Kabanata 36

3.4K 106 3
                                    

Kabanata 36


Jamie's Point of View

Tinawagan agad namin ni Crystal ang mga asawa naming sina Ezikiel at Ozu kaya nagkita-kita kami rito sa restaurant katabi ng tinutuluyang Hotel ni Sophia. Pinaalam na rin namin sa kanila 'yong mga nakita ko kaninang umaga, gano'n din 'yong mga kinuwento sa amin ni Sophia.

Nagmadali kaming puntahan ang bahay ni Zyren dahil nga sa tingin namin, may panibago na namang gulo sa pagitan nilang apat.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nina Zyren at Ehdrey pero ang nadatnan lang namin do'n ay ang mabilis na pagharurot ni Zyren ng sasakyan niya paalis at sinundan naman 'yon ni Sophia habang sakay ito ng taxi.

Nagmadali kaming sundan pa ulit sila at nang patungo ito sa bahay nina Darren, agad kaming nagbabaan nang makarating kami rito.

Pero pagbukas namin ng pintuan, nadatnan naming nakabulagta si Zyren sa semento at umaagos ang dugo niya mula sa ulo na siya naming kinagulat lahat.

"Zy! Zy! Please, gumising ka! Gumising ka!"

"Zyren! S* dre! Gumising ka!"

Pilit siyang ginigising nina Darren at Sophia samantala si Ehdrey parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Nangangatog siya.

Agad tinulungan nina Ozu at Ezikiel si Zyren para buhatin siya papuntang kotse para maidala na agad ito sa hospital.

Mabilis naming inalalayan si Ehdrey at hati-hati kaming sumakay ng sasakyan. Magkakasama kami nina Ehdrey, Darren, ako at si Ezikiel. Samantala sina Ozu, Crystal, Sophia at Zyren naman ang nando'n sa kabilang kotse.

Ramdam ko 'yong takot ngayon ni Ehdrey dahil hanggang ngayon nanginginig pa rin siya at tila tulala pa. Pilit ko siyang kinakalma dahil baka may kung anong mangyari sa kanya.





Sophia's Point of View

Niyakap ko ng mahigpit si Zyren habang si Crystal naman 'yong nagtatakip sa ulunan ni Zyren dahil sa dugong umaagos dito. Mabilis 'yong pagpapaharurot ni Ozu kaya mabilis kaming nakarating ng hospital.

Kaagad nagbabaan ang lahat at pinagtulungan nilang buhatin si Zyren. Agad siyang pinagpulungan ng mga nurse saka inihiga sa stretcher saka kami nagtakbuhan papunta ng emergency room. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya habang umaagos ang mga luha ko. Hindi siya puwedeng mamatay.

Please, kung dati nakayanan mo, dapat ngayon mas makayanan mo. Hindi ko kayang mawala ka. Zy, please lang, kumapit ka lang, 'wag kang bibitaw. Nandito lang ako, hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.

Hinalikan ko pa 'yong kamay niya bago kami tuluyang hinarangan ng mga nurse makapasok sa loob ng emergency room.

Kaagad naman akong napaupo sa sahig sabay subsob ng mukha ko sa palad ko dahil sa sobra kong pag-iyak.

Nang maramdaman kong niyakap ako ni Crystal sa balikat niya na ako umiyak. Sumubsob ako ro'n at do'n ako naglabas ng lahat ng sakit ng nararamdaman ko ngayong araw.

Ang sama nila. Sobrang sama nila para gawin nila kay Zyren 'yon. Kung alam ko lang noon na pagtataksilan nila si Zyren, sana hindi na ako umalis pa ng Pilipinas. Hindi ko na iniwan si Zyren kung magkakaganito lang ulit siya.

Ang sakit lang makita na 'yong pareho naming best friend niloko lang kaming dalawa.

Hindi ko alam kung ano 'yong puwede ko pang magawa sa kanila matapos kong makita ang lahat nang 'yon.

Galit na galit ako sa kanila, sa ginawa nila kay Zyren. Hinding-hindi ko sila mapapatawad at sinusumpa ko 'yon.






Darren's Point of View

Katulad ng dati, sina Ezikiel at Jamie ang kumakausap ngayon kay Ehdrey, si Crystal naman kay Sophia, at magkasama naman kami ngayon ni Ozu.

Nandito kami sa pasilyo nitong Hospital habang hindi ko mapigilan ang umiyak sa harapan niya.

Alam ko naman kung ano 'yong mali kong nagawa sa best friend ko, kay Zyren. Hindi ko naman itatanggi 'yon. Kahit habang buhay kong pagdusahan ang mga kasalanan ko sa kanya alam kong hindi niya ako mapatawad.

Pero hindi ko na talaga mabibitiwan pa si Ehdrey. Siya na ang mahal ko. Hindi na ako sanay nang wala siya sa tabi ko. Mahal na mahal ko siya. Oo, traydor ako pero anong magagawa ko kung hindi ko na mapigilan ang sarili kong mahalin siya?

"Darren, sana noon pa lang tinama mo na ang lahat sa inyong apat. E 'di, sana hindi na kayo umabot pa sa ganito." Hindi ako makaimik sa sinabi ni Ozu basta ang alam ko lang ngayon ay ang umiyak.

"Naiintindihan ko naman kung napamahal ka na kay Ehdrey, pero dre, hindi mo naisip kung ano 'yong puwedeng kalalabasan no'n. Tignan mo ngayon, nag-aaway kayo ni Zyren nang dahil sa kanya, gano'n din kay Sophia." Kita kong napailing siya at halata ang dissapointment sa mukha niya.

"Akala namin okay na kayo. Pero bakit hindi n'yo nagawang lumapit sa amin ni Ezikiel? Pareho kayo ni Zyren. Akala ko ba magkakaibigan tayo pero bakit sinosolo n'yo 'yong mga problema n'yo? Hindi maliit na problema 'to. Buhay n'yo ang nakataya rito, future ninyo ang pinag-uusapan dito."

Hindi ko magawang magsalita dahil sa tingin ko kasi magiging mali lang lahat ng sasabihin ko ngayon, kaya mas minabuti kong pakinggan nalang siya kung may sasabihin pa siya.

"Si Zyren, may problema na pala siya ro'n sa kompanya niya hindi man lang niya nagawang lumapit sa amin ni Ezikiel. At 'yong kompanya naman ng mommy mo ro'n sa Canada, hindi mo na rin inaasikaso, pinabayaan mo na. Anong nang nangyayari sa inyo? Paano kung magising si Zyren tapos may panibago na naman tayong problema?"

Nakayuko pa rin ako samantala napabuntong hininga siya. "Anong gagawin natin ngayon?" nanlulumo niyang tanong.

"Hindi ko alam. Wala akong ideya." Ito lang 'yong tangi kong nasabi sa kanya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"Eh, si Ehdrey paano siya?"

Napalingon ako sa kanya at tinitigan ko siya ng seryoso. "I wanted to be her new husband."




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon