Kabanata 32
"Ma'am Sophia, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin po si sir Zyren. Baka naiinip na po kayo," pag-aalala sa amin ni Jake.
Higit dalawang oras na kasi kaming naghihintay dito sa office ni Zyren pero nakakapagtaka nga kung bakit wala pa rin siya rito sa kompanya niya hanggang ngayon.
Nasaan na ba kasi siya?
"Bakit hindi mo kaya tawagan? Pero 'wag mong sasabihin na nandito ako sa office niya ngayon," suhesyon ko.
"Sige ma'am, dati po kasi pag ganitong oras nandito na 'yon si Sir, e."Kinuha na niya 'yong cell phone niya at sinimulang tawagan si Zyren habang nagkatinginan naman kaming dalawa ni Cassie.
"Sir?" turan ni Jake sabay ni-loudspeaker niya 'yong cell phone niya. "Sir, nasan na po kayo?""Ikaw muna ang bahala riyan, Jake," sabi niya sa kabilang linya pero nahalata kong may kakaiba sa boses niya.
Nakainom ba siya? Pero ang aga naman yata para ro'n?
"Bakit, Sir? Nasaan po ba kayo?" pakunwaring tanong ni Jake habang magkatinginan kaming tatlo. Naghihintay kami sa isasagot ni Zyren.
"Dito lang sa Bar, papalipas lang ng oras. Sige na, tawagan mo nalang ako pag may problema.""Sandali, Sir. Saan po ba 'yan banda?"
"Bakit? May balak ka ba'ng makipag-inuman sa akin? Mamaya na. Tapusin mo muna 'yang trabaho mo riyan. Alam mo naman kung saan tayo madalas umiinom 'di ba? Tawagan mo nalang ulit ako mamaya." Binaba na niya 'yong call kaya napalalim ako ng hininga.
"Jake, tapatin mo nga ako. May problema ba si Zyren?" kunot-noo kong tanong kaya napayuko siya.
"Ah, m-ma'am Sophia..." Nauutal siya habang hindi makatingin sa akin ng deretso.
"Sabihin mo na Jake!" pagpupumilit ko habang nagkatinginan sila ni Cassie. Magkasalubong na rin kasi ang dalawa kong kilay.
"Ma'am, ang mabuti pa, ihahatid ko nalang po kayo sa sinasabing bar ni si—"
"Sinabi kong tapatin mo na ako Jake! Si Ehdrey at si Darren ba may ginagawa na naman ba silang kalokohan kung bakit nagkakaganyan 'yan si Zyren? Kilala ko siya! Hindi basta basta umiinom 'yon nang ganito kaaga!" iritable kong sabi kaya natahimik silang dalawa ni Cassie.Tumaas na rin kasi 'yong boses ko. Huminga muna ako ng malalim saka ko pinakalma ang sarili ko.
"Pasensya na, nag-aalala lang talaga ako kay Zyren. Pupuntahan ko siyang mag-isa kaya isulat mo 'yong address ng bar na sinasabi niya."
Mabilis siyang kumuha ng papel at ballpen saka niya isinulat 'yong address na tinutukoy ni Zyren.*****
Nakarating agad ako rito sa bar na tinutukoy ni Zyren nang magpahatid ako sa taxi.
Pinagmasdan ko ito ngayon dahil sa pagkakatanda ko, ito 'yong bar kung saan na lasing kaming dalawa noon ni Zyren.
Pinihit ko naman ang tingin ko sa katapat na Hotel nito. Mabilis din bumalik sa alaala ko na iyong Hotel na 'yon ang dati naming tinuluyan para makapagpatila ng ulan.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon gano'n din itong buong lugar na 'to dahil masyadong sentimental para sa akin ang mga lugar na pinagtatagpuan namin noon ni Zyren.Natagpuan ko nalang ang sarili ko na napangiti na pala ako kaya minabuti ko nang puntahan siya sa loob nito.
Hinagilap ko kaagad ng tingin ang kabuuang lugar. At dahil umaga naman ngayon, wala namang gaanong tao rito. Nakita ko agad siya na nakaupong mag-isa ro'n sa harapan ng bar tender at may hawak na isang bote ng alak.
