isa matapos kong mapaupo sa semento. Nilihim ko nalang ang pagpatak ng luha ko.

Minabuti kong ipagpatuloy nalang ang paghahanda ng makakain niya dahil ayokong mas lumala pa 'yong sitwasyon naming dalawa.

"Amh, k-kain ka na," utal kong pagkakasabi habang inihanda sa harapan niya ang mga niluto kong pagkain.

Nakatayo lang ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ko siyang kumain pero bigla niya 'yong dinura. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

"Ano ba'ng klaseng pagkain 'to?! Hindi masarap!" sigaw niya na siya kong kinagulat.

"H-Hindi mo nagustuhan? S-Sige ipagluluto kita ng panibago." Mabilis kong binuksan ang apoy sa kalan saka inilagay ang kawali at mabilis na naghiwa ng mga panggisa.

Wala na akong pakialam kung magkanda laglag 'yong mga nasa harapan ko basta ang mahalaga mauna ko siyang maasikaso.

Pero pagbuhos ko ng mantika hindi ko inaasahang mapapaso ako ng kawali. Mariin akong napakagat sa labi ko dahil sobrang sakit ng pagkakapaso ko. Masakit talaga. Sobrang sakit. Napapikit nalang ako habang isinasahod 'to sa gripo.

"Tanga-tanga kasi! Sa labas na nga lang ako kakain dahil nawalan na ako ng gana!" mariin niyang pagkakasabi kaya sinundan ko na lang siya ng tingin.

Napaupo nalang ako sa dining table matapos kong manghina dahil sa mga narinig kong sinabi niya. Tuloy-tuloy na ring pumatak 'yong mga luha ko at hindi ko na napigilan pa.

Talaga ba'ng tuluyan na siyang nagbago? Paano niya nagagawa sa akin ang bagay na 'to? Hindi ko na siya makilala. Wala na 'yong dating Zyren na minahal at pinakasalan ko.

Dati naman gusto niya ang mga niluluto ko pero bakit ngayon basta-basta nalang niya 'yong itinatapon?

Wala talaga akong ideya kung paano niya nagagawa ang mga bagay na 'to sa akin ngayon. Tuluyan na siyang nagbago simula nang makabalik siya galing Australia.

Iiyak nalang siguro ako dahil wala naman akong magagawa. Miss na miss ko na si Darren. Kumusta na kaya siya? Bakit hindi niya ako magawang puntahan dito kahit saglit lang?

Hindi ko na rin masilayan ang labas paano ako makakabisita sa kanya? Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko rito. Gusto ko nang makalaya.






Sophia's Point of View

Nandito na ako ngayon sa tapat ng kompanya ni Zyren nang bigla akong mapangiti. Nasasabik na kasi talaga akong makita siya kaya nagmadali na akong maglakad papasok sa loob.

"Ma'am Sophie, ang bilis n'yo naman po maglakad," hinihingal na sabi ni Cassie nang habulin niya ako kaya natawa nalang ako.

Pagpasok namin sa front door nagulat si Jake nang makita niya kaming magkasama rito ni Cassie.

"M-Ma'am Sophia?" aniya.

"Ako nga." Tinanggal ko ang shades ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. "Nasaan si Zyren?" dugsong ko pa.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon