(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story
-Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...
Nandito ako ngayon sa isang fast food, nakaupong mag-isa habang umiinon ng hot chocolate. Nang bigla akong tabihan ng isang lalaking pamilyar kaya hinayaan ko nalang siya.
"Sophia..." sambit ni Darren habang nakayuko lang ako. "Umh, alam kong hindi pa ako nakakahingi sa 'yo ng tawad simula noon," aniya.
Hinayaan ko lang siyang magsalita. Nakayuko pa rin ako at 'di ko magawang lumingon sa kanya.
"Sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na maibabalik o maitatama ang lahat ng pagkakamali ko noon pero nagsisi na rin ako. Pinagsisihan ko na rin 'yon pero hindi ko magawang patawarin ang sarili ko hangga't hindi mo ako napapatawad, Sophia."
Hindi pa rin ako kumikibo kahit ang dami na niyang sinasabi.
"A-Alam kong mag-asawa na kayo ni Zyren ngayon. W-Wala akong intensyon na sirain kayo. Ang mahalaga nasabi ko sa 'yo 'to. Nagbabaka sakaling mapatawad ko rin ang sarili ko kagaya ng hinihiling sa akin ni Ehdrey kapag tinanggap mo ang sorry ko."
Bigla siyang napayuko nang titigan ko siya.
"Oo, napamahal ako kay Ehdrey noon gano'n din siya sa akin pero she confesses to me na mahal pa rin niya si Zyren hanggang ngayon."
Napatitig ako sa kanya sa sinabi niya. At may kaonting kirot sa puso ko nang malaman ko 'yon.
Is it true? Mahal pa rin ni Ehdrey ang asawa ko? Si Zyren? Na dati niya ring asawa?
Bigla siyang napalihis sa akin ng tingin dahilan para tumulo 'yong mga luha niya. Ramdam ko ngang napamahal siya ng husto kay Ehdrey.
Bigla na ring tumulo yong mga luha ko nang malaman ko 'yon. Mahal na mahal ko rin kasi si Zyren.
"Mayroon pa akong gustong sabihin sa 'yo, Sophia."
Nananatili lang akong nakatingin sa kanya. Magkatitigan kaming dalawa habang tumutulo 'yong mga luha namin.
"'Yong tungkol kay Mommy, I'm sorry kung hindi kita nagawang maipakilala noon sa kanya. Kilala ko kasi siya, Sophia. Kapag hindi niya gusto 'yong babaeng dinadala o hinaharap ko sa kanya binabastos niya 'yon, at ayon ang ayokong mangyari sa 'yo dahil gusto kong protektahan ka laban sa kanya. Aaminin ko naduwag akong gawin 'yon at tinatanggap kong nagkamali ako ro'n. Sana mapatawad mo ako."
Halos mapuno na 'yong mga mata ko ng luha.
"Inuulit ko, pasensya ka na kung nawalan ako ng time sa 'yo noon, pero ginagawa ko 'yon para rin sa ating dalawa no'n. Pero mukhang sobra akong napasubsob do'n nang hindi ko namamalayan sa kagustuhan kong ayokong magkahiwalay tayong dalawa."
Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niyang 'yon. Feeling ko bumabalik ulit 'yong nakaraan naming dalawa noon.
"Pero simula nung iwan mo ako, ibinalik ko kung ano 'yong dating ako noon bago tayo magkakilala katulad ng huli nating pagkikita. Pero natigil lang 'yon nang dahil sa deal namin noon ni Ehdrey. Ginawa kong piligro ang buhay niya. Masyado akong naghanap ng pagmamahal simula ng mawala ka."
Nilihis ko ang tingin ko habang patuloy na nagpupunas ng mga luha.
"Inaamin kong may pagkakamali ako dahil sinira ko ang relasyon nina Ehdrey at Zyren. Oo napamahal kami ni Ehdrey sa isa't-isa, pero katulad ng sinabi ko, wala na 'yon ngayon dahil bumitaw na siya."
This time napatingin ulit ako sa kanya pero tuloy pa rin ako sa paghikbi ko.
"Nakapag-usap na kaming dalawa. Wala nang kahit anong namamagitan sa amin dahil tinapos na niya. Lalo pa nang malaman ko ring si Zyren ang ama ng anak niya kaya tinanggap ko na kahit masakit. Sana mapatawad mo ako at mapatawad mo rin si Ehdrey, 'yon lang Sophia."