Kaagad ko siyang tinabihan. "Can I join with you?" Halata ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako.
"Sophie?" halos pabulong niyang sabi. Nginitian ko naman siya at hindi ko na napigilang hindi siya yakapin. Miss na miss ko na kasi talaga siya.
"Chocolate!" sambit ko pa. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin pabalik na siya kong kinangiti. Matagal siguro bago kami nagbitaw ng yakap sa isa't-isa.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Napapangiti siya pero bigla ring nataranta nang tumingin ako sa hawak niyang alak kaya binitiwan niya 'yon. Agad siyang humingi ng tubig sa bar tender.
"Gusto lang kitang makita," sagot ko sa tanong niya kaya tumango siya saka muling ngumiti sa akin kaya nagkangitian kaming dalawa.
"Pasensiya na, naabutan mo akong ganito." Napalihis siya ng tingin sa akin.Bago ko naman siya sagutin hinayaan ko na muna siyang makainom ng tubig para mahimasmasan siya kahit papaano.
"Zy, may problema ka ba?" straight to the point kong tanong sa kanya.
Gusto ko sanang i-share niya sa akin kung ano man 'yong problema niya.Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla naman siyang napayuko kaya hinawakan ko 'yong kamay niya at hinigpitan ko 'yon.
"Zy, mahal pa rin kita." Napatitig na rin siya sa akin matapos kong sabihin 'yon. Magkatitigan lang kaming dalawa. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa sa nararamdaman ko para sa kanya.
Maya-maya pa, hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong hinawakan sa magkabila kong pisnge at nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya at unti-unti kong naramdaman ang paghalik niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Bakit hinalikan niya ako? Ibig sabihin ba nito mahal niya rin ako? Ramdam ko ang mainit niyang paghalik sa akin kaya tinugunan ko na 'yon. Pinikit ko na rin ang mga mata ko at dinama ko ang halik niyang 'yon.
Ilang segundo rin siguro ang itinagal ng paghahalikan naming dalawa. Alam kong public place na ito at may ilang puwedeng makakita sa amin pero kapag nandito ka na pala sa ganitong sitwasyon, mawawalan ka na ng pakialam sa mga taong nasa paligid mo at itutuloy mo pa rin 'yon.
Isa pa, hindi lang naman isang beses naming ginawa 'to ni Zyren in public. I think, two or three times na rin. Nagkangitian kami sa isa't-isa matapos ay hinolding hands niya ang kamay ko saka sabay kaming naglakad papalabas nitong bar. Niyaya niya kasi akong 'wag daw kami roon mag-usap.
Nang makarating kami sa parking lot, agad niya akong inalalayan papasok sa loob ng kotse niya saka kami ritong nag-usap dalawa."Zy, tell me, please? May problema ka ba?" mahinahon kong tanong sa kanya pero umiling lang siya.
Seryoso akong nakatingin sa kanya. Gusto ko kasi talagang malaman kung ano ba 'yong problema niya dahil nararamdam kong mayroon talaga.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge saka ko ito ipinihit paharap sa akin. Tinitigan ko siya mata sa mata sabay lalim ko sa paghinga."Zy, please?" pagmamakaawa ko habang magkatitigan kaming dalawa. Pero imbes na sagutin niya ako, yakap ang binigay niya sa akin ngayon. Sobrang higpit no'n na siya kong pinag-alala.
Hinimas ko ang likuran niya nang yumakap na rin ako sa kanya. Kung ano man 'yong problema niya, sana sa ibang araw, masabi niya rin sa akin 'yon. Tutulungan ko si Zyren kahit sa anong pamamaraan ko at walang makakapigil sa akin na gawin ang bagay na 'yon.
(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
BINABASA MO ANG
I'm Destined with the Playboy King (Book 2)
Romance(Book 2) Trending in the year of 2017 - #1 in Short Story -Zyren currently has amnesia. Hindi niya maalala ang nakaraan nila noon ni Sophia kung paano sila naging malapit noon sa isa't-isa. Ehdrey Mae is he's the wife-pero paano nalang kung ang kany...