Tumayo na siya kaya agad ko siyang hinabol ng tingin. "Umh, s-sige, kailangan ko pa kasing umalis. May flight pa kasi ako bukas." Kita kong nagpunas siya ng luha niya ng palihim.
Bigla na rin akong tumayo. "Flight?" gulat ko sa sinabi niya.
"Oo. Patay na kasi si Mommy. Nabalitaan ko kahapon lang. Kailangan kong asikasuhin 'yong ilang negosyo naming naiwanan do'n dahil walang mag-aasikaso no'n do'n kundi ako lang. Nag-iisa lang naman kasi akong anak. Pero masaya akong ibalita sa 'yo na 'yong nalulugi kong negosyo namin noon sa Canada napagtagumpayan ko 'yong maibangon simula nang iwan ako ni Ehdrey. Doon ko ibinuhos lahat ng oras ko at ayon ang naging resulta no'n."
"Talaga?" Bahagya akong napangiti. Pero malungkot na rin dahil sa pangyayari sa Mommy niya. "Pero c-condolence." Tumango lang siya at bahagya kaming nagkangitian sa isa't-isa.
"S-Sige aalis na ako. Pasensiya na sa storbo."
"Sandali, Darren! 'Yong paghingi mo ng tawad, p-puwede naman nating kalimutan 'yon." Gulat niya akong nilingon matapos kong sabihin 'yon.
"A-Anong ibig mong sabihin? Na patawad mo na ba ako?" aniya.
Pero umiling ako. "H-Hindi pa. Hindi naman gano'n kadali na kalimutan ang lahat pero puwede ko namang subukan ng paunti-unti." Muli kong nakita ang pagluha niya. Tumango siya at napangiti sabay lapit sa akin.
"Salamat. Salamat, Sophia." Halos sunod-sunod kong nakita ang mga luha niya at napayakap pa nga siya sa akin kaya napangiti ako kahit na nag-iiyakan kaming dalawa.
Zyren's Point of View
Bigla kong naidilat ang mga mata ko nang may parang humahaplos sa mukha ko. Pagkatingin ko'yong batang nabangga ko pala. Napabangon ako sabay tinignan ko siya.
"Gising ka na. O-Okay ka na?" tanong ko sa kanya.
Nang makita kong nandito rin si Ehdrey nagkatinginan kaming dalawa.
"Ahm, s-salamat sa pagligtas sa anak ko," nakayuko niyang sabi habang bahagyang nakangiti.
"Uh, wala 'yon. K-Kasalanan ko naman."
"Ah, hindi. Aksidente lang 'yon wala namang may gusto."
"Mommy..." sambit ng bata sa kanya kaya pinagmasdan ko lang sila habang niyakap niya ito at hinalik-halikan.
Ewan ko ba sa sarili ko pero napangiti ako nang pagmasdan ko silang dalawa ngayon.
"Anak, magpasalamat ka kay mister Zyren Do dahil niligtas ka niya," mahinahon niyang sabi sa bata.
"Mister Do? Mommy, pareho po kami pangalan."
Bigla akong nagtaka. "Talaga? Pareho tayo ng pangalan? Ano ba'ng pangalan mo?" tanong ko sa bata habang nagkakatinginan kami ni Ehdrey.
"Zyrey Do po."
"Anong sinabi mo?" Napatitig kay Ehdrey na siya niyang ikinayuko.
"Ahm, p-puwede ba tayong mag-usap sandali? Kahit dito lang sa likod ng pinto? 'Yong hindi maririnig ng bata." Agad akong tumango matapos ay nilambing niya sandali 'yong bata para pumayag itong makalabas kami.
Nang matungo namin ang pinto, naghihintay lang ako sa sasabihin niya habang nakayuko lang siya.
"Anak natin siya, Zy." Nagulat ako sa binunyag niya. Tila natulala pa ako habang nakatitig sa kanya.
"A-Anak ko siya?" Is it true?
"Ahm, w-wag kang mag-alala, wala naman akong balak ipaalam sa kanya. Ayokong masira ang relasyon n'yo ni Sophia, at saka, p-pasensya na pala kung pinagamit ko sa kanya 'yong apelyido mo at sinunod ko sa pangalan nating dalawa. 'Yon nalang kasi 'yong alaala ko sa 'yo kaya nanghihingi ako ng tawad. Sana mapatawad mo ako."
Nakatulala pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala. Tila hindi ko manlang napansin 'yong mga sinabi niya dahil ang isip ko ay nasa bata lang.
He's my son.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Book 2) Written by MsjovjovdPanda 2017 All Rights Reserved Target readers: R-18